"Okay, ang group 1 dito sa harapan ang pwesto, sa left kayo. Group 2, dito rin sa harapan, sa right kayo. Group 3, sa gitna kayo ng room, sa left. Group 4, sa gitna rin, sa right naman. Group 5, sa likod, sa left side. Group 6, sa likod rin, right side." Sabi ni Ma'am.

Pumunta naman na ako sa right side at hinintay mga kagrupo ko,

"Oy Mia! Hehehe."

Napatingin ako dun sa nagsalita, "Kelangan niyo?" Tanong ko kay Kurt. Kasama niya barkada niya.

"Wala naman. Andito lang kami kasi dito daw yung pwesto ng Group 6." Nakangiting sagot ni Deon.

Tinaasan ko sila ng kilay, "Umayos nga kayo. Bakit magkagrupo kayo? Eh ang lalapit lang ng mga upuan niyo. Ang nalayo lang naman sa inyo eh si Tang." Sagot ko.

"Siguro kasi pinagplanuhan namin 'to." Sagot ni Alex at tinaas-baba pa niya yung dalawa niyang kilay.

Ahh. Kaya pala! Ahh. Yun pala yun.

"Hoy! Bakit ka tumatango-tango dyan?" Travis.

"Bakit? Bawal?" Sagot ko.

"GROUP 6! Kanina ko pa kayo tinatawag. Ano ba?! Di pa ba kayo uupo at magfoform ng circle? Kayo na lang ang hinihintay!" Ma'am Lani.

Dali-dali namang umupo yung lima at nagform ng circle. Sus. Mga takot naman pala 'to eh.

"Ayan. Since ready na tayong lahat, magstastart na ako sa pagexplain. Lahat ng group leaders, punta dito sa harap."

Tinignan nila akong lima.

"Oh, makatingin kayo? Ganda ko ba? Oo, alam ko." At inirapan ko sila.

"Mia, kaw na leader." Sabi ni Travis na nasa left side ko.

"Ayaw ko."


"Bakit ayaw mo?" Tanong ni Kurt na nasa right side ko naman.

"Eh sa ayaw ko eh." Sagot ko. 

"Tsk. Dami namang arte eh!" Alex.

Tinignan ko siya, "Ano yun? May sinasabi ka?" At binigyan ko siya ng isang nakakatakot na ngiti.

Nanlaki yung mga mata niya sa takot, "H-ha? May sinasabi ba ako? Wala... Wala akong sinasabi. Hehe. Wala." Sagot niya at yumuko.

"Tch. Wala pala eh. Oy Renzo, ikaw na leader." Sabi ko kay Renzo na kanina pa walang imik.

Ako si Mia.Where stories live. Discover now