Chapter 7

124 2 0
                                    

CHAPTER SEVEN


NAPAUNAT si Jelena sa kinauupuan. Nanigas ang

panga niya sa narinig. "Y-you are what?"

"Hindi ko alam na may hearing impairment ka pala,"

pang-iinsulto ng babae. "Didn't I make myself clear? I

said I am the fiancee of Sebastian, the man you are

flirting with."

Parang malamig na tubig ang dugo niya na biglang

kumulo dahil sa narinig. "T don't know what exactly are

you're talking about, Miss Araneta. I'm sorry but Pm

not in the mood to listen to your fantasies."

"Ayaw mong maniwala?" May inilabas ito mula sa

dalang Louis Vuitton bag. Ipinakita nito sa kanya ang

cellphone nito kung saan nakita niya sa screen ang picture

nito at ni Sebastian sa isang sweet na sweet na pose.

They were kissing.

Natigilan siya.

"See?" Mayabang pang nakangiti si Phoebe Araneta.

Mabilis naman siyang nakabawi. Pinilit niyang

magmukhang hindi apektado sa nakita. "My boyfriend

can have a picture with anyone. And he can kiss any willing woman. I won't make a fuss out of it. Hindi na rin ako nagtataka dahil marami naman talagang babaeng nagpapantasya sa kanya. It's not a secret to me." Ibinalik niyarito ang cellphone nito. Naisip niyang baka luma na ang picture na iyon. Nawala ang ngiti sa mukha ni Phoebe. Padarag na isiniksik nito ang cellphone nito sa bag. Umarko ang mga kilay nito na mukhang bagong ahit at guhit lang ang natira. "But I'm not just anyone. To prove it to you, alam mo ba kung nasaan siya ngayon? He's in Puerto Villa Royale and he's waiting for me there. I'm warning you. Stop seeing him or you'll regret it." "And why would you stop me from seeing him? He's my boyfriend in case you don't know. My official boyfriend. And watch your language, Miss. You don't know me. And you don't have the right to tell me to stop seeing my boyfriend." "Sebastian is mine, Miss Rodriguez. Hindi siya seryoso sa iyo." Gusto na niyang mapikon sa kaharap. Ngunit hindi niya papatulan ang mga ilusyon nito. Maganda man ito at mukhang class, naaamoy niyang cheap ang pagkatao nito. Hindi ito ang tipo ng babaeng papatulan ni Sebastian. Open book na sa kanya ang pagiging playboy ng binata. Natanggap na niya iyon pagkatapos mangako nito na magbabago na at matapos niyang makita ang pagbabagong sinasabi nito. Hindi niya papatulan ang kahit na sinong babaengnaghahabol dito. Gusto niyang isiping isa lamang ang Phoebe na ito sa mga babaeng gagawin ang lahat mapaibig lang si Sebastian. Ngunit ano ang ibig sabihin ng picture sa cellphone nito? Nakakapagduda man ay gusto pa rin niyang bigyan ng benefit of the doubt si Sebastian. Hindi siya dapat magalit kaagad. Baka naman lumang larawan na nga iyon. Ganoon na pala niya kamahal si Sebastian na pati ang pang-unawa niya ay lumawak at handa pa siyang makinig sa paliwanag nito. "Tm sorry, Miss. Hindi ko alam kung ano ang motibo mo sa ginagawa mo. Inaaksaya mo ang panahon ko." "Hah, I can't help but pity you. Napakadali mo palang linlangin. Madali kang paikutin. You are so gullible." Naningkit na ang mga mata niya sa pagkakatitig sa kaharap. Malapit nang maubos ang pasensiya niya. Umuusok na ang ilong niya sa galit sa mga sinasabi nito. Hinablot niya ang kanyang bag na nasa ibabaw ng kanyang desk at humakbang papunta sa pinto. Nilampasan niya ang babae. "Huwag mo akong talikuran," sabi nito na pinigil pa siya sa braso. Pumiksi siya, saka galit na muling hinarap ito. Nakipagsukatan siya ng tingin dito. "Maikli ang pasensiya ko sa mga katulad mo. You don't know what you're up to. Kaya kung ako sa iyo, leave my office right now.""Ayaw mong maniwala sa sinasabi ko ngayon dahil wala kang kaide-ideya na pinasasakay ka lang ni Sebastian. He made you believe he loves you.- Ang hindi mo alam, ginawa lang niya iyon para kana sa kanya ang control sa Eastlinks." Bigla siyang naintriga sa sinabi nito. Ngunit hindi siya nagpahalata. "You don't make any sense. I said, leave me alone," galit na pagtataboy niya rito. "Why don't you ask Sebastian? Ultimate goal niya ang Fastlinks dahil computers ang linya niya. It could make him richer. Pero hindi niya makukuha ang majority ng stocks ng company kung hindi ka niya mapapaibig. But he succeeded dahil madali ka ngang papaniwalain. At ngayong nagawa na ni Sebastian ang misyon niya, the next thing he will do is to dump you." Nakataas pa ang isang sulok ng bibig nito habang sinasabi iyon. Ayaw niyang paniwalaan ang sinabi nito ngunit bigla siyang natakot. Paano kung totoo ang sinasabi nito? "Hindi na ako magtatagal. I hope I made myself clear. Now that you already know where you stand, siguro naman, lulubayan mo na si Sebastian. Kung gusto mong magtira ng pride para sa sarili mo, huwag mo na siyang habulin. Tapos na ang misyon niya at nakuha na niya ang gusto niya. Hindi ka na niya kailangan. Pero aaminin ko, sa iyo lang ako na-insecure. You're beautiful. At alam kong hindi mo siya basta igi-give up kaya kinausap kita ngayon."

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeWhere stories live. Discover now