CHAPTER 2

151 6 0
                                    

CELESTINA's POV

Nakangiti kong pinagmamasdan ang aking best friend na si Samantha habang inaasikaso niya ang dalawang customers na mukhang mag-asawa. Aliw na aliw ang babaeng customer sa pakikipagkwentuhan sa aking kaibigan habang ang lalaki ay napapansin kong pasimpleng hinahagod ng tingin ang kabuuan ni Samantha.

Hindi ko naman masisisi ang mga lalaking nagnanakaw ng tingin sa aking kaibigan tuwi-tuwina. Sa tangkad nitong 5'9" ay parang isa itong modelo. Ang tindig ay parang sa isang beauty queen. Poised and confident. Makinis at maputi ang balat na namumula kapag nababad nang matagal sa ilalim ng araw.

Mahahaba ang pilikmata na lalong nagpapaitim sa mga mata nitong kasing-itim ng gabi. Wari ay parang hinihigop ang sinumang tumitig dito. Matangos ang ilong at may natural na pula ang mga labi na kapag ngumiti ay maaaring maakit ang sinuman.

Maganda rin ang hubog ng katawan niya. Malaki ang hinaharap at maliit ang baywang. May malalamang pang-upo na kahit sinong lalaki ay maeengganyong pagmasdan.

Almost perfect ang kaibigan kong si Samantha. 'Yan ang tingin ko sa kanya. Hindi lang sa panlabas na anyo kundi pati sa panloob. Matalino at madiskarte. Alam niya kung ano ang gusto niya sa buhay. She's a risk-taker. Kaya hindi na ako magtataka kung umasenso siya sa buhay dahil sa sariling pagsisikap na sinamahan ng hindi basta-bastang masisirang determinasyon. Almost perfect.

And I envy her.

Pareho kami sa halos lahat ng aspeto sa buhay. Ang pagkakaiba lang ay hindi pa siya lumalagay sa tahimik. She said that she can't have it all. She's been in a lot of relationships and all of them didn't work out. At sigurado akong hindi sa kanya ang problema kundi sa mga lalaking nagiging karelasyon niya. Halos perpekto na ang kaibigan ko para maging dahilan ng isang sirang relasyon.

And that's why I envy her.

I've always been the reason why all of my relationships in the past didn't work out and why my marriage is on the rocks. Dahil hindi ko alam kung ano ang totoong gusto ko. I've made a lot of wrong decisions in my life.

Napansin kong lumabas na ang dalawang customers matapos bumili ng bouquet of flowers sa flower shop na pagmamay-ari ni Samantha. Nakita kong ngumiti siya sa akin at lumapit sa aking kinauupuan. May maliit siyang receiving area para sa mga customer ng kanyang shop. Umupo siya sa tabi ko at pabiro akong siniko.

Samantha: So, whom do I owe this sudden visit of my best friend here at my shop?

Napapailing akong tumawa at hinarap siya.

Celestina: It's been months. Naging busy sa maraming bagay.

Inabot ni Samantha ang kanang kamay ko at pinisil.

Samantha: I missed you, my friend. Ilang buwan din tayong hindi nagkita. Kilala pa ba ako ng inaanak ko?

Si Abigail ang tinutukoy niya. Ang anak namin ni Brent.

Mahina akong tumawa bago nagsalita.

Celestina: Nami-miss ka na. Minsan nga ay niyayaya pa akong puntahan ka.

Lumabi si Samantha na ikinatawa ko.

Samantha: Magtatampo na ako niyan. Niyayaya ka na pala ng inaanak ko, pero hindi mo pinagbibigyan. Hindi mo yata ako na-miss, eh.

Pabiro akong hinampas ni Samantha sa aking kanang braso.

Celestina: Sunud-sunod ang nangyari sa buhay ko, Samantha. I met my half-brother, Miguel George Saavedra.

Nakita ko ang panlalaki ng mga mata ng kaibigan ko at tumango lang ako. I know I have a half-brother since I was a kid. Kahit kailan ay hindi inilihim 'yon sa akin ni Daddy Alfredo. But Kuya George only found out about me a few months ago.

I'm In Love With A High Maintenance LadyWhere stories live. Discover now