Kabanata 33

9 1 0
                                    

Nakaupo si Allen isang gabi at tahimik na nagbabasa ng isang libro sa kanyang silid ng makarinig ng mga katok sa pintuan.

"Sino iyan?"

"Si Henry ito," tugon ng kumakatok.

Tumayo si Allen at pinagbuksan si Henry. "Malalim na ang gabi kaibigan. Ano ang problema?"

Naupo silang dalawa sa upuang kahoy sa loob ng silid.

"Aligaga ang aking pakiramdam. Kanina habang ika'y narito sa bahay upang magbanyo ay may dumating na mga tagasingil raw ng buwis sa kainan! Ang sabi nila, kung hindi tayo magbibigay ng malaki ay wawasakin nila ang tindahan."

Kinabahan si Allen sa narinig. "Ano ang iyong ginawa kung ganun? Nagbigay ka ba ng salapi?"

"Pasensiya na, subalit napilitan akong magbigay sa takot na magwala sila at sirain ang ating kainan," malungkot na tugon ni Henry.

Nanlulumong tinapik ni Allen ang balikat ng kaibigan. "Nakakasama nang kalooban na ang pinaghirapan natin ay mapupunta lamang sa mga mapagsamantalang mga taong iyon!"

Bukod sa takot na mawalan ng mapagkakakitaan ay ang katotohanang hindi niya pa nababawi ang malaking halagang ipinuhunan niya buhat sa kanyang mga kayamanang iniwan ng mga magulang. Ang kainan na kanyang pinalaki, ngayon ay mayroon ng dalawampung mesa para sa apatang tao, nagdagdag pa siya ng tatlo pang katulong sa paghuhugas at pagluluto, lahat ng iyon ay kanyang pinasasahod ng tama. Paano na lamang kung hindi niya mabawi ang ipinuhunan? Paano siya makakabalik sa Tsina kapag nagkataon?

Puno ng agam-agam ang kanyang puso.

"Sana naman ay hindi sila gumawa ng mga bagay na hindi kanais-nais kung sakaling hindi tayo magbigay ng malaki," wika na lamang niya.

"Sana nga'y ganuon. Maiwan na kita at magpapahinga na rin ako sa aking silid," paalam ni Henry.

"Sige kaibigan. Magandang gabi saiyo."

Sa nagdaang magdamag ay hindi siya makatulog ng mahimbing. Aligaga siya dahil sa nalaman. Inaasam niya na lamang na huwag maging hustong ganid ang mga tampalasang iyon.

Sa mga sumunod na mga araw at mga linggo ay wala namang naging aberya hanggang sa napanatag ang kalooban ni Allen. Subalit hindi sa pagpasok ng ikalawang buwan sapagkat muling nagbalik ang mga maniningil ng buwis. Sa pagkakataong iyon ay naroon siya sa kainan.

Maangas ang nasa sampung lalakeng barakong pumasok sa kanilang kainan at may mga armas sa gilid ng beywang. Mga nakasuot sila ng makakapal na jacket, mga kupasing pantalon at nakasombrero ang sa palagay niya'y pinakalider sapagkat iyon ang nasa gitna. Itim ang suot na jacket, kupas na asul na pantalon at matunog ang takong ng kanyang sapatos na balat.

Lumapit ang lider sa unahang bahagi na siyang tanggapan sa kainan na iyon. Doon nakapuwesto ang kahera o tanggapan ng mga bayad sa pagkaing binili.

May kasama itong apat na lalake samantalang nagpaiwan sa bungad ang dalawa at nasa mga gilid ng kainan naman ang apat pang mga kasama.

Ang pagmamasid ni Allen ay napukaw sa tinig ng lider.

"Ikaw ba ang may-ari nitong kainan?" baritonong boses ng maangas na lalake ang kanyang narinig. Tinignan siya nito mula ulo hanggang paa.

Upang maging maayos ang lahat ay ngumiti siya kahit na nga alanganin iyon bago sumagot, "Opo, ako nga po. Anong maipaglilingkod ko sainyo?" magalang niyang tanong.

"Isa lamang ang nais ko bata! Ang magbayad ka ng malaking buwis nang sa ganun ay manatiling maayos ang iyong negosyo sa lugar na ito," maangas na tugon ng lalake.

Napalunok si Allen. Kailangan niyang maging matalino subalit hindi maiwasang matakot siya sapagkat mga sanggano ang nasa kanyang harapan.

"Magbabayad ako ng buwis subalit sa halagang sakto lamang mga kaibigan. Hindi naman kalakihan ang kinikita ng aking negosyo. Sana maunawaan..."

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Where stories live. Discover now