Is that the reason why he don't have the string anymore? Patay na si Cindy? At kailan pa?

"W-What?"

His eyes darted into mine. "I thought you were her friend? But you're not there when she need you the most." bakas ang galit sa tono niya.

Agad niya namang binago ang topic. "But that was long time ago. Uulitin ko, pagkatapos ng anim taon na di ka nagparamdam, anong kailangan mo saakin at naipatawag mo ako?"

I choked my words. Buti na lamang ay bumukas ang pinto at ibinuwal nito ang sekretarya ko.

"Ito na po Ma'am," inilapag niya ang brown envelope sa ibabaw ng lamesa.

"Thank you Celestine, you may go now."

Nang ibaling ko pabalik ang tingin ko kay Calvin ay naabutan ko siyang naka-tingin uli sa picture namin ni Traci.

Oo maganda si Traci lalo na pag ito ay naka-ngiti. Sa litrato na naka-paskil sa picture frame ko ang labas-ngipin ang ngiti namin ni Traci. Nasa beach kami ng panahong kinuhanan kami r'yan at kahit wala kaming make-up diyan ay hindi pa rin maipagkaka-ila na umaapaw ang ganda ni Traci sa litratong ito.

Wag mong sabihing pupunteryahin mo na naman ang bestfriend ko Calvin?

Ibinaling niya ang tingin sa envelope. "What's that?"

Alam kong magiging demonyo ako kung itutuloy ko ang plano ko. Lalo na ngayon na wala na pala si Cindy. I treated her as my closest friend sa pag-aakalang hindi siya gaya ng iba na kayamanan lang ang habol saakin. I respect her death but I hope she'll understand.

Kung kanina ay buo na ang pasya ko, ngayon ay may bahid na ng pag-aalinlangan ang sistema ko.

I'm sorry Cindy but I need to set aside those guilt that I have. Pag ikaw ang nasa posisyon ko, I know you'll understand.

"O-Open it." I tried to make my voice straight, but I failed.

Kinuha naman ito ni Calvin at binuksan. Sinundan ko ang mga mata niyang tutok na tutok sa papel na binabasa. Habang tumatagal ay mas lalong humihigpit ang pagkahawak niya sa papel, hanggang sa ibinaba niya na ito.

"What the hell is this Lumiere?!" His full voice echoed at every corner of the room. I jumped out a bit but still manage to get my posture back.

"Hindi ka ba marunong magbasa?"

His brows were meeting each other. Bakas ang galit at iritasyon sa mga mata niya. Dahil doon ay lumambot ang mga tuhod ko, ngunit hindi ko pinahalata iyon.

"Nababaliw ka na ba-"

"Oo! You can call me crazy, but you need to agree with me on this!" I can't help but rise my voice a bit.

Napa-iling siya at sarkastikong ngumiti. "And why the fuck do you think I'll agree on this? Why the fuck do you think I'll marry you Lumier? Because you're company are drowning because you can't really handle it properly? Wala nga talagang nagbago sayo maliban sa edad mo. You're still the same Lumier I've met before. The spoiled brat Lumier."

Pain hit me so hard. Walang ibang nangmaliit sa akin ng gan'to kundi siya lang.

Totoo na unti-unti ng bumabagsak ang kompanya. Hindi pa ito tuluyang bumagsak pero ayokong hintayin na umabot pa sa kritikal ang kondisyon na iyon. Habang maaga pa ay naghahanap na ako ng mga solusyon. Ayoko rin umabot ito sa mga magulang ko dahil mataas ang tiwala nila na kaya kong hawakan ang mabigat na posisyon na ibinigay nila sa akin. Alam kong labis nila akong kasusuklaman kapag nalaman nilang unti-unti ng bumababa ang kompanya at may nagbabanta na rito. Lahat ng iyon ay nakapaloob sa papel na hawak niya.

