Kabanata 7

41 2 0
                                    

Wala pa rin sa huwisyo si Lester matapos niyang pagbuksan ng pinto ang kasintahan. Masyadong nayanig ang pagkatao niya sa inasal ni Zeke. Bago ang lahat ng iyon sa kanyang pandama.

Nagtuloy-tuloy siya sa kusina upang uminom ng malamig na tubig. Mabuti na lamang at may mga laman na ang  refrigerator nang sila ay dumating. Marahil ay nilagyan iyon noong caretaker na naglilinis doon tatlong beses kada linggo.

Nagpaubaya na lamang siya kay Aubrey kung saan siya nito hilahin. Windang pa din ang kanyang isipan.

Namalayan niya na lamang na naroon na sila sa dalampasigan.

"Oh my God, it's so beautiful, Babe! Napakalinis ng tubig! Gusto mo bang maligo na tayo?" Nagpaikot-ikot sa tuwa ang dalaga habang nakangiti ng maluwang. Tinanggal niya ang suot na sandalyas pati ang nakapatong na maiksing bestida at maingat na ipinatong sa buhangin. "Hindi na ako makapaghihintay pa! Haha!"

Nalaglag ang panga ni Lester sa buhangin.

"Hala! Nag two-piece siya!!! Papatayin ba ako sa nerbiyos nitong dalawa kong kasama?!"

Pulang two-piece bikini ang suot ng dalaga na lalong nagpatingkad sa kaputian ng kanyang kutis. Hindi sanay si Lester makakita ng ganoon sa personal. Tanging sa television niya lamang nasisilayan ang mga ganoon.

Aminin niya man sa hindi ay talaga namang nakakaakit ang kasintahan. Nagtuloy-tuloy itong naglakad hanggang umabot na sa taas ng mga tuhod ang tubig. Sa sobrang linaw ay tanaw na tanaw niya ang magandang alindog na halata namang halos ialay na sa kanya. Nakatalikod ito kay Lester at nakaharap sa kalawakan ng karagatan.

Napako na sa kinatatayuan si Lester at hindi magawang alisin ang tingin sa dalaga nang bigla na lamang mag-iba ang itsura nito.

Matangkad, makinis at pantay na tiyan na may anim na mala-pandesal na abs at may mumunting damo sa gitna, pababa, pababa...

May makisig na mukha at mala-pilak na mga matang nakatitig sa kanya ng matiim.

"F*cking bullshit!" napamura si Lester matapos mapagtantong ibang tao na ang iniisip niya imbes na ang kasintahang nasa harapan. Masaklap ay lalake iyon!

Hindi niya mawaglit sa isipan ang tagpong iyon at ramdam niya ang kakaibang pintig sa sentro ng kanyang katawan. Ramdam niya rin ang paninigas ng kanyang pagkalalake.

"F*cking bullshit! What am I thinking!"

Walang malay sa mga iniisip niya ang patuloy sa paglulunoy sa tubig na  kasintahan.

Nang bigla na lamang naramdaman ni Lester ang mga kamay na pumulupot sa kanyang bewang mula sa likod. Kung hindi niya nakilala kaagad ang pabango nito ay baka nakarate niya ang tampalasan ng wala sa oras.

"Enjoying the scene huh?" mariin ang bawat katagang bigkas ng tao sa kanyang likuran. Sa sobrang lapit ay ramdam na ni Lester ang init ng hininga ng lalake sa kanyang batok.

Hindi siya maaaring magkamali ng dinig, galit ang tinig na iyon.

"Bitawan mo ako Zeke bago pa kita mapaslang na hayop ka! Feeling mo, boyfriend kita?" pinilit niyang magpanggap na galit upang pagtakpan ang kakaibang sensasyon na dumadaloy sa kanyang katawan sa pagkakadikit nila sa pamamagitan ng pagsiko sa lalake.

Ganunpaman...

"Handa akong paslangin mo anumang oras na iyong naisin mahal kong Lester..."

Hindi man lamang natinag ang binata sa malakas na pagsiko ni Lester.

Kasabay ng tugon ni Zeke ay ang pag-kagat niya ng mahina sa balat ni Lester sa balikat na nakalantad sa labas ng kamiseta. Dumaloy ang rumaragasang init sa buong katawan ni Lester sa ginawa ng lalake at muntik na siyang mapaungol sa kakaibang sarap.

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Where stories live. Discover now