Chapter 14

261 3 0
                                    

Pagkatapos ng sampung minutong lakad, nakarating na sila sa bahay ng mag-asawang Felizar. Simple lang ang bahay ng mag-asawa. Wala pang anak ang mag-asawang Romy at April.

"Mukhang eto na yung bahay." Sabi ni Eloisa habang tinitingnan ng maayos ang bahay.

"How can you tell?" Sabi ni Rose.

"Eto o, nakalagay dito. Magkapareho yung address na binigay ni Father at yung address ng bahay na ito." Sabi ni Eloisa.

"Good point." Sabi ni Rose.

"Tao po! Mr. at Mrs. Felizar! Andyan po ba kayo?" Sabi ni Eloisa.

"Tao po!" Sabi ni Rose.

"Tao po!" Sabi ni Eloisa. Naka-sampung 'tao po' na sina Eloisa at Rose pero walang sumagot.

"This is useless, nakakailang tawag na tayo, wala pa ring sagot." Sabi ni Rose. Napansin ni Rose na nakabukas ang gate ng bahay.

"Eloisa, hindi naka-lock yung gate." Sabi ni Rose.

"Oh, no! Kung iniisip mo na gagawin natin ulit ang trespassing, di na ako sasakay diyan." Sabi ni Eloisa.

"Sige na, it will be fine." Sabi ni Rose.

"I suppose." Sabi ni Eloisa. Pumasok na sila sa loob ng bahay. Nagtingin-tingin sila sa loob ng bahay.

"Tao po! Mr. at Mrs. Felizar! Nandito po ba kayo?" Sabi ni Eloisa.

"Tingnan mo sa kusina, tapos titingnan ko sa kwarto kung nandun sila." Sabi ni Rose. At ganun nga ang ginawa nila. Nagpunta si Eloisa sa kusina at si Rose ay nagpunta sa kwarto. Pagpunta nila sa mga lugar na iyon, may nakita silang nakakapagpaggabag.

"Oh my God!" Sabi ni Eloisa at Rose sa magkaibang kwarto. Lumabas na silang dalawa at nagpunta sa sala.

"Rose, nakita ko si Mrs. Felizar. Siya ay sinaksak ng kutsilyo." Sabi ni Eloisa.

"Nakita ko si Mr. Felizar na sinaksak din ng kutsilyo." Sabi ni Rose.

"That's odd. May pumatay sa mag-asawang Felizar." Sabi ni Eloisa.

"Oh great! Papano na tayo maghahanap ng ebidensya?" Sabi ni Rose.

"Yeah, masyadong kakaiba. Ang nakita ko lang ay isang kutsilyo na may dugo. Eto ata yung kutsilyo na ginamit sa pagpatay ni Mr. at Mrs. Felizar." Sabi ni Eloisa habang pinapakita ang kutsilyo kay Rose.

"Seryoso ka ba? Hawak hawak mo ngayon yan?" Sabi ni Rose.

"Oo, bakit?" Sabi ni Eloisa.

"Paano kung may dumating na pulis tapos tayo ang pagbintangan na pumatay?" Sabi ni Rose.

"Don't fret my dear. I'm sure walang pulis na pupunta dito. Tayo na kaya mismo pumunta sa pulis station para isumbong ang krimen na ito." Sabi ni Eloisa. Pagkatapos niya sabihin ang mga salitang iyon, may mga pulis na biglang dumating sa bahay.

"Too late!" Sabi ni Rose.

"Itaas niyo ang mga kamay niyo sa ere." Sabi ni Mamang Pulis.

"Seryoso kayo?" Sabi ni Eloisa.

"Gawin niyo na, baka magpaputok kami dito!" Sabi ni Mamang Pulis.

"Eloisa, gawin nalang natin. It's no use fighting. Hawak mo ang kutsilyo!" Sabi ni Rose kay Eloisa dahil sa asar. Itinaas na nga nilang dalawa ang kamay nila sa ere. Pinosasan sila at dinala sa police station.

"I can't believe we got arrested for the crime we didn't commit." Sabi ni Eloisa.

"This is seriously the worst! Dapat kasi hindi mo hinawakan yung kutsilyo!" Sabi ni Rose.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon