CHAPTER SIX
Kahit anong iwas ni Jelena kay Sebastian ay hindi
niya nagawa. Nanatiling nakasunod ito sa kanila.
Nakaalalay pa ito sa kanya sa mga pagkakataong matarik
o madulas ang kailangan nilang daanan.
Hindi na niya maipaliwanag kung bakit nanlalamig
siya kapag hinahawakan nito ang kamay niya upang
alalayan siya.
Wala silang imikan ngunit dama niya ang tensiyon at
magic spell na namamagitan sa kanilang dalawa sa tuwing
magkakalapit sila.
Sumama na sa grupo nila si Sebastian. He offered
her drinks and food. Tatanggi sana siya pero panay ang
siko sa kanya ni Yvette.
. Ewan ba niya kung bakit parang nalusaw ang inis
niya kay Sebastian pagkatapos ng mga halik nito. Dapat
pa nga ay magalit siya rito ngunit hindi niya mabigyan
iyon ng daan.
"Ang ganda ng sunset mula rito, hindi ba?" sabi nito
mula sa likuran niya. "Stay away from me," mahinang sabi niya rito.
"Oh, come on, we're not enemies anymore, are we?"
mahinang tanong nito sa kanya.
Iningusan lamang niya ito, saka siya humakbang
palayo.
Nagulat na lamang siya nang mapansing kinukunan
siya nito gamit ang camera ng cellphone nito.
"TI don't allow anybody to take my pictures,"
pasimpleng singhal niyarito.
"But you allowed me to kiss you, didn't you?" tila
nambubuska pang sagot nito.
"Will you stay away from me?"
"TI thought we're okay?"
"Akala mo lang 'yon."
Ngunit kahit anong pag-iinis-inisan niya ay hindi siya
magtagumpay na dumistansiya kay Sebastian. Nang
bumaba na sila mula sa bundok ay nakaalalay pa rin ito
sa kanya. Ito ang halos umakay sa kanya sa mahihirap
na daan.
Panay tuloy ang pagpukol sa kanya nina Y vette at
Dindi ng nanunuksong tingin.
Bago sila maghiwala-hiwalay ay ka-vibes na ito ng
dalawa. At kahit ang iba pa nilang kasama sa pagmamountain trek na iyon ay madaling naka-vibes nito.
Hehad the talent to capture everybody's heart. May
magneto ang personalidad nito na madaling kumuha ng
tiwala at kalooban ng ibang tao. Ayaw niyang aminin ngunit pati yata siya ay untiunti nang napapalambot nito.
No, tanggi ng isip niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/367055430-288-k63605.jpg)
YOU ARE READING
Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora Clemente
RomanceWalang ibang mahalaga para kay Sebastian kundi ang makuha ang kontrol ng kompanya ng kanilang pamilya. Ngunit may isang kondisyong inilatag sa kanya ang tiyahin niya na dating kumokontrol sa kompanya. Mapapasakanya ang hinahangad niya kung mapapai...