"Ako na ang bahalang maghatid sa kaniya, kaya makakaalis ka na." Sambit pa ni Premier at seryosong nakatingin kay Crane.

Napalingon ako kay Crane ng marinig ko ang mahina niyang 'tsk' bago siya naglakad paalis.

'Tsk! Buti nga! Bleh!'

Masama akong napatingin kay Premier matapos nitong pitikin ang noo ko.

"Ano ba? Masakit ha!" Pagrereklamo ko habang hinihipo ang aking noo.

'Tsk! Akala mo kung sino!'

"Let's go home." Seryosong saad niya at isinakbit ang bag ko sa balikat niya bago maglakad paalis.

"Nyenyenye, tsk!" Inis na sambit ko pa bago naglakad pasunod sa kaniya.


***

Habang naglalakad pauwi ay tahimik lamang ako. Ewan ko ba, naiinis ako sa sarili ko. Paano ba naman kasi, si Crane lang ang laman ng isip ko. Hindi ba't nakakainis?!

Bakit kailangan siya pa ang lalamanin ng isipan ko? Pwede namang yung asawa ko nalang na darating dito next week. Hyst.

Ano baaaaa. Nakakainis ha! Bakit ba kasi iniisip ko siya? Baka mamaya kanina pa yon nadadapa dahil iniisip ko siya o kaya baka kanina pa yon nasasamid dahil sa akin. Ha? Wait—ako? Nag aalala ba ako sa kaniya? Ha???????

Ano baaa!

Napailing ako ng magsink sa aking isipan kung ano ang nangyayari sa akin.

"Ano baaa!"

Agad na napatigil si Premier sa paglalakad at tumingin sa akin ng may kunot na noo.

"Problema mo?" Tanong niya.

"H-ha? Ay weh gagi, napalakas pala." Bulong sabay tampal sa sarili kong bibig.

"A-ah...wala...wala..l-lakad na oo, uwi na tayo." Pilit akong ngumiti sa kaniya bago siya itulak upang magpatuloy na sa paglalakad.

"Para kang sira, baliw."

Napatigil ako at masama siyang tinginan.

"Thank you sa compliment ha? Double pa, sira tsaka baliw." Napa-irap ako sa ere bago siya lagpasan at mauna sa paglalakad.

Narinig ko lamang ang mahina niyang pagtawa bago ako habulin at pantayan sa paglalakad.

Minsan talaga nakakarindi rin ang tawa nitong kumag na ito lalo na kapag nang-aasar siya. Kaya minsan din ay parang gusto ko nalang siyang sapakin para patahimikin.

"Meron ka siguro kaya ka—"

"Aba, bwisit ka ah!" Mabilis at walang ano-ano ko siyang binatukan ng malakasan pagkatapos kong putulin ang sinasabi niya.

Narinig ko naman ang malakas niyang pagtawa pagkatapos ko siyang batukan. Aba naman talaga, imbes na umangal sa sakit ay nakuha pa rin akong asarin sa pagtawa niya.

Halos umusok na ang ilong at tainga ko habang nakatingin sa kaniya.

"Yno Premier Walter!!!!! Bwisit ka talagang Kano ka!!!!!"

Agad siyang tumakbo ng mabilis pagkatapos kong sambitin ang buong pangalan niya.

'Sinasadya niya talagang inisin ako!'

"Hoy! Bumalik ka dito!" Mabilis akong tumakbo upang abutan niya ngunit bwisit talaga ang lalaking iyon! Nagawa akong iwanan sa daan!

'Humanda ka sa aking Kano ka! Sasapakin talaga kita!'

Humahangos akong nakarating sa labas ng bahay ng maabutan ko si Premier na ngayon ay humahalakhak na kasama si Steven.

"Bwisit ka Premier!" Agad ko siyang nilapitan para sana batukan ng bigla naman akong hatakin ni Steven sa loob.

"Ano ba! Bitiwan mo nga ako Steven!" Sinubukan ko pang pumiglas ngunit nabigo ako.

"Hoy Kano bwisit ka, hindi pa tayo tapos! Humanda ka sa'kin bu—"

"Eya..." Naputol ang sasabihin ko ng marinig ko familiar na mahina at malambing na boses.

'Eya...isang tao lang ang tumatawag sa akin nyan....'

***

Thank you for reaching this end, enjoy reading Jies!

Please do vote po💗

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Plot Twist: It's You Where stories live. Discover now