"At ngayon sinisigawan mo na ako Ms. Vierro? You want me to—"

"No ma'am, I'm sorry." Yumuko ako.

I heard her sigh. "Gawin niyo na ang pinapagawa ko."

"Pero ma'am sobra naman yatang parusa ang binigay niyo sa amin? Babae pa rin si Freia, sobra naman kung sa ulo niya ipapatong ang ganyang kalalaki at kabibigat na mga libro?"

Nakita ko ang pag angat ng isang kilay ni mam Gen bago siya tumango sa sinabi ni Crane.

"Oh sige, Raul ilagay mo ang lahat ng yan sa ulo ni Crane. " Seryosong saad niya bago kami iwan ni Crane dito sa labas.

"Wait what?—"

Patago akong napatawa sa gilid ng makita ang nahihirapang si Crane. Tuloy, sa kaniya napunta ang anim na libro dahil sa sinabi niya. Instead tuloy na dalawa kaming nags-suffer ngayon, nangyari tuloy na siya lang mag isa ang nahihirapan.

"Tatawa-tawa ka pa, sinalo ko na ang yung dapat sayo." Inis na saad niya at nakuha pang umirap sa akin.

"Ngayon sinisisi mo'ko? E ikaw naman tong may gusto niyan—"

"Fyi hindi ko'to gus—"

Natigilan kaming pareho at sabay na napalingon pagkatapos tumunog ng bell.

Narinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga pagkatapos na tanggalin ang mga libro sa ulo niya.

"I hope you both learned. I'm super disappointed in you guys. " Iling-iling na umalis si mam Gen pagkatapos niya iyong sambitin sa amin ni Crane.

Napalingon lang ako kay Crane na may mapangmatang tingin bago pumasok sa loob ng room para kunin ang bag ko.

"Uuwi ka na?" Naramdaman ko ang presensya niya sa likod ko.

Hinarap ko naman siya agad at pekeng ngumiti.

"Ah hindi, baka mag stay pa ako dito sa room, oo." Napa-irap ako. "Hindi ba obvious, Crane? Uwian na di'ba? Malamang uuwi na ako. " Pamimilosopo ko sa kaniya. 

Napakashunga naman kasi ng tanong niya. Malamang uuwi na ako dahil uwian na tapos itatanong niya pa kung uuwi na ba ako?

"Hatid na kita." Pag i-insist niya.

"Hindi na." Pagtanggi ko.

"Madilim na, delikado sa labas kaya ihahatid na kita." Akma na sana niyang aabutin ang bag ko sa akin ng ilayo ko ito palayo sa kaniya.

"Ano ba? Nakakaintindi ka ba, Crane? Hindi na nga kasi!" Inis na sambit ko sa kaniya bago siya lagpasan palabas ng aming silid.

Naramdaman ko ang agaran niyang pagsunod sa akin palabas at pinilit pang kunin muli mula sa akin ang bag ko.

"Crane hindi na nga kasi—"

"Ihahatid na ki—"

"Pauwi ka na?" Pareho kaming natigilan ni Crane sa pag aagawan ng bag ko ng marinig  ko ang malamig na boses ni Premier sa gilid.

"Let go." Utos niya pa kay Crane na nakakapit pa rin hanggang ngayon sa bag ko.

Napatingin lang ako kay Premier bago lumingon kay Crane na dahan dahang binitawan ang bag ko.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Oct 26 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Plot Twist: It's You Where stories live. Discover now