Chapter Ten-C

Magsimula sa umpisa
                                    

Iyong mga araw na umalis siya at pumunta sa Batangas branch ng Archer's niya ay nag-aayos talaga siya sa proposal niya kay Diana Rose. Ilang buwan na rin naman silang magkasama at naisip niya she deserves to have a decent wedding. Gusto niyang bigyan ito ng kasal na nararapat lang dito, he was very excited na nakalimutan na niyang icharge ang cellphone niya. At sasabihin na rin sana niya ang nararamdaman niya dito, he's inlove with her. Matagal na. Kailan nagsimula? Pwedeng noong una niya itong nakita sa Primero o kaya naman ay noong nakakasama niya ito basta alam niya ng pilitin niya itong pakasal sa kanya ay may nararamdaman na siya para dito.

Matagal niya bago nalaman na love nap ala iyon, hindi kasi siya sanay pamilyar sa mga pakiramdam na tulad noon. Bago lang din sa kanya ang mga bagay at nararamdaman niya kaya naging denial siya dahil natatakot siya sa pwede niyang maramdaman. Pero kapag nagmahal ka na pala mas gugustuhin mong aminin nalang iyon at isavor ang feeling.

Ang hindi lang niya inaasahan ay ang sakit na naramdaman niya ng makita ang mga pictures na iyon, he wants to surprise her pero siya ang nasurprisa ang ibigay sa kanya ng daddy niya ang mga pictures na iyon. Nagulat siya, nagalit at noong una ay sinabi niyang hindi pwede iyon imposible iyon pero kalaunan ay natabunan siya ng galit. Maraming bagay ang pumasok sa isip niya hanggang sa nabulagan siya ng selos.

He's never been jealous kaya hindi niya nakontrol ang nararamdaman niya ng mga sandaling iyon. May nnasabi siyang hindi magaganda at muntik na niya itong masaktan pero sa bandang huli ng makita niya ang takot sa mukha nito ay bumalik siya sa katinuan. Bigla siyang nahiya sa kanyang sarili.

And now hindi niya alam kung ano ang gagawin niya, gusto niya itong makita pero kapag naaalala niya ang sakit na bumadha sa mukha nito sa mga sinabi niya ay nababahag ang buntot niya.

"Hanggang kailan ka magpapakabilanggo dito sa bahay mo?"

"Dad." He acknowledge his father's presence. Madalas sa bahay niya ang mommy niya at pinagluluto siya, nandoon din ang kapatid niya at ang pamilya niya but their presence isn't enough to satisfy his needs to see his wife. He wants his wife... hindi niya alam kung ano ang gagawin niya at papaniwalaan niya.

"Tumayo ka diyan." Utos nito sa kanya pero hindi niya sinunod kaya nagulat siya sa sunod na ginawa ng daddy niya, hinawakan nito ang t-shirt niya at malakas siyang sinuntok sa mukha. Pakiramdam niya ay nagcrack ang bungo niya sa ginawa nito.

"What the hell was that dad!?" gulat at galit na tanong niya.

"At anong balak mong gawin dito ang magmukmok at sirain ang buhay mo? Hindi kita pinalaking maging ganyan."

"Ano bang gusto mong gawin ko dad? I don't know what to do anymore..." disperadong tanong niya.

"Iyong asawa mo nakapasa sa pagsubok ko."

Kumunot ang noo niya sa sinabi nito. "I like that woman kahit na hindi siya galing sa Buena familia, noong unang tingin ko sa kanya alam kong siya ang nararapat sa iyo. She's too good to be true for you Warren. I tested her, inalok ko siya ng pera at pinagsalitaan ng masasamang salita para lang maisip niya na ikaw ang maling napili niya. Pero ikaw pa rin ang pinili niya samantalang mas mahalaga naman dapat ang pera keysa sa iyo. Kung papipiliin ako mas gugustuhin kong magkaroon ng pera keysa magkaroong uto-utong anak na kagaya mo."

Mas lalong hindi niya maintindihana ang sinabi ng daddy niya.

"Ano bang pinagsasabi niyo?" naguguluhang tanong niya.

"Ikaw ang hindi nakapasa sa pagsubok ko sa inyong dalawa Warren, sa inyong dalawa ni Almiro ikaw sa mga anak ko ang nakakayang makuha ang mga bagay ng walang kahirap-hirap. Hindi ka nag-eeffort pero nakukuha mon a agad ang mga gusto mo kaya napakadali sa iyong iwanan iyon kapag ayaw mo na."

ZBS 4: Green Bee's Longing Touch (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon