***
"Okay class, welcome to the second semester. I want to congratulate you dahil naka abot kayo ng second semester. By the way, I am Ms. Guerra your teacher for our statistics. But before we start, I'd like to announce who had the highest score in last semester's final exam in our general mathematics."
Lahat ay natahimik ng magsimulang magsalita si Ms. Guerra sa harapan.
Proud akong nag angat ng ulo at tumingin sa harapan. Sigurado kasi akong ako ang may pinaka mataas na score sa last final exam namin last semester.
Mahina pa akong tumawa pagkaharap kay Crane na nasa gilid ng upuan ko para asarin siya.
"Wag kang masyadong mayabang, hindi mo pa naman alam kung sino sa ating dalawa ang may highest score." Mayabang na sabi niya habang naka kibit balikat.
Umirap lang ako sa kaniya at inis na umayos ng upo habang nag hihintay ng susunod na sasabihin ni Ms. Guerra.
"Ready na ba kayong malaman kung sino sa kanilang dalawa ang may mas mataas na score ngayon? Kasi sa pagkakaalam ko simula ng maging magkakaklase kayo ay si Ms. Fiera ang palaging mataas. E ngayon kaya siya pa rin ba?" Biglang kumabog ang dibdib ko sa hindi malamang dahilan.
Kunot ang mukha kong nilingon si Crane na ngayon ay naka ngisi. What is the meaning of this? Nataasan niya nga kaya ako ngayon? Pero pa'no? Hindi pwede.
"Are you ready?" Sabay sabay na nagsitanguan ang mga kaklase namin at ang iba naman sy humiyaw pa.
Mas lalong kumabog ang dibdib ko. Hindi ko alam kung bakit. Si Crane nataasan ako?! No way, hindi pwede! This is not my favorite subject pero hindi niya ako pwedeng mataasan ngayon. Sigurado akong aasarin ng aasarin niya ako kapag nagkataon. Lahat pa naman ng chance ay gina grab niya may maipang asar lang sa akin.
Kaya please, hindi pwedeng mataasan niya ako! Magiging mesirable ang buhay ko this semester kapag nagkataon na mas mataas siya sa akin. Sigurado akong hindi niya ako titigilan.
Ang ungas na si Crane! Siya pa naman palagi ang nagpapakulo ng dugo ko! Kung pwede nga lang talaga ako lumipat ng school ay ginawa ko na, tsk!
"Okay, and the one who got the highest score is..." Saglit na binitin ni Ms. Guerra ang pagsasalita at sunod kaming tinignan ni Crane ng may hindi maipaliwanag na ngiti sa kaniyang labi.
Nakakainis naman 'to e! Binibitin pa! Konti nalang talaga sasabog na itong dibdib ko sa kanina pang pagkabog.
Kapag talaga nataasan ako ni Crane ngayon baka hindi ko na makita ang asawa ko sa personal sa concert nila next week. Magiging mesirable talaga ang buhay ko kapag nangyari yon.
Napakapit na ako sa aking dibdib na walang tigil sa pagkabog. Ma'am please!
"And the one who got the highest score is...still our Miss president. Congratulations Miss Fiera Elyse Vierro, you got the highest score again! " Isa isang nagsipalakpakan ang lahat ng mga kaklase namin kasabay ng kanilang paghiyaw ng pangalan ko.
Ha? Ako ba talaga?! For real?! Owemjiiiii!
"Makikita ko yung asawa ko?! Ahhhhh Niki!!!!!!"
Halos mapatalon ako sa tuwa. Sa wakas! Safe ang buhay ko this semester dahil ako ang mang uungas kay Crane ngayon! Buhay niya ang magiging mesirable ngayon! Yes!
Natigil ako sa pagkatuwa ko ng mapansin ko ang buong klase na sa akin ngayon nakatingin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng makita ko ang nanunuyang tingin ni Crane sa akin.
Nahihiya akong napabalik sa pagkaka upo at agad na napayuko ng ulo.
'Bakit kasi hindi ko naiwasan yung tuwa ko?! The fuck Friera! Nakakahiya!!!' Napa iling iling lang ako sa sarili bago mag angat ng tingin ulit.
Nakita kong naka tingin sa akin si Ms. Guerra habang nakangiti sa akin.
"Mukhang tuwang tuwa ka Ms. Vierro, congratulations ulit." Tumango lang ako tsaka ngumiti.
Napalingon agad ako kay Crane na ngayon ay seryosong nakatingin pala sa akin. Asar ko siyang nginitian at pagkatapos ay binelatan.
'Akala mo ha! Ako pa rin ang mas magaling sa atin!'
