Chapter 3

223 0 0
                                    

CHAPTER THREE


NAPASUNOD ang tingin ni Sebastian sa mataray na

dalaga. Mukhang kakain din ito at ang dalawa pang

kasama nito sa snack bar na iyon. Ang mesa na halos

nasa likuran lamang niya ang pinuwestuhan ng mga

Ito.

Alam niyang coincidence lamang ang madalas na

pagkakasabay nila ngunit hindi niya maiwasang mainis

kapag naaalala ang business deal na nawala sa mga

kamay niya dahil sa babaeng iyon.

Habang kumakain siya ay malimit na tinatapunan

niya ng tingin ang mesang kinaroroonan nito. Wala siyang

ibang alam tungkol dito kundi ang family name nito---

Rodriguez.

Malakas ang boses ng isa sa mga kasama nito kaya

naririnig niya ang sinasabi.

IF I were you, Jelena, pasusubaybayan ko si Dad

Men are experts in lying. Kahit nagsisinungaling na sila,

mukha parin silang totoo. Lalo na kung alam nilang mahal

na mahal mo sila.

Natigilan siya pagkarinig niya sa pangalang sinambit

ng babae. Jelena?

Jelena Rodriguez?

Bigla niyang nabitawan ang hawak na tinidor. Muntik

na siyang mapatayo mula sa kinauupuan. Muli siyang

napalingon sa kinaroroonan ng babae.

Siya rin ba ang Jelena Rodriguez na gusto ni

Tita Delia na paibigin ko?

Hindi. Baka naman kapangalan lang. Hindi

naman siguro iisa lang ang Jelena Rodriguez sa

Pilipinas. Siya rin ang bumawi ng ideyang iyon.

Natukso siyang muling lingunin ito. The woman was

beautiful. Gorgeous. She looked smart and vivid, strong

willed and tough. Mukhang hindi ito ang klase ng babaeng

madaling mapapasakay at malilinlang. At ayaw niyang

isiping ito ang babaeng tinutukoy ng Tita Delia niya.

Pero paano kung siya nga?

Napangiti siya. This seems to be challenging:

Kahit tapos na siyang mag-snack at inuubos na

lamang niya ang iced tea ay hindi pa rin siya umalis ng

snack bar. Hihintayin niyang maunang lumabas ang

babae at ang mga kasama nito. May binabalak kasi

siyarito.

Mayamaya ay napansin niya mula sa sulok ng

kanyang mga mata na tumayo na ang grupo ng mga ito.

Nauuna ang dalawang kasama ni Jelena. Ito ang nahuhuli

sa paglalakad.

Bahagyang iniumang niya ang kanyang isang paa

nang dumaan ito sa gilid niya.

Man Of My Dreams (The Heartbreaker) - Cora ClementeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon