'Bakit ba ang kulit kulit ng isang 'to? Hindi ba siya makaramdan na ayaw ko sa presensya niya? Ang manhid manhid niya naman pala.'
I heard him sigh bago na tumalikod at umalis sa tabi ko. Nakahinga ako ng malalim ng hindi ko na maramdaman ang kaniyang presensya. Hindi ko nalang pinansin ang pag alis niya ni lumingon sa kaniya ay hindi ko na ginawa. Nanatili nalang akong nakatingin sa labas habang pinapanood ang mga cheerleaders na nagp-practice sa labas.
Lumipas ang oras at walang guro ang pumasok sa amin. Dalawang teachers ang hindi pumasok ngayong umaga na hindi ko alam ang dahilan. Pang 3 subject na itong oras namin ngayon at hinihintay nalang namin dumating si Sir Piyado na pumasok sa amin.
After his time ay lunch break na. Pero hindi pa rin ako kakain para iwas gastos dahil 1500 nalang ang kulang sa pera ko para sa concert next week ay kumpleto na.
Sabagay kumain naman na ako kanina bago umalis sa bahay. Naparami rin iyong kain ko dahil nagluto si mama ng omelette tsaka ng steak at fried rice para sa breakfast namin.
Isang oras pa ang lumipas at natapos na ang discussion ni Sir Piyado. Halos hindi na ako nakinig habang magsasalita siya kanina dahil hindi ko maalis ang tingin ko sa labas ng bintana. Hindi na rin naman problema sa akin kung hindi ako nakinig kanina dahil na advance study ko na lahat ng lessons namin this whole week.
"Okay, that's all for today's discussion. Class dismissed!"
Pagkasabi non ni Sir Piyado ay ang saktong pagtunog ng bell kaya hindi pa nakakalabas ng tuluyan si Sir ay isa isa ng tumakbo palabas ang mga kaklase kong lalaki
.
Napa iling iling na lamang ako dahil kawalang respeto iyon sa guro namin. Ni halos mabangga pa nila si Sir habang papalabas sila. Mga kumag talaga.
"Magl-lunch ka? Sabay na tayo." Agad kong inilayo ang kamay ko kay Crane ng tanggkain niyang abutin ang kamay ko.
"Hindi ako kakain, kumain ka na mag isa mo." Walang emosyong sambit ko at nagpatuloy nalang sa paglalakad.
Dahan dahan lang ang lakad ko ng hindi ko maramdaman ang pagsunod ni Crane sa akin. Huminga ako ng malalim bago na dumiretso sa gym ng school.
Lakad-takbo na ang nagagawa ko dahil sa paghahanap. Bakit hindi ko yon makita? Ang akala ko ba—
"Are you looking for me?" Hingal akong napaharap sa likuran ko ng marinig ko ang pamilyar niyang boses. Halos habol hininga akong tumango sa kaniya kasabay ng pag abot niya sa akin ng tumbler niyang puno ng tubig.
"K-kanina pa." Sagot ko bago uminom ng tubig na binigay niya.
I heard him chuckles habang umiinom ako ng tubig. "Sorry. Kagagaling ko lang sa canteen para bumili ng makakain natin. "
Kunot noo ko siyang tinignan. " Ha? "
"Tsk, alam kong nagtitipid ka ngayon kaya hindi ka kumakain." Peke akong napangiti habang napapakamot pa sa ulo.
Napailing iling lang siya ng kaniyang ulo habang ginagaya ang paglalakad para makaupo sa mga bleachers.
"Kumain ka muna." Tumango ako saka kinuha ang burger at fries na inabot niya. "Alam kong may concert next week ang enhypen kaya ka nagtitipid." Muli akong napangiti sa kaniya ng peke.
"Eh kasi—"
"Ang sabi ko kumain ka jan, puno yang bibig mo ng pagkain tapos magsasalita ka pa." Naputol ang sasabihin ko ng magsalita siya sa kaniyang seryosong tono.
Agad kong nilunok ang laman ng bibig ko tsaka nagsalita.
"Eh kasi nga—"
"I said eat, babatukan kita." Muli na naman niyang pinutol ang sasabihin ko at tsaka ako inambahan ng batok.
"Oo na!" Inis akong kumagat sa burger at masama siyang tinignan. Malamig niya lang akong pinanood na kumakain hanggang sa maubos ko ang binigay niyang pagkain.
Pagkaubos ay tsaka niya inabot ulit sa akin ang tumbler niya. "Solve?" Tumango lang ako pagkatapos na uminom ng tubig.
"Good." Tumayo na siya. " Let's go." Napakunot ako ng noo ko habang pinatitigan siya.
"Saan?" Hindi na siya sumagot sa akin ng mabilis niya akong hilain kaya halos tangayin niya nalang ako sa paglalakad.
"We only have 20 minutes Frei, lumakad ka na nga lang ng maayos." Padabog kong kinuha sa kaniya ang kamay ko tsaka naglakad ng pantay sa kaniya.
"Saan ba kasi tayo?" Bugnot na tanong ko habang pinalalaruan ang kamay niya.
"To your room." Seryosong sambit niya. Napa angat agad ako ng ulo ko at napatingin sa kaniya.
"Hahatid mo'ko?"
"Hmm" Tumango siya. Napangiti lang ako ng kalawak lawak bago na iduyan ang kamay niya sa hangin.
Ilang minuto lang kaming naglakad hanggang sa maakyat na namin ang floor ng room ko sa building 4. Hindi manlang ako nakaramdam ng pagod sa paglalakad kahit na medjo malayo dahil feeling ko kapag kasama ko itong kapreng to ay gumagaan lahat, lalo na yung likod ko dahil siya ngayon ang may bitbit ng bag kong parang may bato sa loob sa dami ng books na pinadala tsk.
"Oh." Abot niya sa bag ko. Agad ko namang kinuha iyon sa kaniya.
"Thank you boss. Ang bait mo talaga!" Biro ko pa siyang hinampas sa balikat niya kaya napa 'tsk' nalang siya sa hangin bago na pitikin ang ilong ko.
"Matagal na akong—"
"Aray!" Inis na sigaw ko ng sadya akong banggain ni Crane sa balikat.
"Ay sorry sadya." Pang aasar pa niya bago na tuluyang pumasok sa loob ng room.
Masama ko siyang sinundan ng tingin hanggang sa makaupo siya. Inis akong napapadyak dahil sa mokong na yon. Argh! Panira nalang talaga siya palagi!
Napa irap nalang ako sa ere bago na lumingon ulit kay Premier na nakatingin lang pala sa akin. Napapakamot ulo akong ngumiti ng peke sa kaniya.
"A-anjan ka pa nga pala hehe." Ngayon ay nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.
"Ay hindi wala, ano nalang 'to preview." Pamimilosopo niya kaya agad ko siyang nahampas sa balikat.
"Tsk tigilan mo nga ako, hindi ka pa ba aalis?" Hindi siya kumibo.
Bakit ba nakakailang ang tingin nito? Sobrang cold ng mga mata niya pero bakit parang instead na matakot ako ay parang naaakit ako? Nakakailang tuloy!
Agad akong napa iwas ng tingin at sa adams apple niya naman bumagsak ang tingin ko. Hindi ko alam pero parang gusto kong kapitan yon kada lulunok si Premier.
"Ehem." Agad kong natanggal ang tingin ko sa adams apple niyang pinagnanasahan ko. Peke akong ngumiti ng muling maangat ko ang tingin sa kaniya.
"H-hindi ka pa ba aalis?" Halos mautal kong tanong na ikinaling naman niya. "Bakit?"
"I have something to—"
"Oh my gosh! Is that enhypen concert ticket?! Ahhhh!" Hindi ko na pinatapos ang sasabihin niya ng mapatili ako pagkakita sa dalawang concert ticket na kapit niya.
Mabilis ko siyang nayakap sa sobrang tuwa. "Ang bait bait mo talaga sakin lord! Thank you bff!" Gulat akong napahalik sa pisngi ni Premier bago ilang na napaatras sa pagkakayakap ko sa kaniya.
"S-sorry." Hindi makatinging sambit ko.
'Bruha ka talaga Freia! Bakit mo naman hinalikan sa pisngi yang bff mo?! Like ewwww! '
***
Nakakainggit no? Wala kasi tayo nyan :>
Please do vote po, thank you 💞
STAI LEGGENDO
Plot Twist: It's You
Teen FictionEveryone thought Freia Elyse's story would end with her rival - the boy who challenged her every step of the way. They were the perfect balance of fire and ice, always clashing, always competing. But love doesn't always follow expectations. What if...
Chapter 2
Comincia dall'inizio
