01

4.2K 46 0
                                    

CHAPTER 1

"Sulli! Anong block mo ngayon?" excited na tanong ng kanyang kaibigan na si Sue na lagi niyang kasa-kasama.

"Syempre N2 parin at magkakasama parin tayo." Ngiti niyang sabi.

"So excited and guys guess what may nakita akong mga freshmen na ang gugwapo." Kilig na sabi ng kaibigan nilang si Sabrina.

"Uy Brina, mga bata yon!" tawang sabi ni Sulli.

"Kj mo Sol! Kahit na 4 years o 3 years ang tanda natin sa kanila okay lang yon. Age doesn't matter naman eh." nagpapacute pa si Sabrina ng sabihin.

"Alam mo Sab, masyado silang bata isipin mo 16 yong jowa mo diba kakailang tas ikaw 20." Na Natatawang biro ni Sulli.

College students sila at nasa 4th year na. Sulli is a simple girl na never pa nag kakaroon ng boyfriend at sa mga kaibigan niya siya nalang and di nakakaranas na mainlove. Dahil narin sa takot siya. Lagi kasing sinasabi ng magulang niya na bawal siyang mag boyfriend tapusin muna ang pag aaral. Mahigpit magulang niya eh. nadagdagn ang takot niya dahil siya na rin ang naging hingahan ng mga kaibigan niya sa tuwing magkakaroon sila ng problema sa mga kasintahan. Naging taga pagpayo pa si Sulli kahit wala siyang alam.

"Anong club sasalihan niyo pala?" tanong ni Sulli.

"Di ko pa naiisip. Parang sa theatro nalang siguro uli." Tugon ni Sabrina.

"Ah, sa school paper pala ako uli sasali. Kayo bet nyo?" tanong ni Sulli uli.

"Haha ikaw lang naman ang magaling sa mga ganyan love guro Sol!" natatawang sabi ni Sue.

"Ewan sayo Sue! Samahan niyo na kasi ako doon. Masaya naman sa School Paper club eh." ngiting ngiti si Sulli na nag aaya.

Bigla silang natahimik ng may maupong mga freshman sa may kubo na pinupwestuhan nila. Napatingin si Sulli sa isang lalaki na medyo mahaba ang buhok na naka bonet.

"Parang nakita ko na ang batang to." Bulong ni Sulli sa isip niya pero hindi niya matandaan. Yong mga kaibigan naman niya ay namamangha sa pagtingin sa mga gwapong freshman. Pero hindi nawawala ang tingin niya sa batang yon. Tingin niya nasa 16 or 17 yong bata na talagang gwapo, maputi, maganda ang pangangatawan kaso masungit ang itsura. Hindi binabawi ni Sulli ang tingin dahil iniisip niya kung saan niya ito nakita pero hindi niya talaga maalala. Nagulat nalang siya ng tumingin ito sa kanya at ngumiti ng bahagya. Nang matauhan siya ay umiwas siya ng tingin. Pero ang bata ay hindi parin umiiwas ng tingin sa kanya hanggang sa naramdaman niyang umiinit ang pisngi niya.

"Sol, akala ko ba ayaw mo sa mga bata, eh bakit namumula kang mansanas diyan?" natatawang tanong ni Sabrina.

"Hindi ah. May naiisip lang ako. Para kasing nakita ko na yong batang yon." Bulong ni Sulli.

"Ah yong batang nakatingin sayo?" ngising sabi ni Sabrina. Nagulat nalang si Sulli ng makitang nakatingin parin sa kanya ito pero biglang kumunot ang noo. Agad na bumawi si Sulli dahil nahihiya siya sa doon.

"May kinikilig." Pang aasar ni Sue at Sab sa kanya.

"Bahala nga kayo diyang!" agad na sabi ni Sulli at umalis sa kubo kubo kung saan sila laging tumatamabay. Hindi niya alam na sinusundan siya ng tingin ng bata.

"Zed, kilala mo yon? Todo tingin ka ah." Natatawang biro ng kaibigan na kasama niya na naka clean cut.

"I think so, parang kilala ko nga." Mahinang sabi ni Zed na tinatago ang ngiti.

Tuloy tuloy lang sa paglakad si Sulli napalingon siya sa mga kaibigan dahil tinatawag siya at di niya naiwasang hindi tingnan ang bata na nakatingin parin sa kanya. Lalo siyang namula at naramdaman niya ang malakas na tibok ng kanyang puso.

The Four Years GapWhere stories live. Discover now