58. The Pentagram

53.6K 2.1K 141
                                    

Thank you for reading this story. The story is also available on www.dreame.com. You may download the Dreame App for more awesome stories.

The Keepers is also published by Psicom and the book is already out on all leading bookstores (National Book Store, Book Sale, Expressions, and Pandayan) nationwide. You may also order your copy via Shopee and Lazada.

***

Chapter 58- The Pentagram

AMBER

"Oh gosh!" Nasambit ko habang pinagmamasdan ang pagbaba ng tatlong dark warriors in a triangular position. Nakahiga parin sa Alvis sa aking harapan habang nakatayo palibot saamin sina Laurent, Silex, Kaiser, Lara at ruru. My gosh Alvis, gumising ka na bago tayo gisain ng mga kalaban!

The three enemies were like a powerful triad. Sabay-sabay silang naglabas ng mga enerhiya sa kanilang katawan at pinagdugtong-dugtong nila ang kanilang mga kapangyarihan para makabuo ng triangular trap. Nakakulong kami sa hugis tatsulok na liwanag at pakiramdam ko'y hindi lang yo'n ang susunod nilang gagawin.

Parang nabasa ko na 'to sa isa sa mga librong pinagbawalan akong basahin ng mga magulang ko. Oh gosh! This is the Triagular Death ritual! Ayokong mamatay nang hindi ko pa nagiging jowa si Silex! Hindi ako papayag!

"Hah? Ano yan?" Silex exclaimed.

"T-That's the Triangular Death ritual! I have read it on the forbidden book of darkness na sinulat ng isang dark keeper. Isa ito sa mga highest form of unison raid na ginagawa ng mga may mataas na antas ang kapangyarihan. Kapag hindi tayo nakalabas sa loob ng tatsulok na 'to, tiyak na mamamatay tayo!" I was screaming. I was pretty sure everybody heard my warning. Kailangan na naming makalabas sa tatsulok na 'yon bago pa mahuli ang lahat.

"Laurent anong gagawin natin?" Nag-aalalang tanong ni Lara na bumalik na sa dating anyo. Nawala na ang wind harpy sa tabi nito. "Si Alvis lang ang makakapagligtas saatin ngayon!"

Nataranta na sila habang ako'y ginagamot parin si Alvis. Hindi ko alam kung hanggang kailan tatagal ang pagiging nine-tailed monster ko pero hangga't hindi natatapos ang laban ay magtitiis ganda muna ako. Nilapat ko pa ang aking mga palad sa ulo ng wala paring malay na si Alvis. Gumising ka! Mamatay na tayo! Hindi ko alam kung pabor sayo ang mamatay habang tulog pero utang na loob, ikaw lang ang makakapagligtas saamin ngayon!

Pinalakas ko pa ang healing energy na dumadaloy sa aking palad patungo sa katawan ni Alvis pero sadyang malala ang naging epekto ng tali ng kamatayan sa lalaki. I was so desperate na kahit love life ni Alvis ay itinaya ko na. Sige ka, kapag hindi ka gumising, mawawalan ka ng chance kay Lara at si Laurent na ang makakatuluyan ng bestfriend ko! Si Mistress Fhaun ang magiging forever mo! Gumising ka kung ayaw mong makatuluyan si Mistress Fhaun! Halos bulyawan ko sa utak ko si Alvis para lang magising.

I meant what I said. Tila naramdaman at narinig ng lalaki ang sinabi ko. Pabiglang bumukas ang talukap ng mga mata nito at parang nagulat sa itsura ko.

"W-who are you? Nasaan ako? Anong nangyayari?" Sunod-sunod na tanong no Alvis.

"Nawalan ka lang ng malay. Hindi ka nawalan ng memorya. I am Amber the Arang version. Pasalamat ka sa tiis ganda moment ko na 'to dahil mas naging mabilis ang healing process mo." Maarte kong sabi para mas kapani-paniwalang ako nga si Amber na nag-anyong Arang. Nang mahimasmasan ang lalaki ay saka ako sumigaw habang inaalalayan siya patayo. "Guys! Gising na si Alvis!"

Halos sabay-sabay namang napalingon ang lahat sa bandang gitna kung saan sila nakapalibot.

"Mamaya na ang kamustahan. We have a serious business to finish." Singit ko. Nag-alala na rin ako nang mapansin kong papalakas na ng papalakas ang pinagdugtong na enerhiya ng tatlong kalaban. "The triad is about to finish the ritual. Sa oras na matapos ang ritual na yan ay maglalabasan sa loob ng triangulo ang mga pinakamalalakas na dark demons na galing sa dark dimension at lalapain tayo isa-isa. Alvis, get us out of here!"

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon