Nakarating kami sa isang bahay . Mas modern ito kesa sa unang bahay na nakita ko .
" Kaninong bahay 'to ? "
Tanong ko kay sleighter .
" Sa lola ko . Tara na't pumasok sa loob ?? "
Sabi nya sa akin . Tumango naman ako at lumakad na . Pipihitin ko na sana ang door knob ng may maalala akong itanong sa kanya .
" Ah . Slei-- "
Paglingon ko . Wala na sya tapos may usok din . Teka . Asan na yun ?
Sakto namang pagbukas ng pinto . Nagulat ako ng bigla akong yakapin ni lola . Siya . Siya yung lola sa may hagdan . Teka -- paanong ??
" Ella . Nagbalik kang muli . Nagagalak ako at alam mo pa kung saan naroroon ang aking tirahan ."
Nginitian ko lang sya . Binukas nya ng maluwang ang pinto at hinayaan akong pumasok .
Nilinga linga ko yung paligid . Hindi naman familiar . Meron silang chimney . Yaman ! Hihi .
" Nagugutom ka ba , apo ? "
Tumango ako . Aba ! Pakapalan talaga ng mukha . Haha ! Hindi pa kaya ako kumakain . Gutom na mee .
Nag hain naman sya ng pagkain . Tapos , kumain na ako kasabay sya .tsaka ko naman nalala si sleighter .
" Ah . Lola ? "
" Ano yun , apo ? "
" Nasaan po si sleighter ? "
Napahinto naman sya sa pagsubo ng pagkain at napatingin sa akin .
" Si.. Sino ? "
" Si sleighter po . "
Bumuntong hininga sya at parang nawalan ng gana . Tumayo sya .
" Apo . Mauna na ako. Ako'y magpapahinga na . Ikaw rin "
Kahit nagtataka ako sa naging reaksyon nya ay tinanguan ko lang sya . Nakita kong papasok na sya sa isang pinto . Marahil ay isa yung kwarto . Pero , huminto sya at tumingin sa akin .
" Ngayon pa lang , layuan mo na siya ! "
Tapos . Pumasok na sya . Haaaa ?? Anoooo dawwww ? Hindi ko talaga maintindihan . Si sleighter ba ang tinutukoy nya ?? Pero -- bakit ? Bakit ko sya kelangang layuan ? Bakeettt ?
Kei's POV :)
Psssh .
Naiinis ako .
That girl . Bakit sya sumama sa binatilyong yun ?
Bakit sya sumama sa binatilyong umagaw sa dalagang mahal ko .
Ces POV :)
*YAWNN*
Uwaa -- umaga na . At hindi pa rin ako nakakalis dito . Nakakainis . Miss na miss ko na si Mama e tapos si Syaoran myloves . Pati na rin si kath . :( kelan ba ako makakabalik sa totoong mundo koo ?
"Gising ka na pala . "
Napabalikwas naman ako ng bangon . Nakita ko si sleighter na nakasandal sa pintuan ng kwarto ko . :ll Ano na namang ginagawa nito ? Tapos . Maya-maya .. Mawawala na lang . Psssh .
" Anong ginagawa mo dito ? "
Tumawa naman sya . Inayos ko naman yung pinaghigaan ko tsaka ako pumasok sa banyo . Hindi ko na sinara yung pinto . Maghihilamos lang naman ako e .
" Parang lumalaki na ang ulo mo ha . Literal ! "
Napahawak naman ako sa ulo ko . Literal daw e . Siraulo . Hindi naman e :ll Tinapos ko na yung paghihilamos ko bago ako lumabas para kausapin sya .
" Si Lola ? "
Tanong naman nya . Yung tone na concern na nahihiya ?? Ganun sya .
" Okay naman . Ano nga pala ginagawa mo dito ? "
Sabi ko . I feel something fishy e .
" Ah . Oo nga pala . Pinapapunta ka ni Prince Kei sa palasyo . "
Napataas naman ang kilay ko sa sinabi nya .
" Si Kei ?? Aba . Himala . Bakit daw ? "
Tinaas lang nito ang dalawang balikat bilang pagsagot .
---------------------
CASTLE nila Kei yung nasa gilid. :)
![](https://img.wattpad.com/cover/4628165-288-k316239.jpg)