Kab 4

8 3 0
                                    

"This pile of clothes is no good for me. Kaya sayo na ito lahat." nagtatanggal pa lang siya ng heels ng bigaksin niya ng mga salita.

At nang makapasok na kami sa place niya,
" - just joking, Mommy Ri! Ilabas na ang damit."

Nagulat ako ng may bigla na lang lumitaw ng mga tao sa mga sulok. If my memory is serving me right, si Mommy Ri ang designer ng mga custom gowns ni Dani. Kinuha niyo ang mga dresses na ipinaggawa ni Dani para sa reunion. Sabay daw kami magfi-fitting ng damit para ma-alter na yung mga sizes at maayos na yung dapat ayusin bago yung event.

What picques my interest is yung dress na may pagka-sheer yung cerulean na tela na nakapatong sa white na tela sa loob. Tapos yung sa neckline na parang bronze yung tali na susuporta sa susuot. Fresh tingnan kaya feeling ko presko 'to kung susuotin. Hinawakan ko yung tela para i-check kung maganda ba.

"Pili ka lang, be. Bayad naman na 'yan lahat ni Sir Den-."  Ginagamitan na ako ng customer service skill ni Mommy Ri.

Wow. So, magsusuot na lang talaga ako ng damit.

"-Ni Sir Del Mundo, yung nagma-manage ng bank accounts ko. Libre ko na. " Paglilinaw ni Dani. At sumenyales kay Mommy Ri ng parang may tinatago. Ano yun? Andaming ganap na hindi ko alam. Sila-sila lang ang nagkakaintindihan. Well, whatever that is not my concern.

Tinanggal ko sa mannequin yung damit na gusto ko. At sinubukan kong isukat sa fitting room. Ang presko nga sa pakiramdam. Sleeveless pa. Simple lang naman yung design, wala masyadong arte pero elegante kung titingnan. Mayroon siyang elements sa sheered na tela na kumikintab pero hindi glitters yun. Hinawi ko yung burgundy na kurtina sa may fitting room upang makalabas ako. At sinimulan na ni Dani ang pagkuha ng litrato ko. Nakakahiya tuloy.

"She looks magnificent. Saan mo nakuha 'to Dani? Tell me, pwede natin siyang ipasok sa modelling." Suhestiyon ni Mommy Ri nang makita akong suot-suot yung gawa niya.

"Believe me Mommy Ri, sinubukan ko na i-recruit. Pero ayaw." She really did try to convince today. But it's a NO.

Patuloy pa rin ang pagkuha niya ng mga litrato kahit ito ay may kinakausap.

"Aia! You're a queen!" Nakakalift-up naman ng spirit ang sinabi ni Dani.

Patuloy pa silang nag-uusap tungkol sa hubog ng aking katawan at maganda raw ang kutis ng aking balat. May pagsenyas pa ng mga kamay. Nung dumating na sa oras na parang nagkakasang-ayon na sila ay tumigil na ang dalawa. May pahapyaw pang sinambit si Mommy Ri na:

"She will say yes. Try to convince her more." At binaba ni Mommy Ri ang kamay na nakalagay sa ilalim ng kaniyang baba. She then assist Dani sa susuotin nito. Ang pinili niya kasi yung dress na medyo kailangan ng tulong.

"Do you like it?" curious na tanong ni Dani habang kinukuha sa mannequin yung dress na gusto niyang suotin.

"Yes!" Ay masyado yata halata na gusto ko yung suot ko.

Pumasok na si Dani sa fitting room. Naupo muna ako sa beige sofa bed niya. Nakakapagod din naman also tumayo ng ilang oras habang naghihintay. Not a person of patience. Nang matapos na si Dani sa pagsukat ay lumabas ito upang ipakita ang fitting ng damit. She chose a red over the knee dress. Mayroon itong gold beads na nakatahi na pa-wave ang disenyo. Off-shoulders ang design nito sa taas kaya kitang-kita ang collarbone niya. Hindi siya anorexic tingnan para sa isang modelo. She's actually good in this.

"You look amazing Dani."

"Thank you Aia."

Tumayo ako ng matapos siya sa pagtingin kung tama lang yung sukat sa kaniya. Ihinawi ko ang kurtina para matakpan ang loob ng fitting room. Sa palagay ko, okay na yung sukat nung akin. I just need to attend the reunion para magamit ito. Pero sa tingin ko, parang sayang itong damit kapag natapos na yung okasyon. It would be great for themed photoshoots like goddesses type of design. Nang makapagpalit na ako sa dati kong suot, nilisan ko na ang kuwarto. Pinaayos ko ang damit sa mga assistant ni Mommy Ri.

Sumunod si Dani sa paggamit ng fitting room para magbihis.

"Aia, hija. I see that you have a lot of potential. Anyway, ayos na ba yung sukat? Hindi ba masikip? "

"Hindi po. "

"Yung length ba ng skirt tama lang? O gusto mo ipa-alter according sa style mo?"

"Tama lang po."

Ibinigay sa akin ni Mommy Ri ang naka-plastic cover yung damit para hindi na madumihan at hindi na magusot yung dress. I accept the dress thankfully.

"If you change your mind about the modelling thing Dani was telling you about, contact me." Inilatag ni Mommy Ri ang isang business card na may contact number niya.

"Mommy Ri! I'll take this too." Naka-high pitch sinabi ni Dani ang mga salita.

Naupo muli ako sa sofa to relax myself. Nakakapagod din yung ganito e'. Akala mo, nagsuot ng maraming damit 'no. It's aging. Haha... ang tanda ko na kasi.
_____________________________________________
"You'll make boys' heads turn." Papa jokingly compliment the dress I am wearing right now.

"I don't care about it, Pa. Ie-enjoy ko lang yung gabi. No boys." sarkastikong nasabi ang gusto kong sabihin to convince him that I was never a player of love.

Papunta na kasi ako ngayon sa event venue namin para sa class reunion. At nang malaman ito ni Papa, he offered to drive me. How can I reject it, no? He's my father. So I'll grab the opportunity para makasama ang pamilya ko. Nakahiwalay lang ako sa kanila kasi gusto maging handa sa pagkatanda ko. That people will not always stay by your side kasi darating yung panahon na kailangan mong mabuhay mag-isa. Anyway, hanggang hatid lang si papa kasi sasabay na ako sa service ni Dani pag-uwi.

Sinundo ako ni Papa galing sa apartment para ihatid sa reunion namin na gaganapin sa farm nila Enzo, the inheritor. Should I say the airhead instead?

Since college, siya ang kilala sa school dahil mayaman ang pamilya nila. He's one of those entitled as cool kids, but I don't think so. Kaya ayoko pumunta sa reunion, ay isa na sa mga dahilan ay makakasalamuha ko ulit ang mga kayabangan ng buong barkadahan nila. Lagi silang nagpu-pull ng pranks sa mga tanong 'di nila gusto or iba sa kanila. Sorry, but I'm not a fan of this attitude.

"Aia! Naka-kunot ka naman ng noo." Nakita ako ni Dani habang nasa loob ako ng kotse.

Naki-carpool siya sa amin ni Papa since same road lang ang dadaanan namin papunta sa venue. I forced a smile towards her para hindi siya mag-isip na hindi ako okay. Hinawakan niya noo ko para hindi na na daw kukunot yung noo ko.

"Well, makikita na naman natin yung mga mayayabang." I said calmly.

"True. Pero it's not their night. Gabi natin 'to friend. Huwag mong i-stress-in sarili mo sa mga nobody na 'yun."

Her calling them nobody is a development. She has a point. Ako ang magbibigay kahulugan sa araw na 'to na gusto ko mangyari para sa akin. Makikipag-hi lang ako and enjoy the rest of the night to indulge myself. Tinaas ko ang level ng air con sa sasakyan kasi ang init kahit nasa sasakyan ka na. Dama mo yung inett...

I lean my head on the car window to rest. Habang si Dani, busy pa mag-make up at pagandahin ang sarili niya. Ipinikit ko muna ang mga mata ko sa biyahe para mag-ipon ng energy to socialize.

Pagdating namin sa destination...

"Dani! Aia! "

Speaking of the monster... Ito na nga siya.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now