Kabanata 47

1 0 0
                                    

BOOK TWO

EZEKIEL

Hindi siya mapakali at pabalik-balik siyang naglakad sa rooftop ng hospital. Hanggang ngayon ay hindi niya pa rin maiproseso sa kanyang isipan ang nakakabaliw na rebelasyong sinabi ni Lester. Hindi kaya'y nababaliw lamang ito? Subalit paano naman niya malalaman ang tungkol kay Allen Chen?

Ang mas hindi kapani-paniwala ay ang sabihin nitong siya mismo si Allen Chen? Kung ganuon, nasaan pala si Lester??

"Putragis naman!"
Tatlong buwan niyang hinintay ang magising si Lester para lamang bigla siya nitong gulatin sa muling paggising at sabihing iba na ang kanyang katauhan...

Ang matinding nagpakabog sa kanyang puso ay ang una nitong sinabi...

"KAMAHALAN!"

Na tila baga siya ay kilala nito bilang prinsipe ng kaharian ng mga engkanto. Kung susumahin kasi, ang Allen Chen na kilala niya ay kilala siya bilang isang kamahalan, ang prinsepe ng mga engkanto na nagmula pa sa unang panahon...

Mahigit dalawang daang taon na ang lumipas mula noong magtagpo sila ni Allen Chen.

Kung ganuon...

Masama ang kanyang kutob. Habang inaalala ang huli nilang pagsasama ni Allen Chen.

FLASHBACK

"Kamahalan!" matinding hiyaw ni Allen habang pinipilit iabot ang mga kamay ni Zeke na halos hindi magdaiti sapagkat ang dalawa ay hawak sa magkabilang panig ng mga kawal ng kanyang amang hari.

"Amang hari, parang awa mo na. Pakawalan mo si Allen. Nagmamakaawa ako sayo. Handa kong gawin ang lahat huwag mo lamang siyang sasaktan..." umiiyak ng panaghoy si Zeke habang nakikita niya sa kanyang mismong harapan ang ginagawang pananakit ng mga kawal ng amang hari kay Allen.

Kumakailan lamang ay natuklasan ng kaniyang amang Hari ang palihim nilang pagliwaliw ni Allen at paglabas labas sa palasyo, at dahil sa pagkahumaling niya sa binata ay nawalan siya ng kontrol upang maging maingat sa kanyang mga ginagawa na nagdulot ng pagkahuli sa kanila habang magkasama silang namamasyal sa paraiso ng Olivio. Ang pinakaunang lugar kung saan nagawa nilang damhin ang init ng isa't-isa. Magmula noon ay hindi na napigilan ni Zeke ang tuluyang pagkabaliw sa isang mortal, sa katauhan ni Allen Chen na itinatago lamang niya sa isang bahay sa paligid lamang ng palasyo.

At ngayon nga ay narito sa kanyang harapan ang pinakamamahal niyang si Alen habang duguan ang mukha at hindi na magkandatayo pa dahil sa mga tinamong pasa sa katawan buhat sa mga suntok at sipa ng mga kawal.

"Isa kang tampalasan Ezekiel! Paano mo nagawang magtago ng isang mortal sa ating kaharian?!! Ang masaklap pa ay isa rin siyang lalake. Nababaliw kana ba talaga?" galit na galit na turan ng ama habang iniunday nito ang mga kamay at ang malakas na pwersa ng kapangyarihan ay sumambulat sa hangin kasabay ng malakas na pagtilapon ni Allen mula sa mga kamay ng mga kawal. Kasunod niyon ay iniunday niyang muli ang mga kamay at si Zeke naman ang malakas na tumilapon sa damuhan. Duguang bumagsak ang parehong katawan ni Allen at Zeke subalit nagawa pang bumangon ng prinsepe samantalang si Allen ay tuluyan ng nawalan ng malay.

Nagmamadaling gumapang sa damuhan si Zeke at sinikap niyang yakapin ang walang malay na si Allen habang ang mga luha niya ay walang humpay sa pagpatak. Nadudurog ang kanyang puso sa nakikitang paghihirap ng pinakamamahal niya.

"Allen patawarin mo sana ako. Kung sana'y hindi kita pinakialaman sa iyong mundo ay hindi mo sana dadanasin ang ganitong bagay. Labis akong nagsisisi sa aking kahangalan. Huhu." LAbis ang kanyang pagdaramdam at hindi niya mawari kung ano ang kanyang gagawin.

Ilang sandali lamang ay nagkamalay ang nanghihinang si Allen at itinaas niya ang kamay upang haplusin ang pisngi ng iniibig niyang prinsepe. "Aking kamahalan, kung ito man ang aking kapalaran ay wala akong pagsisisi. Kung hanggang dito lamang ang aking buhay ay labis akong nagpapasalamat sapagkat nagkaroon ng katuparan ang piping dalangin ng aking puso na ako'y iyo ring ibigin. Kung ako'y muling mabubuhay sa mundo, hahanapin kita at paulit-ulit kitang mamahalin mahal kong Ezekiel."

Humagolgol si Zeke at nanghihina ang kanyang loob sapagkat alam niyang ang malakas na kapangyarihang ginamit kanina lamang ng kanyang amang hari ay hindi basta makakaya ng katawang mortal.

"Allen... Allen, muli kitang mamahalin ilang ulit man tayong magtagpo sa mundo. Pakaiibigin kita ng paulit-ulit." Pangako niya kay Allen na sa pakiwari niya'y hindi na magtatagal pa ang buhay.

"TAMPALASANG NILALANG!" hiyaw ng hari kasabay ng malakas na dagundong ng kalangitan at pagdilim niyon. Ang napakalakas na hangin ay nagdulot ng takot sa lahat ng kawal maliban kay Zeke na ang tanging atensiyon ay yaon lamang kay Allen na yakap-yakap niya pa rin at nag-aagaw buhay.

Subalit tila umikot ang kapaligiran at lumakas pa ng matindi ang hangin."Allen!" sigaw ni Zeke sapagkat ang kaninang yakap niya ay bigla na lamang naglaho sa kanyang kanlungan. Tila nababaliw na nagpaikot-ikot siya sa kinaroroonan at hinalughog ang kung saan man niya maaaring matagpuan si Allen subalit tila hangin itong naglaho at nawala.

Bumaling siya sa amang hari at doon ay nanikluhod siya sa harapan nito."Amang hari, saan mo dinala si Allen? Pakiusap huwag mo sana siyang papatayin. Pakiusap mahal na hari ako na lamang ang patayin mo!"

Subalit tila walang narinig ang galit na galit na hari at muling iwinasiwas nito ang mga kamay kasabay ng pagpulupot ng gintong kadena sa mga kamay at paa ni Zeke. "Ibibilanggo kita ng isang daang taon! Tingnan ko lamang kung hindi ka pa magtanda! Hangal na prinsipe! Dalhin siya sa bilangguan!" Matapos sabihin iyon ay naglaho ang hari kasabay ng muling pagliwanag ng kalangitan at pagkalma ng malakas na hangin sa kapaligiran.

Dinala si Zeke sa isang sagradong lugar kung saan siya pinarusahan at ikinulong sa loob ng isang daang taon. Walang sinuman ang maaaring pumasok sa lugar na iyon maliban sa hari. Kung saan nawalan siya ng kumunikasyon sa mundo at nawalan siya ng balita tungkol kay Allen.

Sa kanyang paglaya ay nagbago na ang lahat sa kanyang kaharian maging sa mundo ng mga tao. Sinikap niyang hanapin si Allen sa mundo subalit nabigo siya at hindi niya na kailanman natagpuan ang binata na sa sapantaha niya'y namatay na dahil sa matagal na lumipas na mga panahon.

Nabigo siya at hindi na muling umibig pa.

+++++++++++++++

Muling natulala si Zeke matapos maalala ang nakaraan nila ni Allen. Kung tama ang kutob niya, maaari kayang bumalik si Allen sa katauhan ni Lester sa kasalukuyan?

Reincarnation??

Teka, hindi ba't lolo ni Lester ay si Allen Chen??!!!

Wahhhh. Anong gagawin ko???

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Où les histoires vivent. Découvrez maintenant