#ikalabingtatlong-KABANATA :P

151 5 0
                                    

Psssh -_- Badtrip na Kei . Nakakairita ! >__< Sa buong buhay ko ngayon ko lang naranasan 'to . Nakakainisss ! ARGHH ! Curse him .

Habang lumalayo ako sa palasyo ay pinagtitinginan at pinagbubulungan nila ako . Siguro , alam na nilang lahat yung ginawa ko . GREAT ! So I'm the antagonist here ? Just great ! Sinamaan ko sila ng tingin . Aba . Wag nila akong binubwisit pag ganitong wala ako sa mood . Arghh ! Wag lang talaga magpakita sa akin yang Kei na yun , nakuuu.. Masasapak ko yun e . >:ll

Dinala ako nang mga paa ko sa isang garden ?? Ewan . Hindi ko sure kung ano ang tawag dito . Basta ang alam ko eto yung garden na nakita ko sa may bridge nung unang araw ko dito . 

Nakakagaan ng loob dito . Parang isang munting paraiso . Ang mga paru-parong masayang naglalaro sa mga bulaklak , ang mga huni ng ibon . Ang mabangong amoy ng mga bagong bukas na bulaklak . Maging ang mga puno na animo'y nakikipagsayaw sa hangin . Naglakad pa ako at may nakita akong isang batis . Umupo ako sa isa sa mga bato doon habang yung paa ko ay nakababad sa tubig . 

Ngayon ko naramdaman na hindi ko pala kaya mag isa . Miss na miss ko na si Mama . Gusto ko ng umuwi . Miss na miss na miss ko na sya . :'( Kasi pag nasa tabi nila ako hindi nila ako hahayaang masaktan . :/ Hinding hindi . 

Dahil na rin siguro sa SOBRANG pagkamiss ko kay Mama . I started to hum yung kanta na hilig nyang kantahin sa akin . 

" Hmm .. Hmm .. Hmm .. "

Nakadepende ako masyado kay mama o kaya kay Kath . Ayan tuloy. Nahihirapan ako . :(

" Hmm .. Hmm .. Hmm "

Namimiss na kaya ako ni Mama ? Naiisip kaya ako ni Kath ? Nag aalala kaya sa akin si Syaoran ? 

" Hmm .. Hmm .. Hmm "

I really need to do something . Kailangan ko ng makauwi . Pero paano ? Argh ! Ako si CINDY ELLA SAMANIEGO , walang inuurungan . Lahat nilalabanan. Pero , bakit ngayon .. Naguguluhan na ako ? Bakit gusto ko ng sumuko ? TT__TT 

" Hmm .. Hmm .. Hmm "

0__0

I'm just hallucinating, Right ? Tss . I can hear someone humming too . With the same tune and rhythm ng kinakanta ni Mama sa akin . Weird ko ngayon ah . 

" Hmm .. Hmm .. Hmm "

0__0

Minumulto na ba ako ? Waaaa~ nakakatakot . Lord , sorry na po . Hindi ko na po papatayin si Kei promise . Wag nyo lang po akong ipamulto . Amen.

Nagsign of the cross pa ako . Tapos , may narinig akong tumawa . Nanggagaling sa likod ko . TT__TT Nakakatakot . 

Dahan - dahan naman akong lumingon . 

And ...

I saw a man . Tss . Kaage na ni Mama 'to . Haha ! :D he's wearing a majestic suit and a big crown . Base sa suot nya . Maybe he's the king ? Sya rin yung nakita ko na kausap ni kei kahapon e . 

Lumapit sya sa akin at umupo din sa isang bato na hindi naman ganun kalayo sa akin . 

" Maaari ko bang malaman kung ano ang ginagawa mo rito munting binibini ? "

Napalingon ako sa kanya . Nakatingin din pala sya sa akin . Nagkatitigan kami . Ewan ko , hindi ako sure pero , parehas kaming natigilan , lalo na nung napatingin ako sa mata nya . Familiar . Very familiar. Saan ko ba 'to nakita ? Saan ko ba nakita ang bluish eyes nya ? Argh ! Hindi ko matandaan -_-. Nginitian ko lang sya tapos tumingin ako sa taas. 

" Wala naman po Mahal na hari . Kailangan ko lang ng sariwang hangin . :) "

" Haha ! You remind me of someone . ". 

