"Sabihin natin na okay kayo ngayon pero paano sa susunod na mga buwan at araw? Paano kung may ibang tao at hindi ako ang magtangkang sirain kayong dalawa?"

Hindi siya nakasagot sa tanong nito. "Sa tingin mo ba talaga ay ganoon din kadali ang naging pagsasama ng kapatid mo at ng asawa niya? Think again son, kung anuman ang pinagdaanan mo ngayon napagdaanan din nila. Kaya lang sila nalampasan nila ang problema dahil may tiwala sila sa isa't isa. Isipin mo nalang na ako ang kontrabida sa kwento niyong dalawa, lahat naman ay may kontrabida at sasabihin ko sa iyo ito masaya akong maging hadlang sa pagsasama ninyong dalawa."

"Why are you doing this to me dad? This is between me and my wife hindi ka dapat makialam."

"Kontrabida ako Warren at nakikialam ako. Matanda na ako at wala na akong pwedeng gawin ngayon na hindi mo kayang gawin."

"At sirain ang pagsasama namin ang gusto mong gawin?"

"Mali ka, ang pagtibayin ang pagsasama ninyo ang gusto kong gawin. I want to test how strong your foundation is, ang bahay na hindi maganda ang pundasyon ay nagigiba pero ang bahay na may matibay na pundasyon hindi madaling masira." Ngumiti ito sa kanya. "When was the last time you said I love you to your wife son?" malumanay na ang boses nito, hindi na ito nang-aasar sa halip ay nababasa na niya ang tingin ng isang mapagmahal na ama sa anak.

"Hindi ako nakikialam dahil gusto ko kayong sirain anak, sabihin mo ng ginagawa ko ito para sa iyo. Para sa inyong dalawa dahil alam kong sa hinaharap ay may darating mas malaking pagsubok na pwedeng sumira sa inyo. Kapag hindi niyo malalampasan ang pagsubok na ito paano pa ang mas mahirap pa? Huwag kang magalit sa halip ayusin mo ito huwag kang mag-aalala kakausapin ko ang asawa mo kapag naayos niyo na ang gulo niyong dalawa."

Lumapit ito sa kanya at yumakap sa kanya ng mahigpit. "I love you son and I love your wife too, she deserves someone better and I know that better is you. don't do just better do your best to be the best husband to her and father to your unborn child."

"You knew?"

"I know everything son more than you think I know kaya trust me, do all your best and get your family back. Nasa likod mo lang ako at wala akong tatanggapin na iba mong maging asawa maliban sa asawa mo ngayon. I don't want her to suffer the same way a friend suffered before because of a bad decision and bad choice. Make your wife the most special person in your world don't make her regret that she married you. It will be your lost son."

"I understand dad."

"And marry her right this time okay, sa simbahan o kahit saan basta pormal. Kahit hindi sabihin ng babae lahat sila gusto ng magandang kasal iyong pwede nilang ikwento sa mga anak nila sa hinaharap."

"Yes dad, I am going to tell her how much I love her. Sana hindi pa huli ang lahat."

"Wala namang una o huli sa taong nagsisikap. Palagi nating sinasabi na huli na pero ang totoo niyan nagsisimula pa lang pala. Don't start with an end instead end it with a start. Go, I will always be here behind you. Get your wofe and your child."

"Thanks dad."

"Go now."

And he did, somehow his dad's words were the harshes but it gives him the courage to do the right thing and that right thing will help her in getting his family back. Why would he start with an end when he could start an end with a start?

Nagtapos ang kabanatang iyon sa buhay nilang mag-asawa, ngayon magsisimula na siya ng tama and his first step is to get the approval of his wife's friends. The hardest thing to do of course gaya ng sinabi ni Heinz at ni Colton sa kanya, pati na rin ni Rye.

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora