Kabanata 45

6 0 0
                                    

"Zeke..." mahinang bulong ni Allen.

Nabato-balani siya sa pagkamangha sa lalaking iniibig. Nakatayo si Zeke sa ibabaw ng tubig taglay ang mala-adonis nitong kakisigan! Ang kutis nito'y malaperlas na kumikinang sa sikat ng araw. At ang abuhing buhok nito'y lumilipad sa simoy ng mabining hangin.

Ang matikas nitong sandata'y kumakaway at nag-aadya ng gyera..

"Tatayo ka lamang ba riyan...?" wika ni Zeke na bagama't naroroon sa ibabaw ng tubig ay sa mismong tenga niya narinig ang tinig nito na para bagang bumulong lamang ito sa kanyang tabi.

Lumakad si Allen na akmang lalapit sa tubig nang maramdaman niya ang panginginig ng kanyang tuhod. Nanunuyo rin ang kanyang lalamunan kahit pa nga malamig sa lugar na kanilang kinaroroonan. Problemado siya sa ikinikilos ng sariling katawan sapagkat hindi niya makontrol ang malakas na tawag ng laman dahil sa nakahantad sa kanyang kagandahan.

Hindi niya na nga namalayan nang makarating siya sa tubig kundi lamang nagwikang muli si Zeke, "Huminto ka at hubarin mo ang iyong kasuotan. Sagrado ang lugar na ito kaya't hindi maaaring marumihan..."

PAKTAY NA! Hiyaw ng kanyang isipan.

Humiwalay na yata ng tuluyan ang kaluluwa niya sa katawan!

Siya si Allen Chen ay nagtataglay ng mahalay na kaisipan sa batang prinsipe at ang kahubdan niya'y magbibisto sa kanyang nararamdaman sa mga oras na iyon!

Nang hindi malaman ni Allen ang gagawin ay bigla na lamang kusang nagsipagtanggalan sa kanyang katawan ang lahat niyang kasuotan at nagsiliparan ito sa tabi ng kasuotan ng prinsipe habang ang kamahalan nama'y nasisiyahang pinagmamasdan lamang siya.

Sa mga sandaling nahantad ang kanyang kahubdan, nais na lamang lamunin ng lupa si Allen sapagkat hindi imposibleng maikubli pa ang tayong-tayo niyang sandata na handang-handa rin sa laban!

"Perpekto..." muling bulong sa kanyang tainga habang walang kurap na nakatitig lamang kay Allen si Zeke na naroroon pa rin sa ibabaw ng tubig.

"KAMAHALAN! NABABALIW KA BA??" sigaw niya. Nag-iinit ang kanyang pakiramdam sa magkakahalong damdamin. Damdaming kahalayan at kahihiyan.

Inangat ni Zeke ang kanyang kamay at inilahad kay Allen, senyas upang lumapit siya. Ang walang kalaban-labang katawan ni Allen ay kusang naglakad mismo sa ibabaw ng tubig patungo sa prinsipe.

Pagkalapit ay naglapat ang kanilang mga kamay.

"Zeke, kamahalan! Ano ang iyong ginagawa?!" natatarantang tanong ni Allen.

Nababaliw na ako. At mukhang pati ang aking prinsipe! Anong aking gagawin ngayon?!

Wala sa sariling natuliro si Allen sa pag-iisip subalit bago pa man niya mamalayan ay bigla na lamang nagdaiti ang kanilang mga katawan. Ang kamay ni Zeke ay nakapulupot na sa kanyang beywang,

Teka! 

"Kamahalan..." nauutal niyang wika nang hawakan ni Zeke ang kanyang isang kamay at ilapat sa dibdib nito.

"Sabihin mo Allen, nararamdaman mo ba ang pintig ng aking puso?" malat ang tinig ng prinsipe ng magtanong matapos ay mabagal itong yumuko at inilapat ang mukha sa dibdib ni Allen.

"Allen, parehas ang tibok ng ating mga puso hindi ba...?"

"Kamahalan... Bakit...?"

"Hindi ba ito tama sa iyong palagay, Allen?"

Walang makuhang isagot ang tulirong si Allen. Isa pa, naroon na ang kasagutan, kailangan pa bang itanong iyon ng mahal na prinsipe?

Malalim na humugot ng hininga si Allen at lakas-loob itinaas ang mukha upang pumantay ang kanilang mga titig.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon