Chapter 3

14 2 0
                                        

***

"Manonood ka ba mamaya ng practice nila crushycakes ko?" Agad akong napakunot ng noo sa narinig ko sa isang kaklase ko.

'Luh? Crushycakes hmph! MAMAMOBLUE! Hoy hindi ako papayag na maging iyo ang bff Premier ko! Tsk! Tsk! '

"Aba oo naman no! Andon yung din yung asawa kong si Steven!" Tili naman ng isa kaya lalong lumalim ang kunot ng noo ko.

'Haluh? Pati ba naman si Steven? Pag untugin ko kaya kayo? Tsaka yuck! May nagkakagusto rin pala sa kumag na yon? Wow ha? Ngayon lang ako na update. '

"Oh sige sabay tayo ha? Alam mo na!" Malanding sambit ni Amira sabay kindat na ikinatili nila pareho ni Tiffany.

Napairap na lamang ako sa ere bago na tuluyang lumabas ng class room namin. Wala kaming teacher sa last 2 subjects namin sa hapon kaya eto ako, naglalakwatsa papuntang library.

Naboboring na ako sa loob ng room dahil halos 15 minutes na rin akong nakaupo don habang nakatingin sa labas. Sakto rin na may practice mamaya sila Premier sa basketball after ng second to the last subject nila.

Sa library muna ako bago dumiretso sa gym para manood.

"Sa tingin mo ba sa kakaganyan mo magugustuhan ka niya? How stupid you are Janette! Stop acting like you are a kid!" Natigil ako sa paglalakad ng marinig ko ang sigaw na yon.

'Sino kaya yon?'

"E k-kasi..."

"Tumigil ka na Janette! Wala pa rin namang mangyayari kung magpapakatanga ka sa isang tulad niya. He's not interested in you at all, so stop dahil masasaktan ka lang. " Naglakad ako palapit sa pinto ng isang room.

Dahan dahan kong inikot ang door knob at sa loob ng room ay nakita ko ang dalawang babae. Ang isa ay naka yuko habang ang isa naman ay inis na nakatingin sa babaeng naka yuko.

'Ano kayang nangyayari?'

"Hindi ko'to sinasabi sa'yo para saktan at sabihin sa'yong never kang magugustuhan ni Kleo. Sinasabi ko sa'yo 'to, to know your worth. Stop chasing him because he's not even worth it Janette. Ayoko lang na ibaba mo yung sarili mo para sa lalaking kagaya niya. "

Bigla akong natamaan sa sinabi niya. She's right.

I heard the girl Janette crying, walang tigil din siya sa kakapunas sa mukha gamit ang likod ng kamay niya.

"Kung gusto mo kakausapin ko si tita para makalipat ka na—"

" Ayoko, I'm okay here. Hindi ko naman kailangan lumipat pa. Sige, tama ka. Gagawin ko yung mga sinabi mo. Titigil na'ko. Titigilan ko na siya, magf-focus nalang ako sa pagc-cheer leader ko. After this, I promise to myself na magiging okay na ako, I also want to promise this to you. Y-you don't have to worry about me, kaya ko na ang sarili ko."

Ngayon ay mag nag angat na siya ng ulo at tumingin sa isang babae na kanina ay sinisigawan siya.

And when I saw her face, hindi ko alam but my heart beats so fast. She's beautiful, she have the perfect face and perfect body. She's a cheerleader, and when I saw her face I realized na siya rin ang isa sa nakalaban namin sa contest. She's smart, a talented woman, she have everything but unlucky when it comes to love. Well ayon ang nakikita ko ngayon.

Nasaksihan ko mismo kung paano siya umiyak habang pinaparealized sa kaniya yung worth niya. I'm so proud to her. But wait? Sino ba talaga siya?

***

Pagkapasok na pagkapasok ko ng gym ay puro sigawan at hiyawan na ang bumungad sa akin. Ewan ko ba, e practice lang naman to tsk. Ang o-oa naman nitong mga nanonood.

Plot Twist: It's You Donde viven las historias. Descúbrelo ahora