#1 - The Academy

464K 4.6K 517
                                    

Chapter One
The Academy

Hindi ko namalayang dismissal na namin dahil sa pag-iisip doon sa kwento ng teacher namin. Sabi niya, totoo daw na may magic pagdating sa love. Magic? Ano naman kayang klaseng magic? Paano nagkakaroon ng magic sa pag-ibig?

“Baks, bilisan mo!” sabi ng gwapong bakla kong friend na si Len sa kalayuan.

“Teka nga, maghintay ka!”

Busyng-busy kasi ako sa pagpupulot ng mga libro kong nahulog dahil binangga lang naman ako ng mga malanditang mga taga section A. 

Naglakad na ako papunta kay Len na mukang kating-kati ng nag-iintay sa'kin sa bungad ng building namin.

“Bakit ba ha Mr. Allen Jardanes? Anong pinagmamaktol mo dyan?”

“Look oh, umuulan. And yuck naman girl! Don’t call me Mister! Eww."

“Oh ano naman ngayon? Bawal na ba umulan?”

“Para sa mga magagandang diyosang katulad ko na walang dalang payong, oo! Pano ako uuwi nito? Tulungan mo ko Franz! I’m like so mababasa.” Eh sino kayang shungang nag-iwan dyan ng payong.

Binuksan ko 'yung bag ko at kinuha 'yung isang payong. “Nakuha ko ‘to sa may canteen kanina, may nakaiwan siguro. Ayan, gamitin mo muna, kaya lang baka hanapin 'yan nung may-ari Len.” Nakakakonsensya kasi eh. Baka wala ring gamitin 'yung may-ari nun, kawawa naman.

“Eh hayaan na natin 'yun. Iniwan-iwan niya tapos hahanapin niya! Okay lang yun, tara na baks!”

“Sira! 'Di ka ba nakokonsensya dyan? Dalhin na natin sa Lost and Found dali.”

“Hay nako Franz, may gusto ka lang makita dun sa council office eh! Si Kyle nanaman ba? Umuwi na 'yun, kagagaling ko lang dun kanina, nakita kong lumabas na siya.”

“H-Ha? A-ano b-bang s-sinasabi mo! Bakit ko naman gustong makita 'yung K-kyle na 'yun!”

“Bakla man ako at babae ka, ramdam kita Franz! Kaya nga bffs tayo eh! Saka, friend naman eh! 'Wag ka na ring mag-feeling mabait dyan! Magpaka-mean ka naman kahit once.”

Maya-maya pa may kumalabit sa'king babae. “Hi! Excuse me, may nakita ba kayong payong na kulay pink? Rabbit 'yung design?”

Paktay. Lumingon ako kay Len na kasalukuyang hawak-hawak 'yung payong na pasimpleng tinatago sa likod niya.

Bumulong si Len saken. “Baks, 1, 2, 3...Takbo!”

Tumakbo si Len hila-hila ako palabas ng building. Nababasa tuloy kami ngayon ng ulan.

“Len! Bakit mo ko sinama sa pagtakbo!”

“Ano ka ba! Baka habulin tayo nun! Baks, bilis!”

“Tigil muna!” Sigaw ko sa kanya.

Tumigil si Len. Pagkakataon ko na ‘to.

“Len.. sorry,” sabay kuha ko dun sa payong at takbo pabalik ulit dun sa babae.

Take It or Leave ItTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon