Ang malamig na simoy ng hangin ang sumalubong sa akin. Presko sa balat at hindi naging dahilan upang manginig ako sa lamig. Ang kulay ng langit ay sumisimbolo na napalitan na ng buwan ang liwanag ng araw. Gabi na't abala ang mga tauhan sa kompanya ngunit ako'y narito pa sa ituktok ng mga naglalakihang gusali, nakatanaw sa kabuuhan ng Makati.
Dito na ako lumaki at masasabi kong kasabay ng paglaki ko ang pag-unlad ng Makati. Dati rati'y malaya pa akong nakikipag takbuhan sa alaga kong aso sa ibaba, ngunit ngayon ay natabunan na ito ng mga bagong matataas na building. Samantalang sinakop naman ng mga magagarbong sasakyan ang daanan.
I ranked my fingers through my long curly jet hair. Maraming nagsasabing napakaswerte ko raw. Bukod sa ipinanganak akong kayang makuha ang mga inaasam ko, marami rin akong iba pang maipagyayabang tulad na lamang ng mga natamo kong achievements sa buhay. Sa edad na 22 ay pinamahala na ng aking ama ang isa sa mga kanyang kompanya. Ngunit hindi naging madali iyon. Lalo na't mas nanaisin kong mag party tuwing gabi kesa harapin ang mga papeles. At pakiramdam ko ay sinadya ito ng mga magulang ko. Lalo na nang may kumalat na sinasabi nilang scandal ko raw.
Isang taon ang nagdaan pagkatapos ng aking graduation ay may kumalat na video at pinagkaguluhan ito sa social media. Dulot ng katamaran ay hindi na muna ako nag-abalang mag hanap ng trabaho dahil hindi naman itinigil nila mom at dad ang pagsustento sa aking bank account. Madalas kaming lumalabas tuwing gabi ni Traci. Minsan naman ay nagbabakasyon kami sa ibang bansa upang may ma-upload sa kanya-kanyang social media accounts.
Tanda ko pa na hapon noon, hindi ako nagising ng umaga dahil alas-dos ng madaling araw na ako naka-uwi dahil sa party noong nagdaang gabing na 'yon. Nagising na lamang ako sa ingay ng aking telepono. Bumungad agad sa akin ang naghihisterekal na boses ni Traci. Sinabi niyang kailangan kong buksan ang kahit ano sa social media ko na agad ko namang ginawa dahil sa tono ng pananalita ni Traci, malamang sa malamang ay importante ito.
Nang binuksan ko ang isa sa mga social media account ko ay tumambad agad sa akin ang video na may pamilyar na lokasyon. Agad kong pinindot ito at laking gulat ko na naroon ako. Sa akin mismo nakapokus ang camera. Hiyawan ang samu't saring kantyaw ang pumalibot sa akin habang nakapatong sa isang lalaki't nakikipag halikan. Bawat isa sa nakapalibot sa'min ay may kaniya-kaniyang cellphone at bini-bidyohan kami. It was posted an hour ago, at dinumog ito agad.
Hindi ako pwedeng magkamali, ako nga ito. Ito yung suot ko kagabi sa party!
Dumungaw ako sa comment section at puro pangbabash lang ang lumandas sa mga mata ko.
Antonette: Is that Lumier Gervaise?
Grace: That's Ella's man. Wtf?!
Kristin: Omg! I know her! Ka-schoolmate ko siya last year. And yes, she's really that wild.
Reign: Such a bitch!
Freya: Binasted nito yung kuya ko. Kaya naman pala. Gan'to pala mga type niya. What a shame!
Iba't ibang masasamang komento ang nabasa ko ngunit may isa ang umagaw ng aking atensyon.
Janine: Ang sabi ni Jake inaya pa raw siya ni Lumier sa condo niya kaso umayaw si Jake because he's loyal to his girlfriend. Sabi naman ni Ella, matagal na daw talagang bitter sa kaniya si Lumier.
There was a hundred comment down her comment. Agad ko namang pinindot iyon.
Leya: Fuck. She's so desperate. Pero kung maka-asta, pa-virgin.
Angel: I hope Ella and Jake will be fine. Kasalanan 'to ng malanding babaeng yan. Magaling talaga yan sa pagpapa-hiwalay ng magkarelasyon.
Kahit lasing ako ng gabing iyon, alam ko ang bawat detalye sa nangyari. Naaalala ko kung pano kami naghalikan ngunit hindi ko siya niyaya sa condo ko. Baliktad ang sinaad ng lalaking iyon dahil sa katunayan, humindi ako sa pag-aya niya. And I didn't even know who Ella is.
