Kabanata 23

9 1 0
                                    

Tulalang nakatitig sa kawalan si Lester. Sa wakas, nakabalik na siya sa opisina matapos niyang dalawang araw na kulitin si Zeke na siya na ang gumanap sa sariling tungkulin.

Isa pa, mula ng managinip siya tungkol kay Ezekiel, hindi na siya mapakali. Pakiwari niya'y nagkakasala talaga siya kay Zeke. Kung kailan naman kasi nangako siyang kalilimutan ang lalake sa panaginip, saka naman siya tinukso nito.

Lubhang napakahirap para sa kanya ng nangyayari. Ang isipin ang dalawang lalake'y nagdudulot sa kanyang puso ng matinding kabalisahan, takot at labis na
pag-ibig.

Kailangan niya ng mapagbabalingan kung hindi'y mababaliw talaga siya ng tuluyan.

“Babe! Kanina pa kita kinakausap subalit tila hindi mo man lang ako naririnig. Ano bang problema mo?" asar na tanong ni Aubrey.

Oo nga pala, ngayong nasa orihinal na posisyon na siya, ibig-sabihin ay araw-araw niyang muling masisilayan ang kasintahang babae.

Dagdag sakit pa sa ulo ko ito! Naisip ni Lester.

Subalit...

Tinignan niya ng nakakaakit ang babae. Bakit nga ba hindi niya sakyan ang laro ng tampalasang ito?

"Maaari mo ba akong ipakilala saiyong mga magulang babe? Ilang buwan na rin tayong nagkakamabutihan subalit hindi mo pa ako pinahihintulutang makilala ang iyong magulang."

Pinagmamasdang maigi ni Lester ang reaksiyon ni Aubrey kaya naman hindi nakaligtas sa matalas niyang paningin ang pamumutla nito at pangangatal ng labi.

Pilit itinago ang panginginig ng tinig ng sumagot ang babae, "Sa tamang panahon, babe! Isa pa, nag-out of town ang parents ko. Hehe." Balisang ikinuyom ni Aubrey ang mga palad ng hindi namamalayan.

Subalit may mabilis na tila guni-guning bigla na lamang nagdaan sa ala-ala ni Lester.

Nakita niya buhat sa isang malabong memorya ang isang matandang ginoong nakaupo sa kahoy na upuan, may tangan itong baso na may lamang alak. Nakangiti sa kanya at narinig niya ang tinig nitong nagsabi, "Sa tamang panahon, Lester. Sa tamang panahon."

Nahihilong sinapo ni Lester ang kanyang ulo.

Wala sa loob siyang napabulong, "Sino naman ngayon ang matandang iyon?"

Sa hindi kalayuan, nag-alalang tumayo si Aubrey at mabilis na kumuha ng malamig na tubig buhat sa dispenser at mabilis ding iniabot kay Lester, "Uminom ka muna babe. Teka, may masakit ba saiyo? Tawagan ko ba ang doktor?"

Nawala bigla ang pananakit ng sintido ni Lester at napalitan ng pagkasuyang napaisip, 'Napakagaling talaga umarte ng babaeng ito.'

"Ano babe? Maayos ka lang ba?"

"Ayos lamang ako, huwag ka mag-alala babe, hindi ko pa ito ikamamatay. Hindi ka naman siguro matutuwang mamatay ako, hindi ba? Hahaha!"

Napakurap na umiwas ng tingin si Aubrey kay Lester. "Ano bang sinasabi mo diyan? Bakit ko naman ikakatuwa ang mangyari iyon? Baliw ka!"

"Hahahahaha."

"Mr. King! You cannot enter without an appointment. Please come back again once your appointment is settled."

"No! I need to see that bastard Lester Wang! Now!"

Napakunot-noo si Lester matapos marinig ang kaguluhan sa labas ng kanyang opisina. Napapaisip siyang tumayo upang pagbuksan ang pintuan, 'Mr. King? Kaano-ano kaya ni Miss Kathy King? Interesante!'

Subalit naunang nabuksan ni Aubrey ang silid at siyang umistima sa hindi inaasahang bisita.

"Good morning, what is the commotion about? Your voices are disturbing the Director."

Ang Pag-ibig Ni Lester (R18)Where stories live. Discover now