CHAPTER 11

101 2 0
                                    

CELESTINA's POV

Napangiti ako nang makitang karga-karga ni Kuya George ang aking pamangking si Heather na anak ni Kuya sa second wife nito.

Mabilis na tumakbo ang aking anak na si Abigail palapit kay Kuya George nang makita nito ang uncle nito.

Abigail: Good morning, Uncle George.

Isang malaking ngiti ang pumaskil sa mukha ni Kuya George nang yukuin nito ang aking anak.

George: Good morning, Abigail. How are you? Napagod ka ba sa biyahe papunta rito?

Nandito kami ngayon ng aking anak na si Abigail sa modernized wet market na pagmamay-ari ni Kuya George at ng asawa nito.

Naipangako ko kay Kuya George nang huli kaming magkita at magkausap na rito na ako mamimili ng mga isda, karne, gulay, at iba pa sa wet market nito.

Kahit na mahilig ako sa mga mamahaling gamit at branded items, pagdating sa fresh foods and perishable goods ay doon ako sa affordable and, of course, dapat ay safe.

Kitang-kita ko kung paanong pinananatili ni Kuya George ang food safety at food sanitation ng kanilang mga ibinibentang produkto nang magpunta ako rito noong nakaraang araw.

Kaya naman ngayong araw ay nagbabalik ako sa wet market ng aking kapatid para sa aking unang araw ng pamimili rito.

Nang malaman ni Abigail na rito ako pupunta sa wet market ng Uncle George nito ay agad itong nagsabi na sasama sa akin dahil gusto raw nitong makita ang uncle nito at ang pinsan nitong si Heather.

Nagsabi na ako kay Kuya George kahapon na pupunta ako sa wet market nito para mamili ngayon. Kaya naman natuwa si Kuya George at sinabing dadaan ito sa wet market kahit Sabado ngayon at family day nila ng misis at anak nito.

Sinabi sa akin ni Kuya George kahapon na isasama nito sa wet market nito ngayong araw ang aking pamangking si Heather para makita ko ito.

Nakita kong nakangiting umiling si Abigail kay Kuya George habang nakatingala rito.

Abigail: This isn't that far from our home, Uncle George. At saka nag-enjoy po ako sa pakikinig ng music sa loob ng car.

Nakangiting napataas ang dalawang kilay ni Kuya George nang biglang sumayaw-sayaw si Abigail sa harapan nito.

Naaaliw na tumawa si Kuya George sa kabibohan ng aking anak. Umiikot-ikot pa si Abigail habang tuloy-tuloy ang pagsasayaw nito.

Marahan naman akong tumatawa habang pinapanood ang pagsasayaw ng aking anak.

Hay.

Ang sarap maging bata.

Nami-miss ko tuloy ang mga panahong bata pa lamang ako at walang mga pinoproblema sa buhay.

Ang mga panahong inosente pa ako sa realidad ng buhay.

Na ang tanging pinoproblema ko lamang noon ay ang pag-aaral at kung paano ko malalamangan ang aking pinsang si Sophie sa mga mamahaling gamit nito na iniuuwi ng ama nitong seaman para rito.

Those were the days.

Ngayon ay pinoproblema ko pa rin naman ang aking pinsang si Sophie ngunit hindi na tungkol sa mga laruan at mga expensive items ang dahilan kung bakit pinoproblema ko ito.

Nanghihimasok si Sophie sa relasyon ko at ng aking asawang si Brent.

That Sophie lied to my husband about me having an affair behind my husband's back that resulted to Brent's cheating on me.

Alam ko namang may kasalanan din si Brent dahil nagpaniwala agad ito sa mga paninira ni Sophie sa akin pero hindi ko mapigilan ang aking sarili na mas mainis kay Sophie rahil mukhang hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakakapag-move on mula sa rivalry namin noon.

I'm In Love With A High Maintenance LadyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon