Chapter 8

134 1 0
                                    

CHAPTER EIGHT

SISIKAPIN niyang kalimutan si Sebastian, iyon ang ipinangako ni Jelena sa kanyang sarili. Pipilitin niyang ibalik sa normal ang buhay niya kahit pakiramdam niya ay namatay ang kalahati ng katawan niya sa ginawa nito sa kanya. Lahat ng makapagpapaalala sa kanya rito ay itinapon na niya. May mga e-malls siyang natatanggap mula rito ngunit hindi na niya iyon binabasa. Dini-delete na lamang niya. Pati na ang SIM card niya ay pinalitan na niya. Ngunit pagkalipas ng dalawang linggo na nakaiwas siya kay Sebastian ay nakita na naman niya ito. Naghihintay ito sa tapat ng bahay nila. Hindi niya ito hinarap. Halos paliparin niya pabalik ang sasakyan niya nang makita ito. Naghabulan sila. Nagawa naman niyang makaiwas dito. Nagdesisyon siyang kina Yvette na muna mag-stay. Ngunit nakita na naman niya si Sebastian sa tapat ng building kung saan matatagpuan ang opisina ng JLand Associates na itinayo nila ng mga classmates niya sa college. Nagde-design ang grupo nila ng mga condominiums, town houses, and the likes. Damn! Bakit ba ayaw akong patahimikin ng lalaking ito? Ano pa ang gusto niya? Sinikap niyang muling umiwas. Ngunit nang sumunod na araw ay hindi na siya nakaiwas pa. Pagsakay niya sa elevator ay nakahabol din ito para makasakay roon. At nagawa nitong isara ang elevator bago pa makalulan ang iba pa sanang sasakay. "Why can't you leave me alone?" singhal niya rito. "I won't stop until you listen to me," sabi nito pagkatapos pindutin ang numero na kinaroroonan ng rooftop. Twenty-four storey building iyon. "Bakit pa? I don't think you have anything to say that I want to hear. I don't even want to see you or hear your voice again. I hate everything about you. Alam mo ba kung ano ang gusto kong gawin sa iyo? Gusto kitang bigyan ng deadly kick, 'yong mababasag ang jaw mo." Punung-puno ng galit ang kanyang dibdib at dahil noon lamang siya nagkaroon ng pagkakataong isumbat iyon sa harap ni Sebastian ay halos magbuga ng apoy ang kanyang mga mata. "Okay, if you hate me, fine. Hindi naman kita masisisi, Jelena. Pero 'yong panig pa lang ni Phoebe ang narinig mo. Half-truth pa lang ang alam mo. Marami

akong gustong sabihin sa iyo but you"re not giving me

a chance. Shouldn't anyone be given the chance to explain himself?" "Wala ka nang magagawa para ibalik pa sa dati ang mataas na respeto ko sa iyo. lisa na lang ang nararamdaman ko para sa iyo, Sebastian Valermo! Iwant to kill you!" n Tinangka nitong mapalapit siya sa katawan nito ngunit itinulak niya ito at nagpunta siya sa isang sulok ng elevator. "Let me get out of here!" pagtataboy niya rito. "No, until you listen to me." Panay ang pindot nito sa kontrol, sinisigurong hindi bubukas ang elevator. Hindi na siya umimik dahil mukhang walang balak ito na palabasin siya ng elevator hangga't hindi nito nasasabi ang gustong sabihin sa kanya. "Sige, makikinig ako sa kung anumang gusto mong sabihin. Pero hindi ibig sabihing maniniwala ako," nakaingos na sabi niya. Bumuntong-hininga ito bago muling nagsalita. "Una, gusto kong sabihin sa iyong hindi totoong fiancee ko si Phoebe. Okay, nagkaroon kami ng relasyon pero matagal naiyon. Totoo ring gusto kong makuha ang kontrol ng Fastlinks dahil gusto kong ma-dominate ang computer business dito sa Pilipinas. At para makuha ko ang ambisyon kong iyon, nagbigay ng kondisyon sa akin si Tita Delia na siyang makakatulong sa akin para makuha

ko ang majority ng stocks. Sinabi niyang kailangang

paibigin kita dahil galit siya sa mga magulang mo. Dating boyfriend daw niya ang ama mo pero tinalikuran siya nito para lang sa mommy mo. Matagal bago ako napapayag ni Tita Delia sa utos niya sa akin dahil wala talaga akong balak na sundin ang kondisyon niya. Pero nang ma-realize kong totoong minahal kita ay naisip ko agad na magtapat sa iyo. Naunahan lang ako ni Phoebe sa pagsasabi sa iyo." "Oh, come on, don't give me that stu.ff. Certified playboy ka bago pa kita makilala. Too bad, nahulog na ang loob ko sa iyo nang malaman ko iyon." "Pero hindi ako deliberately mananakit ng damdamin ng isang babae." "Ahm, so, hindi mo pala sinasadyang paglaruan lang noon ang mga babaeng dumaan sa buhay mo?" sarkastikong tanong niya. "T won't claim Pm a saint, Jelena. Pero hindi ko kayang saktan ka." "Bakit mo ako pinasakay? Bakit mo ako niloko kung gano'n?" "Okay, 1 must admit, iyon ang unang plano ko when I approached you." "Akala ko ba, wala kang balak sumunod sa kondisyong iyon ng tita mo?" "Oo. Na-challenge lang ako sa katarayan mo. At naisip kong turuan ka ng leksiyon dahil sa mga naging

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeWhere stories live. Discover now