CHAPTER 12

46 2 0
                                    

CELESTINA's POV

Halo-halong emosyon ang aking nararamdaman ngayon.

Hindi pa rin nawawala ang kabang aking nararamdaman matapos ang naging muling pagkikita namin ni Jay-R kanina.

I saw Jay-R again.

Jay-R saw me with my daughter, Abigail.

At hindi lamang kami basta nakita ni Jay-R kundi nakasama niya rin kami ni Abigail nang ilang minuto rahil inutusan siya ni Kuya George na samahan kami sa pamimili ng fresh foods at perishable goods sa wet market na pagmamay-ari ng aking half-brother.

Bakit ganito?

Lumiliit ang mundo para sa aming dalawa ni Jay-R.

Bakit pagkatapos nang maraming taon na hindi kami nagkita ni Jay-R ay ngayon pa siya biglang sumulpot sa aking buhay?

Sa aking maayos na buhay.

Maayos nga ba, Celestina?

Parang gusto kong pagalitan ang aking sarili rahil sa sinabing iyon ng aking isipan.

Masasabi ko namang maayos ang aking buhay dahil may asawa at anak akong matatawag kong pamilya. Naibibigay ng asawa kong si Brent ang mga pangangailangan naming mag-ina.

May matatawag akong matalik na kaibigan sa katauhan ni Samantha at laging nandiyan ang aking mga magulang at ang aking half-brother para maging aking sandigan anumang oras.

Hindi ko na kailangan ang presensya ni Jay-R sa aking buhay ngayon.

Pero si Jay-R ang mahal mo.

Mariin kong ipinikit ang aking mga mata matapos marinig ang sinabing iyon ng aking isipan.

Okay, yes. Si Jay-R pa rin ang itinitibok ng aking puso at siya pa rin ang aking mahal pero hindi ko na siya pwedeng mahalin pa katulad noon dahil may asawa't anak na ako ngayon.

Asawang nagtaksil sa 'yo.

Argh!

Bakit ba nakikipagsagutan sa akin ang aking isipan?

Maaaring nagtaksil sa akin si Brent at nasaktan ang aking pride doon pero hindi sa lahat ng pagkakataon ay kailangang sarili ko lamang ang aking isipin.

May anak ako at lahat ng ina ay gugustuhin kung ano ang makabubuti para sa kanyang anak. At ang tingin kong tama at dapat kong gawin ay ang manatiling kasal kay Brent dahil kami ang mga magulang ni Abigail.

I grew up sharing the attention of my father with my half-brother who I thought never knew my existence.

Hindi maganda iyong pakiramdam na habang lumalaki ako ay naroon ang takot sa aking puso na baka dumating iyong panahon na hindi na ako makakakuha ng atensyon mula sa aking ama.

Gabi-gabi akong nagdarasal noon na sana hindi mawala ang pagmamahal ni Daddy Alfredo para sa amin ng aking ina.

Ilang beses kong hiniling na sana hindi matapos ang pagkalinga sa akin ni Daddy bilang aking ama.

Maswerte akong hindi ipinagdamot sa akin ni Daddy Alfredo ang pagmamahal ng isang tunay na ama.

Mapalad akong sa kabilang ng pagiging illegitimate child ko ay hindi ipinadama sa akin ng aking ama na bunga ako ng isang pagkakasala.

Alam kong mali ang naging relasyon ng aking mga magulang pero lagi nilang ipinaparamdam sa akin na nabuo ako rahil sa pagmamahal.

Ngunit alam ko ring ang lahat ng pagkakasala ay may kapalit at sigurado akong alam ng aking mga magulang sa kanilang mga puso na ang tadhana na ang gumawa ng paraan para makapagbayad sila sa kanilang pagkakasala sa ina ng aking half-brother na si Kuya George.

I'm In Love With A High Maintenance LadyWhere stories live. Discover now