Chapter 9

304 4 1
                                    

Author's Note: Yung video po yung musikang pinapatugtog ni Emma sa kanyang speakers sa kanyang kwarto sa ospital.

"Hmmmm... Could it be na para ito kay... hmmmm....." Sabi ni Carlos pagkatapos basahin ang tula.

"Well?" Sabi ni Rose.

"Alam ko kung para kanino ito. Grabe talaga ang pagmamahal ni Emma sa kanya! Grabe! Ang swerte ng lalaking ito. Sa bagay nga naman eh, perpekto siya eh! Hay! Mio! Mio!" Sabi ni Carlos na nagseselos sa subject ng tula.

"Well, sino? Pagsinabi mo ito, makakatulong ka kay Emma. Pinapahanap niya sa amin itong lalaking ito. Bakit ayaw niya kasi sabihin kung sino ang lalaking ito?" Sabi ni Eloisa.

"Ayaw niyang malaman ng lahat ang tungkol dito. Masisira ang buhay nilang dalawa pag naging public ito." Sabi ni Carlos.

"Anong ibig sabihin mo? Please, sabihin mo na, para matapos na ito." Sabi ni Rose na nagmamakaawa.

"Ayoko. He caused a lot of pain to me. He's the real reason why we broke up. She loved him more. Aalis na ako, good luck finding him. The answer will always be right in front of your faces." Sabi ni Carlos na naiiyak habang palabas ng Wake Up Coffee Shop.

"Sayang! Dapat kasi sinabi niya eh!" Sabi ni Eloisa.

"Oo nga. May napansin ako sa sinabi niya." Sabi ni Rose.

"Ano yun?" Sabi ni Eloisa.

"Ang sabi niya 'the answer will always be right in front of our faces.' Yun din ang sinabi ni Emma tungkol dito. Hindi kaya kilala na natin ito?" Sabi ni Rose.

"Di ko alam eh." Sabi ni Eloisa. Biglang nagbukas ang tv ng Wake Up Coffee Shop. Naka-set agad ang channel sa may breaking news.

"Breaking news: Ang anak ng may-ari ng dela Rama Corporations na si Jonathan Rex dela Rama ay pinatay sa St. Patrick's Medical Center. Siya po ay sinaksak. Kagabihan po ito nangyari. Ang itinuturong suspect ngayon ay ang dating boyfriend ng fiance ni Rex dela Rama na si Mateo Jonathan Macedo. Siya po ay nakakulong ngayon sa Makati City Jail. Inaalam pa ng mga pulis ang motibo ni Macedo bakit niya pinatay ang fiance ng ex-girlfriend niya." Sabi ng news reporter.

"Oh my God! Seryoso ba ito" Sabi ni Eloisa nang makita ang balita.

"Tara! Punta na tayo sa kulungan, tanungin natin kung anong nangyari." Sabi ni Rose. Nagcommute na ang dalawa papuntang Makati City Jail, at pagkarating nila doon na sila nagkausap. Hinayaan ng pulis na makausap ni Mateo sina Eloisa at Rose sa kulungan.

"Mateo, anong nangyari? Ikaw ba talaga ang pumatay?" Sabi ni Eloisa.

"Hindi, obviously! Nasa Greenhills ako kagabi kasama ang mama ko. Ayaw ako paniwalaan ng mga pulis kasi may witness daw na nakakita sa akin." Sabi ni Mateo.

"Sino ang witness?" Sabi ni Rose.

"Di ko alam eh. Bawal daw sabihin sa akin until the date of the trial." Sabi ni Mateo.

"Trial? Woah! Grabe! We'll find proof na hindi ikaw ang gumawa ng krimen na ito. Right now, pwede ka ba piyansahan?" Sabi ni Rose.

"Hindi. Non-bailable offense ang pagpatay na may ebidensya. Sorry." Sabi ni Mateo.

"Wag ka mag-alala. Pupunta muna kami ng greenhills para tingnan ang security footage dun at ipakita ang proof na nandun ka sa gabi na ginawa ang krimen." Sabi ni Eloisa.

"We'll be back Mateo, we'll be back." Sabi ni Rose. Nagcommute ulit sina Eloisa at Rose papuntang greenhills. Nagtanong agad sila sa guard kung pwede makita ang security footage ng mall.

"Kuya guard, pwede ba makita ang security footage ng mall?" Sabi ni Eloisa.

"Sorry, di pwede." Sabi ni Kuya Guard.

The Final Wish (Filipino Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon