06

558 12 0
                                    

ZED:

Nakarinig nanaman ako ng tumatakbo papuntang classroom at alam kong si Sulli yon at 30 minutes na siyang late. Agad naman siyang pumasok at nagsorry sa teacher dahil sa marami silang activities bago ang subject na yon. Hingal hingal siyang umupo sa tabi ko.

"Class, lalabas muna ako. Self study muna kayo. May aayusin lang ako. Ill be back after 30 minutes." Biglang sabi ng teacher at sinara ang pinto pagkalabas.

"Ate Sulli. Super late ka ngayon ha." Sabi sa kanya ni Alex.

"Oo nga eh. grabe kasi yong exam namin late dumating Clinical Instructor tas 150 items pa. natuyo na ata utak ko." Sabi niya na hinihingal.

"Ah kaya pala."

"Ate Sulli, may bf ka na ba." Napatingin ako kay Dwayne ng bigla niyang tanungin naubo naman si Sulli at namula sabay umiling.

"Seryoso ate wala? As in wala never?" nanlaki pa mata ni Alex ng siya naman magtanong at tila nahihiya si Sulli. Kinagat ko labi ko para di mangiti at tumingin nalang sa labas.

"Eh ate childhood sweetheart?Puppy love?" tanong naman ni Carl. Natawa naman si Sulli sa kanila at umiling lang saka binuksan ang libro niya at tila nakahinga pa ng makita ang bookmark.

"Cute naman niyang bookmark ate. Akin nalang." Sabi ni carl pero alam ko nagbibiro yon. Sinipa ko siya.

"Hindi pwede. Bigay to sakin ng isang malapit na kaibigan eh nong grade 6 ako." Ngiti niyang sabi.

"Ah babae o lalaki?" tanong ni Dwayne.

"Little boy." Ngiti niyang sabi at tila nangingisi sakin ang tatlo kaya sinimangutan ko.

"Anong name ate?" biglang tanong ni Alex.

"Zeddy." Tipid niyang sabi.

"Ceddie ang munting prinsipe?" tawang sabi ni Dwayne.

"Haha hindi Zeddy. That spells Z.E.D.D..Y." bigla siyang napatigil sa pag sasalita na siyang kinabahan naman ako. "Zed Gabrielle." Napakunot ang noo niya pero nanatili lang akong tahimik. Tahimik siya na napatingin sakin pero bigla naman siyang bumawi. Parang may gusto siyang sabihin pero pinipigil niya ang saril niya. Narinig ko nalang ang buntong hininga at biglang pumasok ang prof namin.

"Okay Class! Mukhang matatagalan pa ako. Umuwi na muna kayo o pumunta sa remaining subjects nyo. Lets call it for the day at sa thrusday may long quiz kayo review niyo nalang yong mga topics natin. No lates okay. Sulli as possible wag kang malalate na. we will wait about 5 – 10 minutes at kapag wala ka pa, mag sstart na ako ng exam." Mahabang sabi ng prof tumango lang si Sulli sa kanya. "Bago kayo umalis yong mga kalat at upuan niyo ayusin niyo."

Lalapit na sana ako kay Sulli pero may lumapit sakin ng mga babaeng first year at kung anu ano tinatanong.

"Zed baka gusto niyo sumama sa amin. May lakad kasama ng mga classmate natin. Swimming bukas after ng PE." Sabi ng isang babae. Pero di ako umimik. Hinawakan niya ako pero tinabig ko siya. Si Sulli nakaupo parin at parang inaayos yong mga gamit niya at nilalagyan ng Yellow mark ang mga topics.

"Sama ka na kasi Zed. Grabe naman to. saka amy group review din, sama na kayo nila carl."

"Please sama na kayong apat."

"Zed please." Naiirita na talaga ako sa kanila gustong kausapin si Sulli pero di ko magawa dahil nakaharang sila.

"Ano ba tantanan niyo ako!" sigaw ko at natigil sila tila nagulat naman si Sulli sakin. Napansin ko naman na parang may nagpaparinig kay Sulli.

"Yang 4th year nay an laging kasama nong apat kapag sa subjects na to. kairita!"

"Yeah, landi landi simula pa ng orientation yan!"

The Four Years GapWhere stories live. Discover now