Napatingin naman ako sa kanya nun .

" Sino naman po ? "

" The woman I love a loooong time ago . At first . Akala ko talaga ikaw sya . Nakakatuwa . Kamukhang kamukha mo sya . Kamukhang kamukha . " 

Tumingin ulit ako sa taas . Matataas na puno lang naman ang nakikita ko at ang sinag ng araw na nakakalusot sa mga dahon ng puno .

" Paano pong nangyari yun ? "

Tanong ko sa kanya without looking on him .

" Hindi ko alam . Pero , maaari ko bang malaman kung saan at paano mo nalaman ang kantang inaawit mo kanina ? "

" Yun din po ang gusto kong itanong sa inyo . Dahil , ang alam ko kaming dalawa lang ni Mama ang nakakaalam nun . Ayon na rin sa kanya . " 

Medyo ngumiti ako at pumikit . Nagfaflashback kasi sa akin yung pagkanta sa akin ni Mama pag hindi ako agad makatulog . 

" Maaari ko bang .. Malaman kung .. Ano ang pangalan ng Mama mo ? "

Napatingin ako sa kanya . Nakapagtataka kasi yung tono ng pananalita nya . Parang.. Kinakabahan na parang masaya ? When I looked on his eyes , nakita ko yung pain tapos yung pag asa ? Asa saan ? Ano ba yan ! Kung anu-ano na yung napapansin ko -_- Sagutin ko na nga para matapos na .

" Michelle po . Michelle Samaniego yung pangalan nya . " 

Nakatitig lang ako sa kanya . Nung sinabi ko na yung pangalan parang nadisappoint sya dahil yumuko sya . Narinig ko din syang bumuntong hininga . Tapos , narinig ko yung mga tawa nya na halata namang pilit . 

" Hahaha ! Ano ba yan . Akala ko .. Nanay mo si Mikaella . Tss . Hindi ko maintindihan yung sarili ko . Hindi ko alam kung bakit hanggang ngayon umaasa pa din ako na babalik sya ulit para sa akin . Pero , bakit ganun ? Bakit wala pa sya ? Bakit hanggang ngayon .. Mahal na mahal ko pa rin sya ? Hindi ko na alam . " 

Habang sinasabi nya yun ay umiiling iling sya . Si Mikaella ?? Na naman ? Bakit ba napakahiwaga ni Mikella ? Bakit napakalaki ng epekto niya sa lahat ng tao dito ? Sino ba siya ?  

" Gusto ko syang makita muli . Miss na miss ko na sya . Sana hindi na sya lumisan . Sana ngayon , masaya na kaming namumuhay bilang isang pamilya . "

" Bakit po sya umalis kung nagmamahalan naman po kayo ? "

Tumawa ulit sya ng bahagya at tumingin din sa itaas . Maybe to prevent himself from crying . Habang tinitignan ko sya . Narealized ko na kahit may edad na sya may itsura pa rin sya . Hindi sya mukhang matanda . Tulad ng Nanay ko . Haha ! :D Maireto nga minsan XD

" Minsan . Kailangang may mang iwan at maiwan . May umiyak . May masaktan , hindi dahil sa hindi nyo na mahal ang isat isa kundi dahil yun ang tama at dapat , that's how painful love is but that how it makes it true and special . <3 Masyado naming mahal ang isat isa that leads us to let go each other's hand  . "

Another sigh from him . I therefore conclude that Mikaella is a lucky girl . Maraming nagmamahal sa kanya . :))) Sana sa akin din . Sus . Asa pa ako . :ll

"  If something is meant to be, it will happen in the RiGHT TiME w/ the RiGHT PERSON for the BEST REASON. " 

Nginitian ko sya . Okay . Saan ko naman hinugot yung sinabi ko ? -_-

Napatingin ako sa paa ko na nakababad pa rin sa may tubig . Nakita ko tuloy ang sarili kong repleksyon . At alam ko na . Alam ko na kung saan ko nakita ang mga mata nya . 

Sa salamin .

Tama . Parehas na parehas kami ng mata . Kung nasa tamang mundo lang ako . Ang daling isipin na ..

SYA ang Papa ko . 

ALMOST A CINDERELLA STORY .Where stories live. Discover now