Totoong isa sa solusyon ko ang yayain mapakasal kay Calvin. Kilala siya sa pinakama-impluwensyang CEO ng bansa. Kung ikakasal kami ay di ako mahihirapan itaguyod ang kompanya ko kung ipapag merge ko ito sa Vencua Corp. Bukod sa mahahati namin ang shares, mas dadagsain ako ng investors dahil nakakabit na sa akin ang isa sa pinakamahusay na businessman sa bansa. Maaaring magulat at tumutol sila Mom at Dad pero hindi sila ang magiging pinakamatindi kong kalaban.

Ang tadhana.

Nung una ay napag isipan ko na rin ito. Tinansya kong maaaring magkasama na sila ni Cindy dahil magkakonekta naman ang strings nilang dalawa. Sa nasagap kong balita ay hindi pa raw kasal si Calvin at doon ako nabuhayan. Habang hindi pa ito kasal ay susubukan kong makuha siya pabalik. Susubukan kong traydorin ang tadhana. Sa ganoon ay maibabalik ko ang dating kasiglaan ng kompanya at makakapag higanti na rin ako sa kataksilan na ibinigay nila sa akin noong nakaraang walong taon. Ngunit wais pala ang tadhana. Trinaydor niya si Calvin at inalis si Cindy sa plano ko. At dahil dito, nayanig ang plano ko.

But fuck. I should stop this shit.

"O-Okay. You may go now."

Napakurap naman siya ng ilang beses. "Lumier, pera lang ba talaga ang nagpapa ikot ng mundo mo?" he exhaled.

Iniwas ko na lang ang tingin ko sa kaniya. "You never understand me Calvin," kamuntikan na akong pumiyok.

"You never made me understand Lumier," Singhal niya. "Simula't sapul hindi mo ipinaiintindi sa akin. I tried to understand you but you keep shutting the door and keep saying that I won't understand."

Napa iling na lamang ako.

"I hope you'll find a space for forgiveness in your heart for us someday. At sa oras na dumating iyon, sana pag tinawag mo ako, tratuhin mo naman akong tao at hindi robot." bitterness were all over his voice.

Nararamdaman ko na ang pamumuo ng aking mga luha kaya mas lalo kong ibinaling ang tingin sa ibang direksyon. "Leave."

"Lumier-"

"Leave!" I shouted at the top of my lungs as I bore my eyes into him. Gulat na napatingin siya sa paglandas ng mga luha ko. Walang pasabing kumawala ito kaya naman nagmukha akong kaawa-awa sa mukha ng kasalukuyang pinaka kinasusuklaman kong nilalang. Ang kaisa-isang taong kayang magparamdam sa akin na wala akong kwentang tao. Kaya niya akong lunurin sa pinaka kalaliman ng insikyuridad ko sa sarili. I've always been almost perfect in everyone's eyes. But not to his. Lahat ng negatibo kong katangian ang tanging nakikita ng kaniyang mga mata. Kaya niya itong ibato sa akin pababa. Kinasusuklaman ko kung paano niya napaparamdam sa akin ito. Na para bang wala na akong ginawang tama. Hindi ko lubusang maintindihan kung bakit nagawa kong kahumalinga ang  nilalang na ito. Gan'to ba talaga kasakit magmahal ng taong hindi naman sa iyo itinadhana?

"Umalis ka na," kalmado ngunit nanginginig ang boses ko sa pagka irita.

Isang iling at ilang sandali lang ay tuluyan na rin siyang umalis. Sa pagsara ng pinto ay sumabay ang bilis ng agos ng mga luha ko. Hindi ko man naisin ay kusang naglabas ng mga hikbi ang bunganga ko. Hindi lang kahihiyan ang naramdaman ko, bumalik din ang mga ala-ala ng kahapon. Ang mga sakit na aking natamo.

Tadhana naman e! Kailan mo ba ako pahihintulutang sumaya?

Itutuloy...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 05, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Red Strings (Hilo Rojo)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon