Chapter 4

204 1 0
                                    

CHAPTER FOUR


HANGGANG sa makabalik na sila sa hotel ay dala pa

rin ni Jelena ang inis sa lalaking iyon. Hindi na siya

nakapag-bowling. Panay ang bulong niya ng pagkainis

sa lalaking nakabunggo niya kanina.

"Huwag ko lang siyang makikita uli," ngitngit na

ngitngit na banta niya. |

"Mukhang gigil na gigil ka roon sa guwapong

hombre," puna ni Dindi. "Hindi kaya naiinis ka lang dahil

no pansin sa kanya ang beauty mo at sa halip ay parang

palaging sinasadya pa niyang inisin ka?"

"So what kung hindi niya ako pansinin? Excuse me,

hindi ako nagpapapansin sa kanya. If he declared war

against me, well, he doesn't know what he's up to."

"You know what, Jelena? I have this feeling na

nakakita ka lang ng pagbubuntunan ng galit mo kay

"Henric," ani Yvette. "Kaya ang tingin mo sa lahat ng

lalaki ngayon ay kaaway."

Hindi siya nakapagkomento. Hindi rin niya alam kung

tama ang obserbasyon na iyon ni Yvette. Basta ang

sigurado niya, nagdeklara ng giyera laban sa kanya ang

lalaking iyon.

Mayamaya ay may kumakatok sa hotel room nila.

Si Dindi ang nagbukas ng pinto.

"Come in," narinig niyang sabi nito.

Nagkatinginan sila ni Yvette. Wala naman silang

ibang kilalang kasabay nilang nagbabakasyon din sa

island resort.

"He's here," anunsiyo ni Dindi na parang biglang

nawala sa katinuan at tila gustong mamilipit sa

kinatatayuan.

"Who?" tanong niya.

"Mr. Gorgeous," sabi nito at pinapasok na nang

tuluyan ang nasa pintuan.

Ganoon na lamang ang panlalaki ng kanyang mga

mata nang makita kung sino ang bisitang pinapasok ni

Dindi. The very same man who had just declared war

against her.

"Whaton earth are you doing here?" nakapamaywang

na tanong niya nang harapin ang lalaki.

"Hey, hindi ako nagpunta rito para makipag-away.

Gusto ko lang itanong kung ano ang nasira sa cellphone

mo."

"Hanggang diyan ka lang," awat niya sa paghakbang

nito. Siya ang humakbang palapit dito. Huminto siya nang

isang dipa na lamang ang distansiya sa pagitan nila. "Ano

ngayon kung ano ang nasira sa cellphone ko? Hindi ba

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon