Chapter 14 Insomnia

11 0 0
                                    

I messed up...

After that talk with Harrison, he start ignoring me like a plague. We live in the same roof yet he's treating me like I am invincible... Like I wasn't even there.

I was okay with it first... Pero habang tumatagal hindi ko maiwasang makaramdam ng inis.

"Problema mo?"

Nilingon ko si Luke at sinamaan ng tingin.

"Wag mo akong kausapin." Naiinis na sabi ko sa kanya.

"Tamo to. Bat ka nagagalit sakin? Kasalanan mo naman kung bakit hindi ka pinapansin ngayon ng boyfriend mo ah. May pasubo subo kapa kasing nalalaman. Ayan nag selos tuloy." Natatawa nyang sabi kaya napaismid ako.

"He's not my boyfriend."

He's not, yet why is this situation so complicated and damn confusing? Hindi ko alam kung ano ba dapat ang maramdaman ko.

"But admit it. You like him right? Kaya ganyan ka nalang kung maapektuhan sa pag iwas nya."

Napahilot ako sa sintido ko at napabuntong hininga.

When did this guy became so talkative? He was so silent before. Iimik lang kapag kinakausap pero ngayon...

"Can we not talk about him? Masakit ang ulo ko." Nang sabihin ko yun ay agad nyang sinapo ang nuo ko bago pa man ako makaiwas.

"Ano ba..." Naiinis na inalis ko ang kamay nya doon. Kailangan ba talagang sapuin dahil lang sinabi kong masakit ang ulo ko?

"You have a fever. Bakit pumasok kapa? Sana nagpahinga ka nalang muna." May pag aalalang tanong nya na ipinagsawalang bahala ko lang.

He's so over reacting.

"May quiz tayo sa stat and prob. May recitation sa social science tapos yung sa PE pa."

Wala pa akong plano about sa college pero kahit ganon, gusto kong ayusin ang buhay highschool ko. I mean 50/50 lang pala dahil sa pagiging basagulera ko.

"Pero may sakit ka."

Bakit kasi pinansin pa nya?

"Fine. Hihingi ako ng gamot sa clinic." Ani ko ng wala na syang masabi. Tumayo ako pero agad ding napahawak sa bangko ng makaramdam ng pagkahilo. Naalerto si Luke at agad akong inalalayan.

"Yan. Pakiumpog nga yang matigas mong ulo. Hays, ako nalang ang kukuha. Dito ka nalang." Pinaupo muna nya ako bago umalis.

That guy is such a worrywart.

Nang bumalik ito ay may dala na syang gamot at bottled water. Ang balak ko sana ay mamayang break time kopa iinumin yung gamot pero pinilit nya ako kaya wala narin akong nagawa.

I don't know how did we became friends. But after nung pinag pair up kami ni Ma'am Valencia sa music, lagi na kaming magkasama. Akala ko noong una after ng performance namin hindi na kami mag uusap ulit pero kabaliktaran yung nangyari.

I'm a little bit unsure about this because his life might put in danger because of me but... This is the first time in my highschool that I had friends on my own... Ayokong matapos agad ito.

"Next time, wag ka ng pumasok kapag may sakit ka. Maiintindihan naman ng mga teacher yun. At isa pa, natutulog kapa ba? Anlaki ng eyebags mo."

Napairap nalang ako at hindi na nagsalita pa. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na yung guro namin sa first subject hanggang sa nagtuloy tuloy na ang klase.

Worst Side to Hideحيث تعيش القصص. اكتشف الآن