58. The Pentagram

Magsimula sa umpisa
                                    

Walang sinayang na oras ang bagong gising na si Alvis. Tumayo ito sa gitna at lahat kami ay napahawak sa kanya. "Kumapit kayo ng mahigpit." He said as he closed his eyes to concentrate.

Ilang minuto pa ang lumipas ay hindi parin nagagawa ni Alvis ang lightning transmission technique na pwedeng magligtas saamin. Sinubukan uli niyang mag-concentrate pero hindi niya magawa ang lightning transmission. We're doomed.

"What's wrong Alvis?" Kaiser sounded horrified. Sa aming lahat, siya ang pinaka-takot mabura sa mundo dahil sa naghihintay niyang responsibilidad sa buong Cairos. Kailangan niyang makaligtas dahil siya ang inaasahang magmamana sa trono.

"May nakaharang na pwersa na pumipigil saatin palabas ng triangulong binuo nila. It's like we are trapped inside a huge triangular box. Masyadong malakas ang pinagsama-sama nilang pwersa at hindi ko kayang basagin ang energy wall na nabuo nila." He explained. The statement of Alvis brought us all in despair. Ang tanging pag-asa natin para mabuhay ay tila isang buwang unti-unting natatakpan ng madilim na ulap.

"Pasikat na ang pulang buwan! Kailangang makaalis na tayo dito at mailayo na natin si Lara." Laurent was desperate as well. Nanlulumo na ang itsuta nito.

Natahimik ako saglit. Hindi ko alam kung dahil sa desperasyon kaya naisipan kong baka pwedeng ibigay ko ang isang mapanganib na suhestiyon. Natatakot ako para sa kanila. Natatakot ako sa posibleng mangyari sa oras na gawin nila ang mapanganib na pangontra sa Triangular Ritual of Death.

Lara found my inner instict. Nabasa na rin nito ang ekspresyon ng aking mukha na hindi ko naitago. Sa loob ng maraming buwan kong naging kaibigan ito ay para na siyang karugtong ng aking ugat na alam ang kahulugan ng bawat kilos ko.

Yumuko ako at sinubukan kong ikubli ang aking mukha. It was the last resort I could think of.

"Amber, I know you know something that can save us. Pero natatakot kang sabihin kung ano yo'n dahil mapanganib at baka mas mapahamak tayo?" I wonder if Lara could read minds dahil alam nito ang eksaktong iniisip ko.

Tumango ako. I bit my lower lip to show how defeated I was. I was self-scolding for not putting a perfect poker face above all.

"Amber, just say it... or else you will forever regret. Would you want to regret for taking the risk and die or would you want to regret for not trying to take the risk but died at the same time? For us?" Halos maluha-luha na si Lara sa harap ko.

FOR US.

Simula nang pumasok ako sa Cairos Academy ay naging malakas na ang dating saakin ng salitang 'us'. Malaki ang nasasaklaw ng salitang yo'n: kaklase, kaibigan, pamilya. Sila ang nagsilbing pamilya ko sa loob ng ilang buwang nangulila ako sa tunay kong pamilya. Kaya gagawin ko ang isang mapanganib na ritual kasama sila at sasamahan ko sila sa tagumpay man o sa kabiguan.

"For us." Pag-uulit ko. Saka ko binuo ang matapang kong sarili. "The Five-Point Star Ritual o ang Ritual of Pentagram."

"That's dangerous," Laurent shook his head but later on he changed his mind, "we are all gonna die anyway. So atleast we try?"

"We have to." Lara was firm on her statement. Disidido itong gawin ang Ritual of the Pentagram.

Nang masiguro kong pumapayag na ang lahat sa gagawing pangontra sa ritual ng triad ay saka ako nagpatuloy. "We have to stand in an even distance. Laurent, Alvis, Kaiser, Silex and I will represent the five points of the star. Dapat sakto ang pagitan natin dahil kung hindi ay masusunog ang keeper na hindi eksakto ang distansya sa point ng mismong pentagram. Lara, I'm not sure if this would work. Base sa librong nabasa ko ay isang makapangyarihang orakulo dapat ang nasa gitna ng star, pero wala tayong orakulo. Ruru ang you will stand at the center of the star. "

The Keepers [TKS#1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon