Mr. Stranger meets the Mother

1.5K 90 22
                                    

Ilang minuto nang ligalig si Janica sa inuupuan niya. Nasa Ferrari na naman sila. Wala na rin siyang idea kung saan ba sila susunod na pupunta. Pero ayos lang sa kanya, basta kasama si Mr. Stranger, payag na agad siya kahit sa impyerno pa.

Nakaharap siya sa bintana ng kotse, kagat-kagat ang hinlalaki habang tulala at malalim ang iniisip.

Tuwing lulunok siya'y mapapapikit na lang dahil naaalala na naman niya ang nangyari doon sa elevator.

Hindi niya alam kung ano na ang gagawin. Nakaramdam siya ng pagkailang dahil ilang pulgada lang ang layo niya kay Mr. Stranger.

Ano na ang gagawin niya? Nalilito na siya.

Iisipin na ba niyang wala lang ang nangyari? Kaso, hindi maganda kung sasabihin niyang wala nga iyon samantalang hanggang ngayon ay ginugulo pa rin siya ng nangyaring halikan nila sa elevator.

Kung magpapaka-girlfriend naman siya, paano kung sabihin nitong huwag siyang assuming? Maaaring naghalikan nga sila, pero hindi naman siguro ibig sabihin n'on ay sila na. Sa isip-isip niya, iyong iba nga, friends pa rin kahit ilang beses nang nagising na parehong nakahubad sa iisang kama.

Pero ang sagot na gusto niyang malaman ay kung ano ba talaga niya ang lalaking kasama ngayon.

Si Mr. Stranger.

Sino nga ba ang "stranger" na ito at bakit siya nito tinutulungan?

Kanina, iniisip niyang baka may gawin itong higit pa sa halik, kaso kanina pa nga siya naghihintay at hanggang ngayon ay wala pa rin! Gusto niyang isipin na baka may kapalit ang mga ginagawa nito sa kanya.

Kung katawan man niya ang gusto nitong kapalit, willing and able siyang ibigay. Iuwi pa siya ni Mr. Stranger, ayos lang. Willing na willing siyang magpaalipin dito, habambuhay pa!

"Okay ka lang?" tanong ng lalaki, kaso hindi narinig ng tulalang si Janica habang nakangisi. "Janica?"

At wala talaga siyang naririnig.

Hinawi ni Mr. Stranger ang buhok ni Janica para makita ang mukha nito.

"Janica? Naririnig mo ba 'ko?"

Hinawakan agad ni Janica ang kamay ni Mr. Stranger at nginitian ito nang matamis.

"Sige, iuwi mo na 'ko. Ayos lang sa 'kin," sabi niya.

"Oo, iuuwi na nga kita," nakangiting tugon ni Mr. Stranger.

Unti-unti namang lumawak ang ngiti ni Janica.

Oh my gosh! Iuuwi nga niya talaga ako!

Ilang sandali pa'y huminto na ang kotse.

Tiningnan agad ni Janica ang paligid upang makita ang bahay ng lalaking iuuwi raw siya.

"T-Teka . . ." Nawala ang malapad na ngiti ni Janica nang makita ang bahay ng pamilya niya. "B-Bakit tayo nandito?"

"Di ba, ang sabi ko, iuuwi na kita."

"Oo nga. Pero bakit dito?"

"Dito ang bahay mo at uuwi ka na."

Naging dismayado ang kaninang ngiti ni Janica habang tinitingnan ang lalaking hindi niya alam kung namimilosopo ba o seryoso talaga sa sinabi nito.

"Inuwi mo nga ako," matamlay na sinabi ni Janica.

"Sa tingin ko, dapat nating baguhin ang nasa wish list mo. Magkaayos dapat kayo ng mama mo."

"No," tutol agad ng babae.

"Why?" nalilitong tanong ni Mr. Stranger.

"Pinalayas niya 'ko! She hates me! Bakit ako babalik?"

A Day with the DevilWhere stories live. Discover now