***
"Ma'am ako!" Halos magsabay kami ni Crane sa pagsigaw at pagtaas ng kamay.
Nag o-oral recitation kami at every correct answer ay 10 points but this time ay 15 points ang binigay ni Mrs. Gen sa amin kaya kailangan ako ang makakuha nito.
"Ma'am ako!" Ulit ko ngunit ng tatawagin na ako ni Mrs. Gen ay sumingit na naman si Crane.
"Ako naman! Kanina ka pa sagot ng sagot jan! Nakaka lima ka na! " Napa irap lang ako sa ere at hindi siya pinansin.
" Ma'am ako naman, kanina pa yang si Freia e alam ko naman yung tamang sagot!" Sigaw ni Crane kaya napalaki ako ng aking mga mata at lobo ang bibig ng harapin siya.
'Tsk how rude!'
" Hoy manahimik ka jan! Ako ang nauna kaya dapat ako ang tawagin para sumagot ulit." Sabat ko kaya napahampas na si Mrs. Gen sa mesa niya.
" You two stop, wala na akong tatawagin sa inyong dalawa hanggang mamaya. Any volunteer? Who wants to answer our 9th question? "
Napa irap nalang ako kay Crane bago ito batohin ng papel ng patago. Nasa magkatabi lang din naman kami ng pwesto kaya hindi yon mahahalata ng iba.
Inis niya akong sinamaan ng tingin bago ibalik ang papel na binato ko sa kaniya.
"Okay Max sit down, you got the right answer." Halos magsabay kaming napalingon kay ma'am at Max na nasa unahang upuan ng marinig ang sinabi ni ma'am.
Masama ang tingin kong binalik kay Crane at tsaka siya inirapan.
"Kasalanan mo'to! Hindi ko tuloy nakuha yung 15 points na yon! Hindi na rin ako makakapag taas ng kamay hanggang mamaya dahil sa'yo!" Pagrereklamo ko sa kaniya.
"Kasalanan ko bang nagpapabida ka jan? Kanina ka pa taas ng taas ng kamay mo, palagi nalang ikaw!" Balik niya sa akin.
"Bakit kasalanan ko bang pakupad kupad ka jan? Ang tagal tagal mo kasi tapos ngayon ako sisisihin mo?!"
"Aba ikaw naman—"
" Crane, Freia I said you two stop! "
***
"Kasalanan mo'to Crane!" Inis na reklamo ko at sinadyang sipain siya sa kaniyang paa.
'Tsk! Nakakainis naman kasi siya! Kung sana lang hinayaan niya nalang ako kanina edi sana hindi kami ngayon nakatayo dito at pinaparusahan ni Mrs. Gen.'
Agad siyang napadaing sa sakit at masama akong tinignan.
"Ikaw ang may kasalanan sa ating dalawa! Kung nagparaya ka nalang sana edi wala tayo dito! Tsk nangangalay na ako, kasala—"
"Hindi pa rin kayong dalawa tumitigil? Sige ginusto niyo naman yan, tumayo kayo jan hanggang mamaya. Raul yung mga libro! " Inis na sigaw sa amin ni ma'am at tinawag ang isa naming kaklase na lalaki para magdala ng mga libro.
Wait. Libro? For what? Dito ba kami pagaaralin ni ma'am sa labas? Tsk ayoko, ang unfair! Tsaka duh! Nakatayo lang kami dito nakakangalay kaya.
"Ma'am ito na po." Agad na tumingin sa amin si ma'am ng matalim.
"Ipapatong mo sa ulo nilang dalawa yang mga libro para matuto! "
What?! Ipapatong sa ulo namin? Sobra naman ata iyon! At tsaka ang lalaking libro ng mga yan, ang bigat kaya nyan!
"What?! Ma'am—"
YOU ARE READING
Plot Twist: It's You
Teen FictionEveryone thought Freia Elyse's story would end with her rival - the boy who challenged her every step of the way. They were the perfect balance of fire and ice, always clashing, always competing. But love doesn't always follow expectations. What if...
