***
Halos pikit pa ang mga mata ko habang naglalakad sa corridor papasok ng class room namin.
Pa'no ba naman kasi! Hindi ko tinantanan iyong isang Wattpad story na nakita ko sa TikTok kaya nung nahanap ko sa Wattpad ay hindi ko na tinigilan sa pagbabasa. In the end napuyat ako at halos dalawang oras lang ang naging tulog ko.
"Good morning panda!"
Agad kong nilingon ang nagsalita na iyon. Nakita ko kaagad ang ngiting nanunuya ni Crane sa akin.
'Ka'y aga aga aba't ang Crane talaga na'to! Talagang panira ng araw e.'
"Walang good sa morning lalo na kung ikaw lang din naman ang una kong makikita Crane. Lalong hindi magiging good ang morning ko dahil ang pangit mong pagmumukha ang nakikita ko ngayon. Kaya pwede ba? Uma—" Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko ng takpan nito ng kaniyang isang daliri ang bibig ko.
" Shh kay aga aga nagbubunganga ka na naman. Pwede ba? Kahit ngayon lang manahimik na muna yang bibig mo sa kakadakdak? Nakakarindi. " Agad niyang tinanggal ang daliri sa labi ko tsaka ako tinalikuran.
"By the way, mas lalo kang pumangit ngayong araw. How not to be you po!" Nang aasar na sambit niya at mabilis na naglakad palayo sa akin.
"You idiot! Kapag talaga argh! Makakaganti rin ako sa'yo!" Inis akong napapadyak sa sahig habang nakaduro ang daliri ko kay Crane na ngayon ay nakakalayo na.
'Humanda ka sakin. ' Halos mapakagat na ako sa ibabang labi dahil sa inis.
Palagi mo nalang talaga pinapakulo ang dugo ko Crane! Argh!
Pagkapasok ko ng room ay ang empty chair ko kaagad binalingan ng tingin ko. Dahan dahan akong naglakad papasok hanggang sa tuluyang makaupo ng hindi kumikibo.
Halos puro bulungan nalang ang naririnig ko. Chismisan at yung iba naman ay patungkol sa ibang lessons namin. Nagpatalumbaba na lamang ako at binaling ang tingin sa labas ng bintana.
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan ngayon ang araw ko. Bwiset na Crane kasi yan sinira agad ang araw ko. Naiinis talaga ako sa kaniya pero parang biglang nawala yung energy ko para makipag away sa kaniya ngayong araw.
'Hyst Freia, minsan nakakapagod rin palang makipagwarlahan sa isang katulad ni Crane. Pero kasi naman e, hindi ko talaga maiwasan dahil siya itong nagsisimula. Nakakainis! '
"Tahimik mo ata? Okay ka lang?" Agad kong nailayo ang ulo ko ng walang pasabing kinapa ni Crane ang noo ko.
"Wala ka namang lagnat, anong nararamdaman mo?" Napakunot lang ako ng aking noo habang tahimik siyang sinusuri.
Ano na naman kaya ang nakain nito kanina pag alis sa kanila at biglang bumabait na naman sa akin?
"Hoy!" Napapikit ako ng mga mata ko ng pitikin ako nito sa noo. "Tinatanong kita, anong nararamdaman mo? Okay ka lang?"
Mas lalong lumalim ang kunot sa noo ko habang masama siyang tinitignan. Minsan talaga ay hindi ko'to maintindihan. Bigla bigla nalang siyang bumabait sa akin pero kapag nasapian naman ng demonyo ay wala ng tigil sa pang iinis sa akin hanggang sa umusok na ako sa galit sa kaniya.
"O-oo okay lang ako. Layuan mo nga ako!" Mahina ko siyang tinulak. "Just mind your own business and stop bothering me Crane." Masungit kong saad bago muling tumingin sa labas ng bintana.
Masama siyang tumingin sa akin saka nagkibit balikat. "Ikaw! Ikaw na nga lang ang inaalala tapos ganyan ka pa. Alam ko namang inis ka sakin pero—"
"Tsk! Alam mo naman palang inis ako sa'yo then why you keep bothering me here? Ang sabi ko okay lang ako. All I want is keep yourself away from me, Crane alam mo nakakasawa yang pagmumukha mo! " Agad ko siyang tinapunan ng boring na tingin bago na tumingin ulit sa labas ng bintana.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Plot Twist: It's You
Genç KurguEveryone thought Freia Elyse's story would end with her rival - the boy who challenged her every step of the way. They were the perfect balance of fire and ice, always clashing, always competing. But love doesn't always follow expectations. What if...
