1 .. 2 .. 3 .. 4 .. 5 .. 6 .. 7 .. 8 .. 9 .. 10 ..
10 seconds na ang itinagal namin dito . 10 seconds na rin kaming nagtititigang apat . Palipat-lipat yung tingin .
" Mommy Audrey ! "
Si Baby Kei ang bumasag ng katahimikan . I can say na he's the saviour . Agad na binuhat ni Audrey si Kei .
" What are you doing here Baby ? "
" I just want to visit you Mommy . Daddy kei want to visit too . "
Napatingin naman sa amin si Audrey . Ngumiti ako kaya nginitian nya ako .
" I guess . Hindi na ako kailangan dito . "
Sabi ni sleighter . Akmang aalis na sya pero pinigilan sya ni ..
AUDREY .
" Stay here . "
Its getting more complicated . :ll
Feeling ko anytime magkakaroon ng engkwentro dito . Face to face na lang oh .
" Cindy Ella . Kei . What brought you here ? Upo muna kayo at kukuha ako ng maiinom "
" No need . Hindi naman kami magtatagal . Kei just want to see you . "
Sagot naman ni Kei . Spell Awkward ? :/
Ngumiti naman si Audrey . Lagi naman atang ngumingiti yan . -__-
" Long time no see . "
Sabat naman ni Sleighter kay Kei . Sinamaan lang sya ng tingin ni Kei . Bigla namang pumasok ang ina ni Audrey . Nagulat pa nga nung nakita kaming lahat .
" Ina . Pahawak po muna si Kei . "
" Sige . Nandito lang kami sa kwarto pag kailangan nyo ko . "
Umalis naman na si Kei na umiyak pa dahil ayaw lumayo kay Audrey . Ngayon . Kaming apat na lang talaga .
" Ah . Audrey .. Lalabas na muna kami ni Kei . Babalikan na lang namin si Kei . Okay lang ba ? "
Tumango naman si Audrey . Pero ..
" At bakit kayo aalis ? Hanggang ngayon ba .. Hindi pa rin matanggap ng ating mahal na prinsipe na hindi na sya mahal ni Audrey ? "
" Sleighter/Sleighter . "
Sabay naming saway ni Audrey sa kanya . Tinignan nya lang kami at sinabing ..
" Ano ? Haha ! Poor Prince . Nasayo na nga ang lahat . Pero , hindi si Audrey . Akin si Audrey . "
This time . Tinignan ko na sya ng masama .
" Ano bang problema mo sleighter ? Paano mo nagawa ang ganitong bagay ? "
" Cindy Ella . Wala kang alam sa mga nangyari ! "
Yung mata nya punong puno ng sakit at paghihiganti . Ano bang nangyari dati ?
" Sleighter. Tama na . "
Sabat naman ni Audrey .
" At bakit Audrey ? Natatakot ka ba na muling magmakaawa sa harapan mo si kei para balikan mo sya ? O , baka naman nakokonsensya ka . Kasi .. Hindi mo kayang pagbigyan ang nais nya ?"
Ugh . Sleighter . I want to kill you now . Ang samaa . >__< Napatingin ako sa gilid ko . Steady lang si Kei . Hindi ko maintindihan yung pinapakita nyang expression .
" Mauna na kami Audrey . "
Sabi ko na lang . Hinila ko na si Kei palabas pero ayaw nya . Napatingin ako sa kanya .