Binalak ko na lamang 'yon balewalain at isantabi dahil sanay naman akong may kumakalat na mga maling issue patungkol sa akin. Pero iyon na ata ang pinakamalala dahil inaksyonan nila Mom at Dad 'yon.
Pagtapos ng araw na iyon ay pinatungan nila agad ako ng mabigat na posisyon sa kompanya.
Natigil ang pagmumuni-muni ko ng sumulpot ang aking sekretarya.
"Ma'am, sorry po sa distorbo pero nasa office niyo na po si Sir Calvin," anito.
"Kadarating lang ba niya?"
"Opo Ma'am."
"Sige, bababa na ako. Isunod mo yung files na pina-asekaso ko sayo kahapon."
Tumayo na ako ng tuwid at ibinalik ang pormal kong postura. Tango naman ang itinugon ng aking sekretarya saka ko siya tuluyang lagpasan at nauna ng bumaba.
Tumambad agad sa akin ang matipunong pangangatawan ni Calvin. Nakatayo siya sa harap ng aking lamesa habang hawak ang picture frame na naglalaman ng picture namin ni Traci.
Ibinaba nito ang picture frame pabalik sa dating pwesto nito at inayos ang salamin niya nang napansin ang pagdating ko.
What a nerd.
"What do you need?" his cold voice made me shiver than the cold wind I just encountered a minute ago.
"Chill. Can't you loosen up a bit and take a sit Mister Vencua?" I raise my one brow habang tinungo ang upuan ko.
Nagbitaw siya ng isang mabigat na hinga bago tuluyang umupo.
Naglandas uli ang tingin niya sa picture namin ni Traci bago ako hinarap.
"I repeat. What do you need Ms. Gervaise?"
I've seen him in some magazine but Calvin Sid Vencua became bulkier and hotter in personal. The darkness of his eyes were screaming authority, he has pointed nose, lips that surely sweeter than strawberry, and a jaw that with a tiny hair on it that make his appeal look more hot. I knew him since highschool. In fact, he's my first love.
Nung college ay naging kami, ngunit sa kasamaang palad, trinaydor nila ako ng bestfriend ko. Naalala ko pa kung paano nila aminin yon sa mismong araw ng ika-labing walong kaarawan ko.
Dumaan ang tingin ko sa bandang puso niya.
Where's the red string? Hindi kaya't...
Isa lang ang pwedeng maging dahilan ng pagkawala ng string ng isang tao. Sa tagal ng pagkakaroon ko nitong abilidad, kabisado ko na ang mga pasikot sikot ng strings. At imposibleng mawala ang string ng isang tao maliban sa isang trahedya.
Naaalala ko pa kung paano nasaksihan ng aking dalawang mata ang unti-unting pag pigtas ng string ni Lolo at Lola nang nalagutan ng hininga si Lola sa hospital. Hindi ko alam na posible palang mangyari ang ganoong bagay. Sa oras na mamatay ang itinadhana sayo'y hindi na magkakaroon ng bagong string para sa ating puso. Sa oras na napigtas ito, mapipigtas na rin ang pag asang magkaroon ng kasama hanggang sa dulo.
"Kamusta na nga pala kayo ni Cindy?" I tried to hide my bitterness in my tone. Kahit naman sabihing taon taon na ang nag daan, hanggang ngayo'y hindi pa rin ako nakakahanap ng lugar ng kapatawaran sa puso ko para sa ginawa nila. Sobrang dehado ako nang araw na iyon at akala ko isa sa kanila ang masasandalan ko ngunit nagkamali ako.
I felt so betrayed.
Mas lalo namang sumama ang timpla ng mata niya. It became darker. "You must be kidding," my brows shotted up, "she passed away."
Nabulunan ako sa sarili kong laway at inangat ang tingin sa kaniya. Naabutan ko ang pag igting ng panga niya bago niya ibaling ang tingin niya sa ibang direksyon.
