Mr. Stranger and the Deathwish List

2.3K 119 41
                                    

Nakatitig si Mr. Stranger sa piraso ng papel na kaaabot lang ni Janica. Sinabihan kasi siya ng lalaking sulatan daw iyon ng gusto niyang mangyari bago matapos ang araw.

"Five things to do before I die," matamlay na sinabi ni Mr. Stranger habang nagbubuntonghininga. "First on the list, sabihin kay Mama ang lahat ng galit ko sa kanya. Second, gumanti kay Peter dahil sa panloloko nito sa akin. Third, gumanti sa boss kong mahalay. Fourth, sabihin kay Papa na miss ko na siya o makausap ko man lang siya kahit saglit lang. And last is . . ." Inilipat niya ang tingin kay Janica na mataray na nakatingin sa kanya. ". . . ma-feel na may nagmamahal sa akin sa huling segundo ng buhay ko."

"O?" mataray na sagot ni Janica at lalo pang sinikipan ang pagkakakrus sa mga braso.

Unti-unting lumawak ang ngiti sa kanya ni Mr. Stranger at isinilid na naman sa bulsa ng chest pocket nito ang deathwish list na gawa niya.

"Stop smiling like that, ang creepy," masungit na utos ni Janica.

"Magiging angel and demon pala ako sa remaining hours ng araw na 'to." Sinilip ulit ni Mr. Stranger ang relo. Thirteen minutes before five. "Saan naka-locate ang house ng mother mo?"

Sinabi ni Janica ang address.

"Si Peter?"

Sinagot ulit niya ang tanong at ibinigay ang lokasyon ng ex na niya raw.

"Yung boss mo?"

Binanggit niya ang kompanya.

"Father?"

Hindi nakasagot si Janica.

"Hindi mo alam?" tanong ni Mr. Stranger.

Umiling naman si Janica dahil hindi nga niya alam.

"Okay." Tumayo na nang deretso ang lalaki at pinagpag ang pantalon. "Base sa lahat ng location na binanggit mo, pinakamalapit dito ang ex mo, next ang boss mo, then mother mo. Yung father mo . . . um." Ngumisi siya. "Ako na'ng bahala diyan."

Kinuha nito ang kamay ni Janica at hinatak siya. "Tara na, sayang ang time."

"Ano'ng gagawin mo?" tanong ni Janica na nagpahatak naman sa lalaki.

"Anong ano'ng gagawin ko? Baka ano'ng gagawin mo."

Nakakunot ang noo ni Janica habang sinisilip ang mukha ng lalaki na wagas makangiti. Napansin na lang niya ang paghinto nito kaya huminto na rin siya.

"Sakay na," sabi nito.

"Tse." Sinimangutan niya ang lalaki at saka inilipat ang tingin sa harap. "OH MY GO—"

Nanlaki ang mga mata niya habang nakanganga pa dahil nakaharap siya sa isang napakagarang itim na kotse. Makinis at makintab iyon na halos puwede na siyang manalamin.

"Pagtiyagaan mo na ang kotse ko. Hanggang Ferrari lang kasi ang kaya ng bulsa ko." Base sa tono ng pagkakasabi nito, parang ang hopeless pa na hanggang Ferrari lang ang afford nitong bilhin.

'Kahiya naman sa ibang wala nga kahit pamasahe, grabe, bulong ni Janica sa isip.

"Ang hanging mo, nakakabanas," saad ni Janica bago inirapan si Mr. Stranger.

"Hahaha! Pumasok ka na lang," sagot naman nito at puwersahan nang pinapasok si Janica sa loob ng sasakyan.

Inilibot naman niya ang tingin sa loob ng kotse. Ang lambot ng upuan. Amoy maanghang na matamis sa loob. Amoy mayaman.

"Sosyalin ang Aiyam Myster S. Tranger na ito, in fairness."

Hindi niya maiwasang isipin na sa dinami-rami ng taong makakausap niya ngayong araw, isang Mr. Stranger pa ang nagtiyagang lapitan siya. Pasulyap-sulyap siya dito habang nasa may driver's seat at binubuksan ang music player. Kinagat niya ang hinlalaki habang tinititigan ito nang masama.

A Day with the DevilМесто, где живут истории. Откройте их для себя