Mabilis na nagbago ang ekspresyon sa mukha niya dahil sa ginawa ko. Napakibit balikat na lamang siya at umayos na ng upo.
"Okay let's start our discussion and we're having a quiz after this." Isa isa kaming nagsitanguan bago na umayos ng upo at maghanda na sa pakikinig.
Lumipas ang oras at tumunog na ang bell para sa lunch time. Dali dali silang nagsi ayos ng mga gamit at sakbit ng kanilang mga bag sa balikat tsaka isa isang nagsitakbuhan palabas ng class room.
Habang ako? Nanatili lang akong nakaupo habang tahimik na nakatalumbaba at malayo ang tingin sa labas ng bintana.
Parang wala akong ganang kumain ngayon. Nakakatamad ang tumayo at maglakad papuntang canteen. Ni kasabay pagpunta don at kumain ay wala akong kasama, kaya talagang nakakatamad talaga maglunch ng mag isa. At tsaka isa pa, nagtitipid rin ako ngayon. Wala naman sigurong masama kung magtitipid ako ngayong linggo di'ba?
Concert na nila Ni-ki next week, kailangan ko ng pera dahil sigurado akong hindi naman na ako bibigyan ni mom ng pang concert ko. Tsk yun pa! Kontra bida nga yon sa pagiging fan girl ko. E hindi naman yon distraction sa pag aaral ko, bagkus ay inspiration pa nga sa akin.
"Aba aba bago yan ah? Hindi ka kakain?" Dahan dahan akong nag angat ng tingin at don ko nakita si Crane na naka upo sa lamesa ng isang upuan sa harap ko.
Napakunot agad ako ng noo ko ng makita siya.
"Ano bang paki mo? Pwede ba lubayan mo'ko Crane. Naiirita talaga ako sa pagmumukha mo." Inis akong umirap sa kaniya at muling binalik ang sarili sa pagtingin sa labas.
Hindi ko siya narinig na nagsalita pagkatapos ko siyang pagsalitaan kaya muli akong nagbaling ng tingin sa kaniya.
Sobrang seryoso ng mukha habang nakatingin sa akin. Napa 'tsk' nalang ako sa aking isipan ng makita ang pagmumukha niyang wala manlang ka ekspre-ekspresyon.
"Ikaw napaka sungit mo talaga. Siguro pinaglihi ka sa sama ng loob?" Biglang sabi niya at nagkibit balikat pa animo'y nang aasar sa kaniyang ginagawa.
Masama ko siyang tinapunan ng tingin kasabay ng pagbato ko dito ng kapit na ballpen. Agad na tumama iyon sa dibdib niya kaya napa irap ako.
"Ikaw naman pinaglihi ka sa..." Saglit akong natigil dahil hindi ko alam ang sasabihin ko. Umayos siya ng pag upo sa upuang nakatalikod at humarap sa akin ng malapit.
"Sa?" Paghihintay niya sa susunod kong sasabihin.
Muli lang akong napa irap sa kaniya kasabay ng pagtulak ko sa mukha niya ng kamay ko. "Ilayo mo yang mukha mo sa akin na mukhang pwet ng kalabaw Crane. Naiirita ako."
Agad siyang napatingin sa akin ng masama.
" Ikaw hindi ko talaga alam kung anak mayaman ka ba talaga o anak kalye. Mga salitaan mo parang tambay ka lang sa kanto." Muli lang akong umirap sa kaniya kasabay ng pagkibit balikat ko.
" Ako nga rin e, siguro talagang ampon lang ako nila mommy't daddy tapos nadampot lang nila ako sa tae—"
Halos mahalikan ko na ang arm rest ko ng batukan ako paharap ni Crane kaya hindi ko na rin natuloy ang sasabihin ko. Masama ang tingin ko siyang tinignan habang dahan dahan kong inaangat ang ulo.
"Tae ng kalabaw." Pagtutuloy ko sa sinasabi kanina. Masama niya akong tinapunan ng tingin bago ako talikuran.
"Ewan ko sa'yong babae ka. Nakakadiri ka talaga kahit kailan." Huling sambit niya bago na lisanin ang class room namin.
Natatawa akong pinanood siyang naglalakad palayo. "Bakla ka Crane!" Sigaw ko pa bago na humagalpak sa tawa with matching hampas pa sa lamesa ng makita kong humarap si Crane na ang dilim ng pagmumukha.
Pikon!
***
Please do vote po! Enjoy reading jies! 💗
YOU ARE READING
Plot Twist: It's You
Teen FictionEveryone thought Freia Elyse's story would end with her rival - the boy who challenged her every step of the way. They were the perfect balance of fire and ice, always clashing, always competing. But love doesn't always follow expectations. What if...
