Nilagay ko sa table malapit sa kama ko yung mikaella story . Ewan ko ha . Pero , may feeling ako na .. Kailangan kong malaman yung ending nun ?? Waaa~ nakakainis .
Si Syaoran my loves na nga lang ang iisipin ko . Tama . Sya na lang .
Natulog ako ng may ngiti sa aking mga labi <33
---------------------
Paggising ko .
0__0
Oh wait -- nasaan ako ??
Napabalikwas ako ng bangon .
" Nasaan ako ? "
Tumingin ako sa paligid . Puro .. Kahoy nakikita ko . I mean .. Yung bahay na ito ay gawa sa kahoy . Nakahiga din ako sa kahoy o papag .
Biglang may pumasok na lalake na sa tingin ko ay kaedad ko lang . May hawak syang tray ng pagkain . Lalasunin ba nya ako ?? Tapos .. Yung damit nya kakaiba . Parang .. Makaluma ? Parang yung damit ni .. Nino nga ba ?? Ah . Parang damit ng mga prince sa isang movie . Pero , mejo .. Pangit yung sa kanya ?? I mean -- di sya mukhang prince . Sino ba 'to ? Nakaramdam naman ako ng takot . Nasaan ba ako ?? Mama T_T
" Sino ka ? "
Sabi ko sa kanya . Lumapit sya sa akin at iniabot yung pagkain.
" Kamusta ang pakiramdam mo binibini ? "
" Nasaan ako ? Sino ka ? Sinong nagdala sa akin dito ? Paano ? Bakit ? "
"Isa-isa lang magandang binibini . Una sa lahat nasa bahay ka namin . Nakita ka ng lola ko sa daan at walang malay . At ako si sleighter . Okay na ba , binibini ? "
Napatingin ako sa kanya . Naguguluhan pa din . Nasaan ba talaga ako ?
" A.. Anong lugar ? "
Nginitian nya ako . Nyiii >__< yung sakit ko umaatake . Wag mokong nginitian . Haha :D nag-aapoy na ang kalan ko .
Ang KALANdian ko . Wahaa :D ang gwapo kasi mga te e . Ayy . Takot nga pala ako . Nakakalimutan ko.
" Nasa alleakim kingdom ka binibini . Tila ata ay naliligaw ka . Saan ka ba nagmula ? "
ALLEAKIM kingdom ?? May ganun bang kingdom ? Teka -- parang familiar e .
0__0
Tama . Eto yung kingdom dun sa mikaella's Story . Don't tell me , nagpakaDora ako at nakapasok sa aklat ?? Wehh ?? Posible ba yun?
" Tila wala ka pa sa sarili . Wag kang mag alala , hindi ka namin sasaktan dito . Mabuti pa kung kumain ka muna para magkalaman ang tyan mo . "
Nginitian nya ako bago tumayo . Papalabas na sana sya nang tinawag ko sya .
" Sleighter . "
Lumingon sya sa akin . Nginitian ko sya .
" Salamat . "
Ngumiti lang sya bago tuluyang lumabas ng kwarto .
Now . Pano ako makakabalik sa mundo ko ? Teka nga .. Totoo ba 'to ? Pano ba ako nakapunta dito? Waaa~ Syaoran save me .
-------------------------
A/N: Sleighter po yung nasa right side.
![](https://img.wattpad.com/cover/4628165-288-k316239.jpg)