Kab 9

3 2 0
                                    

"Aia girl. Ano? Nadiligan ka?"Wow. Unang bungad sa tawag. Iyan agad ang tanong mo. Really?

Sinagot ko ang tawag ni Dani habang naglilinis ako ng kuko. Naka-speaker phone lang yung tawag para hindi hassle ang paghawak sa phone. Hawak ko ang pusher at yung isa kong daliri sa paa. May tatangalin akong matulis na kuko sa gilid.

"Ichika mo agad sa akin nangyari kagabi." Mabilis niyang sabi sa akin. Parang ang dami niyang expectation sa sasabihin ko. Exited much.

"Wala. Walang nangyari." Ayoko nang ikuwento at baka mapunta pa ito sa kung saan. Panigurado ikukuwento niya ako kay Ana. Tapos yung kapatid ko ichichika kina Mama. Iniisip ko pa lang kinikilabutan na ako. Baka nga isumbat pa sa akin ng kaibigan kong ito yung mga sinabi ko kahapon.

"Eh. Ano yung... pano na ko? I did something I should be sorry of. Ano ng gagawin ko? Huhu." Pinaglalaruan lang ako ng best friend ko.

"P*ta. Isinumbat nga."

"You know me well, Aia. Sinasabi ko 'to bilang kaibigan mo."

That's true. We know each other too well. Ganoon din ako sa kaniya. Minsan naisusumbat ko yung mga hanash niya sa buhay. Kasi minsan you really need to knock some sense into a person para hindi sila makagawa ng pagsisihan nila. And I think that's what happened to me. Kailangan ko itatak sa kukorte ko na may nagawa akong pervy. Nakakapanlumo siya. Looking on my point of view ngayong matino ako. I find myself like a f*cking dog whose hobby is sniffing.

"So ano nga?"
"Ano yung something you should be sorry?"

Sunod-sunod niyang tanong.

"To sum it up in a sentence. Inamoy-amoy ko daw siya sa leeg. Hya..." Natigil ako sa giangawa ko. At napataklob ng buhok sa mukha.

Deretsahan ko nang inilantad sa kaniya yung mga nangyari para hindi na magtanong. Kasi I know that she'll dig info about what happened yesterday. Mara-rifle ako ng mga tanong nito mamaya. Kaya mabuti ng isahang pag-papaliwanag.

"Baka drunk Aia yarn." Nang-iinis lang siya at ako naman heto si pikon.  Nangagalaiti na ang mga palad sa kamay. Pero mabait akong tao ngayon, hindi dapat hinahayaan na sirain ang mood ko.

"Eh, si Clyde?" bawi-bawi lang bes.

Nabulunan siya. Kumakain dapat siya ngayon kasama ang staff nung bagong brand na pagmomodelan niya.

"–she talking about me?" Kasama niya si Clyde. Naglulunch sila. Uy...

"Ehem..."I was teasing her. I knew it. Nakipagkita na siya sa long time crush niya. Tanda ko, ako ang pinag-open niyan ng account sa Philsoftgames para mag-invest sa game ni Clyde. Akala ko ba, wala na. Okay na sa acquaintance relationship.

"Bye. Aia!" binabaan ba naman ako ng tawag. Napaka-secretive niya pagdating sa sarili niyang buhay. If she's doing something, she's not going to say anything about it. Sasabihin niya lang kapag na-accomplish na niya yung goal o tapos na yung problema.

Itinuloy ko na ang naudlot kong paglilinis ng kuko. Isinunod ko ang pagkumpleto nung RRL ko sa research. Kailangan ko na yun tapusin para at least makapag-submit man lang ako sa next Saturday. Hindi rin ako pumasok kahapon dahil sa sakit ng ulo at ayaw ko pumasok nang wala pa ako sa best state ng aking sarili. Naka-open na yung laptop ko, nakabukas na rin yung mga webpages na pagkukuhanan ko ng information aside doon sa mga journals na nakatamabak sa table ko. Napa-stretch ako ng nakaramdam ako nang pagkapagod sa aking may bandang likuran.

"Aia. You need to finish this. Avoid distractions." pag-encourage ko sa sarili ko na iba ang hinahanap ng mga palad. I want to use my phone. Gusto ko mag-scroll sa FB kung ano na ang mga update sa mga buhay ng iba. Or just to entertain myself with the reels.

Sinampal-sampla ko yung mukha para matauhan yung isip ko. Hindi kasi ako makapag-focus dahil sa mga nangyayari sa buhay kong ibang-iba sa kinalakihan ko.

I tried to push the keyboard push buttons to write something on the blank page. Alam ko hindi maganda ang magiging kalabasan pero nai-edit yung file kapag nasa mood na ako. Ginawa ko na lang at inilayo yung phone ko para hindi na maka-istorbo. Nagre-refill ako ng tubig sa tumbler ko kapag nagbre-break ako after 25 minutes of work para hydrated pa rin ang utak at ang katawan.

My phone vibrated...

Nag-notif yung chat ni Tita Joyi tungkol sa next family date daw with Denver's family. Seryoso ba sila? Kulang na lang mag family meeting sa kasal kung ganiyan lang din. Nagmamadali e' hindi ko pa kilala ng lubusan yung tao. Awkward ng slight kapag kasama ang pamilya. Masyadong close na ang mga mag-anak. Ano na lang pala say ko kapag nagkasundo na?

Magkasunod nito ay nag-ring na ang phone ko. Denver is calling...

"Hi" walang gana kong sinagot.

"Nakita mo na yung message base sa tono mo. You don't want to, right? I have a plan." It's a very tempting to hear na may plano siya. Sana lahat gumagana pa ang common sense 'no.

"What's the plan?" Let me hear it.

"Let's watch a movie."

"You mean date? Tayo?" Nagtataka ako.

Never have I ever watch a movie with a guy alone. Usually, ang kasama ko ang pamilya ko. Kung hindi naman, si Dani o Si Ana. Pupunta ba ako sa family meeting? Ayoko. O ime-meet ko na lang si Denver? I'm a complete stranger to these events.

"Yup. Sunduin kita?" Ang smooth niya rin sa mga ganito ah. Naririnig ko lang mga ganitong linyahan sa pelikula. Napaka-komportable pa ng boses niya.

Kung tutuusin, maganda naman yung suggestion niya. Kasi hindi ko makikita sina Tita Joyi and her family. Syempre gusto ko makita sina Mama pero not with Tita Joyi. I can't. At kung magkasama kaming dalawa mae-eliminate na rin yung isang dosenang blind dates na nakalista sa listahan ni Tita. That's actually helpful to my studies kasi hindi ko kailangan umattend ng blind dates and left the class for compliance. Pero kailangan ko pumasok nang araw na 'yon para sa master's ko. So, tatanggihan ko na lang.

"Hindi ako pwede. May pasok ako sa master's ko."

"Let's meet after. Tapusin mo muna lahat ng dapat mong gawin. Hindi ako nagmamadali." Desidido siya pero ang considerate niya 'ha.

Ano isasagot ko na nito. Siya na ang nag-adjust. Napa-patong ako ng braso sa hita ko at pinatong ko ang mukha ko sa palad. Napapangiti ako 'ha. Stupid. Na-appreciate ko lang yung paggiging considerate nung tao. Iyon lang. Walang ibang rason. Parang hindi kasi tama kung tatanggihan ko pa ulit. Siya na itong nagpapakumbaba. It's beneficial for the both of us.

I can feel my lips curving.

Bahala na nga, "Let's stop Tita Joyi. I will meet you."

Ba't ang bait kong tao? Haha. Charot.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now