Chapter 2

239 3 1
                                    

CHAPTER TWO


CAN I doit? tanong ni Sebastian sa sarili niya.

Nahirapan siyang sagutin ang tanong na iyon. In fact,

matagal siyang natigilan. Bakit kailangang may kondisyon

pa bago ibigay ni Tita Delia ang hinihiling niya?

Ah, o0 nga pala, hindi nga pala si Delia Valermo -

Tiongson ang gagawa ng pabor nang walang makukuhang

kapalit. Kilala niya ito bilang tusong negosyante.

Gagamitin nito ang lahat ng kapangyarihan upang

mangyari ang anumang gustuhin nito.

"Kailangan ko na ang desisyon mo ngayon,

Sebastian. Kung papayag ka, puwede ko nang kausapin

si Anton at sabihing ipagbili niya sa iyo ang shares of

stocks na ipinagbili ko sa kanya. Wala siyang magagawa

kundi ang sumunod sa akin. Susuportahan ko na lang

sila ni Diane sa plano nilang mag-expand sa business

nila."

Matamang nag-isip siya. Hindi niya gustong

palampasin ang pagkakataong makuha ang kanyang

ultimate goal---iyon ay ang chairmanship ng Eastlinks.

Ngunit tumututol ang kalooban niya sa ipinagagawa ni

Tita Delia. Sa pagkakataong iyon, kokontrahin niya ito.

Napaahon siya mula sa kinauupuan. Hinagod niya

ang sariling batok. "T'm sorry, Tita Delia. Iba na lang

ang ipagawa n'yo sa akin."

"Well, inalok ko lang naman ito sa iyo dahil ikaw ang

may hinihinging pabor. At hindi maliit na pabor ang

hinihingi mo."

Hindi siya umimik. Mataman lamang siyang nakinig

sa sinasabi nito.

"Alam ko kasing madali mong magagawa iyon kaya

ikaw ang pinili ko. You're a very handsome and gorgeous

bachelor that no woman can resist. With your charm -

and o0zing sex appeal, alam ko namang babae ang

naghahabol sa iyo. Alam kong madali mong mapapaibig

si Jelena kung gugustuhin mo."

"Pm afraid I can't do that, Tita."

Muling kumilimlim ang magandang mukha nito. "The

decision is yours, Sebastian. Hindi naman kita pipilitin

kung ayaw mo. Kalimutan mo nang nag-usap tayo.

Kalimutan mo na rin ang interes mo sa chairmanship ng

Eastlinks. Sayang at hindi na matutuloy ang mga plano

mo sa kompanya."

Hindi na hinintay nito ang kanyang sagot. inalikuran

na siya nito.

Naiwan siyang naguguluhan. Alam niyang tama ang

naging desisyon niya. But was it a wise decision? Saan

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon