#ika-dalawampu't dalawang KABANATA:P

108 3 0
                                    

" Aish . Sakit ng ulo ko . Ang init din ng pakiramdam ko . Tss . Nagpaulan nga pala ako kanina .  "

Hinawakan ko yung ulo ko at nakaramdam ako ng mainit na likido sa likod . 

0__0

May dugo yung ulo ko at .. At .. Nasaan ako ? Inikot ko yung paningin ko sa loob ng kwarto pero wala akong makita . Nasaan ako ? Ang dilim . Masyadong madilim . Nakakatakot . TT__TT

Anong nangyari ? Paano ako nakapunta dito ? Pssh -_- Elizabeth . Pinainom nya pala ako ng tsokolate . Buti , hindi pa nya ako pinatay . -_-

Tumayo at kinapa yung paligid . Wala akong makitang kahit na anong liwanag . Wala atang bintana dito . Nung nakapa ko yung door knob . Natuwa ako pero , nakalock yun . Tss .

" TULONG . TULUNGAN NYO AKO . MAY TAO DITOO . "

Paulit-ulit lang yung sigaw ko pero parang walang nakakarinig . Nasaan na ba ako ? Nasa palasyo pa rin ba ako ?

" Kahit na anong gawing sigaw mo jan . Walang makakarinig sayo . "

Agad akong napalingon sa likod ko . Hindi ko makita kasi nga madilim talaga . Pero , pamilyar yung boses nya .

" S.. Sino yan ? "

Nakarinig ako ng pagpalakpak at sa isang iglap . Nagkaroon ng liwanag at .. At .. Nagulat ako sa nakita ko . Anong ginagawa nya dito ? 

" SLEIGHTER . Anong ginagawa mo rito ?"

Lumapit sya sa akin . Hindi ko alam kung bakit nakakaramdam ako ng panganib . Nginitian nya ako at hinaplos nya yung pisngi ko .

" Anong .. Ginagawa mo ? "

" Tuturuan ka ng leksyon . "

" Ha- ? "

PAK~

" Ba .. Bakit mo ko sinampal ? "

Tinignan nya yung palad nya at sinabing ..

" Nilalagnat ka Cindy Ella . Magaling ! "

Oo . May lagnat ako at alam kong sobrang mainit ako ngayon . Ang sama-sama na ng pakiramdam ko . :(

" Bakit mo ko si-- "

PAAAKK ~

Feeling ko namamanhid na yung mukha ko sa lakas ng sampal nya . Hindi ko maintindihan . Bakit .. Bakit nya ginagawa sa akin 'to ? Nagkabalikan na ba sina Kei at Audrey at ako ang sinisisi nya dahil do'n ? Posible . Pero , hindi ba nya alam na nasasaktan din ako emotionally kagaya nya ? Hindi pa ako nakakabawi sa dalawa nyang sampal nang sampalin nya akong muli . 

" Sleighter .. Bakit -- "

" Bakit ? Nagtatanong ka kung bakit Cindy Ella ? "

PAKKK ~

Naramdaman kong dumugo yung labi ko sa pagkakasampal nyang yun . Hindi ko maintindihan . Bakit nya ginagawa 'to ? 

" Cindy Ella . Gusto kong ipaghiganti ang aking ina . "

Ha ? Hinila nya ako at sapilitang pinaupo sa isang upuan na hindi ko napansin kanina . Hindi ako makapagsalita , hinihintay ko lang yung mga sasabihin nya . 

" Ina ko si Dolores . Ang matalik na kaibigan noon ng ina mo . "

Si Mama ? E , paano namang nangyari yun ? Mali ata si Sleighter e .

" Magkaibigan na sila mula nung bata pa sila . Kaya lang , nagkasira sila dahil sa parehas sila ng minahal . Mahal nilang parehas si King Erik . "

Hindi ako nagsalita at hinintay na magsalita syang muli para mas lalo akong malinawan .

ALMOST A CINDERELLA STORY .Where stories live. Discover now