24

416 8 0
                                    

SULLI

Finally my last semester has come. Ito na ang pinakahihintay naming nalalapit na kami sa katotohanan. Enrollment ngayon at kumukuha na ako ng schedule ko. Hindi ko pa nakikita si Zed dahil naging busy sa family niya sa mga panahong ito. Marami silang nilalakad pati. At syempre dahil sa napaka maunawain kong gf. Hinayaan ko muna siya nang magkaroon naman siya ng time sa mabait niyang magulang at masayang pamilya.

Kasama ko ang mga kaibigan ko na inaayos ang mga schedule namin. At ang mga estudyante tila naman nagkakagulo.

"Woah, Montemayor x2 ba yan?" sabi ng isang babaeng estudyante. Nagtataka naman ako pero hindi ko gaanong pinansin yon.

"Ang gwapo nakakaiinlove sila!"

"Sobra!"

"May Gf na kaya yong isa?"

"Sana akin nalang siya."

Talaga ang mga kabataan ngayon basta makakita ng gwapo natataranta.

--

ZED

Nakakairita dahil itong Chance na to sumama pa sakin sa pag enroll. Walang magawa ang mokong kaya hanggang dito nakabuntot. Plano lang tumingin ng mga babae. Tss.

Pagpasok ko palang sa school tila naghihiyawan na ang mga estudyante at nakakairita at si Chance hindi ko maintindihan ang itsura. Parang natutuwa na naiinis. Baliw lang.

Sana mabilis lang matapos si Sulli para makag usap naman kami. Halos 1 week ko na siyang di nakikita at namimiss ko na siya.

"Ang liit lang pala ng school na to." puna ni Chance. Hindi ko naman siya pinapansin na kasabay ko lang sa paglalakad.

"Tss. Pinagtitinginan tayo. Ngayon lang ba sila nakakita ng gwapo?" natatawang sabi ni Zed. Wala pa 1 hour nakapag enroll na ako pati yong tatlo. Gusto ko ng puntahan si Sulli.

"Miss mo na si Ate Sulli?" tanong nito.

"Tss."

"Alam na ba niya?" bigla nitong tanong. "It would be better if she will know."

"Chance pwede ba. Hindi naman ako pumayag eh." inis na sagot ko. Napakahirap ng ganito. Nakakainis.

"Sabi ni Mommy kung kayo ang para sa isat isa. Kayo talaga." Mahina niyang sabi. alam ko kami ni Sulli na talaga.

Napangiti ako ng makita siya. Alam ko nakatingin din si Chance.

"Papayag kaya siyang sumama sayo sa States?" biglang tanong ni Chance.

"Chance please. Let me talk to her. Don't tell her anything." Pakiusap ko sa kanya.

Bakit kasi kailangan pa naming bumalik sa Amerika? Alam ko napakaswerte ko na gusto nila isama si Sulli para sakin. Pero alam ko may pangarap din siya at hindi ko alam kung papaya siyang sumama. Sa totoo lang ayaw kong sumama pabalik sa America. Kaya ko naman ang sarili ko kaso si mommy nakakainis. Mahal ko siya pero mas gusto kong makasama si Sulli.

"Gab Gab? Is he your twin?" nakakairitang sabi ni Phoebe sakin.

"Oh comeone Phoebe get lost!" naiinis kong sabi. baka makita pa siya ni Sulli magalit nanaman yon.

"Grabe much ha. classmate parin naman tayo saka gusto ko lang makilala twin brother mo."

"Oh please. Stay away from us!" inis na inis na ako.

"Kung makataboy wagas. Hi Zed's twin brother my name is Phoebe. Are you also enrolling here?" tugon nit okay Chance.

"Sorry Im not into kids with make up." Mapang asar na sabi ni Chance. Sa totoo lang Chance hate childish people. He wants someone that will act on there age. That's why ayaw kong maging close niya si Sulli dahil sa personality nito. Sulli is a girl na kala mo napakasungit, tahimik, at boring. But as long as you get know her hindi mo papangaraping mawala siya. Napakasaya niyang kasama. Sweet caring. Sa totoo lang para siyang si Mommy.

Halos naiiyak na umalis si Phoebe.

"Damn you are hella lucky guy bro!" biglang sabi ni Chance.

"Huh?"

"If I just met Sulli before you, hindi ko siya papakawalan." Mapang asar na ngiti nito.

"Tss."

"Don't worry bro hindi ko siya aagawin sayo. Makikita ko rin ang para sakin." Natatawa nitong sabi. gustong gusto talaga nito akong asarin.

Napalingon si Sulli sa gawi naming at kumaway siya na nakangiti. Para siyang nag sisign na "Sandali lang." kaya ito nakatunganga kami ni Chance sa kubo at ang mga maiingay na estudyante nakatingin samin.

After 1 hour and 30 minutes dumating na sa wakas si Sulli.

"Nakapag enroll din sa wakas." Pagod niyang sabi.

"Hi Ate Sulli." Bati ni Chance.

"Hello Chance. Bakit napasama ka sa school?" tanong niya.

"Walang magawa eh."

Hinila ko siya paupo sa tabi ko

"O sige. Doon muna ako sa tatlong kolokoy." Sabi ni Chance at umalis.

Umalis na ito. Nilakasan ko na ang loob ko dahil ayaw kong mabigla si Sulli sa mga pwedeng mangyari.

"Baby, last sem ko na pala dito." Mahina kong sabi at tila naman nagulat siya.

"As I expect." Bulong niya. "Don't worry Zed I know. Alam ko mahirap kapag wala ang magulang sa piling mo." Pakiramdam ko anytime maiiyak si Sulli kaya agad ko siyang hinila papuntang kotse. Tinext ko nalang si Chance na sumabay sa tatlo. Nagdrive ako at nakarating kami sa beach. Naupo kami sa isang cottage.

691539vH%

The Four Years GapWhere stories live. Discover now