CHAPTER 5

112 3 0
                                    

CELESTINA's POV

Walang tigil sa pagdaloy ang aking mga luha.

I can't hold back my tears.

I really miss him.

I miss Jay-R.

Kinagat ko ang aking ibabang labi rahil sa sobrang paghihinagpis na aking nararamdaman. Nagsi-sink in na isa-isa ang consequences ng mga maling desisyong aking ginawa.

Ikinuyom ko ang aking kanang palad at itinapat sa aking kaliwang dibdib. Damang-dama ko ang sakit. I can still feel the pain that I felt on the day I left Jay-R.

Nanlalambot ang aking mga tuhod. Nararamdaman kong bibigay ako anytime soon. Dahan-dahan akong naglakad paatras papunta sa pinakamalapit na settee.

Nang tumama ang likod ng aking mga tuhod sa pinakamalapit na settee ay dahan-dahan akong umupo rito. Tuloy pa rin ang aking pagluha. Tumingala ako at humugot ng malalim na paghinga. Baka-sakaling gumaan ang aking pakiramdam.

Pumikit ako ng mariin at sinubukang pakalmahin ang aking sarili. Ngunit sa aking pagpikit ay biglang lumitaw ang mukha ni Jay-R sa aking isipan.

Ang nakangiting mukha ni Jay-R ang aking nakikita. Ang mga biloy niya sa magkabilang pisngi sa tuwing ngumingiti siya sa akin. Ang kulay itim niyang mga mata na mas lalo pang pinaitim ng kanyang mahahabang pilik-mata sa tuwing tinititigan niya ako ng matiim. Ang matangos niyang ilong na kumikiliti sa akin tuwing ikikiskis niya sa aking pisngi.

Nakikita ko ang mga mapupulang labi ni Jay-R. Ang mga labing iyon na ilang beses ipinaramdam sa akin kung gaano niya ako kamahal. Ang mga labing iyon na ilang beses binanggit ang mga katagang "Mahal kita, aking high maintenance lady", "I love you, my high maintenance lady", "I love you, Celestina", "Mahal na mahal kita, Celestina" at kung anu-ano pang mga kataga na nagpapaalala sa akin kung gaano ako kamahal ni Jay-R.

Ang nakangiting mukha ni Jay-R sa aking isip ay unti-unting napapalitan ng ibang emosyon. Ngayon ay nakikita ko na ang hinanakit at pait sa kanyang mukha. Ang mukha niyang lumuluha rahil sa mga nasirang pangako.

Promises that I broke.

Idinilat ko ang aking mga mata at humugot ng malalim na paghinga. Walang tigil sa pagdaloy ang aking mga luha.

Bakit ang sakit-sakit pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas?

Dahil mahal mo pa rin si Jay-R.

Iyon ang isinisigaw ng aking isipan na hindi ko kayang pabulaanan. Dahil iyon ang totoo. Hindi nawala si Jay-R sa aking puso at isipan kahit pa sinubukan kong mahalin sa paraang alam ko ang aking asawang si Brent sa nakalipas na mga taon.

May asawa na rin kaya si Jay-R?

Kung nasaan man si Jay-R ngayon, sana ay napatawad na niya ako. Sana ay masaya siya sa kanyang buhay sa piling ng ibang babae.

Sa piling ng ibang babae.

Sa kaisipang iyon ay napakagat ako sa aking ibabang labi. Ang sakit palang isiping masaya na si Jay-R sa piling ng ibang babae. Na napalitan na ako sa kanyang puso. Na hindi na ako ang sinasabihan niya ng mga katagang "Mahal kita".

Napatingin ako sa large portrait na nakasabit sa dingding dito sa living room ng malaking bahay namin ni Brent. Isa itong photograph na kuha noong kasal namin. May ningning sa mga mata ni Brent nang araw na iyon. Masayang-masaya ito na naikasal ako sa kanya. That smile of triumph.

Tiningnan ko ang aking mukha sa portrait. Magandang-maganda ang ayos ko that day. Everything was perfect. Everything about my dream wedding was granted, except for the groom.

I'm In Love With A High Maintenance LadyDär berättelser lever. Upptäck nu