Kab 11

1 2 0
                                    

Nasa likod na yung braso niya habang nakasandal ako sa balikat niya. Baka umakbay. Then, I felt him gently pinching my left cheek, saying, "What I said, is true. Kaya ko pinisil yung pisngi mo ay para malaman mo na sinabi ko talaga iyon sa totoong buhay. Hindi isang paniginip kaya maniwala ka."

"Okay. Hindi lang kasi ako nakakarinig ng compliments masyado. Dati, oo. Kaya minsan mahirap paniwalaan." Nagsasabi lang ako nang totoo. I'm not used to hearing compliments.

"Edi uulit-ulitin ko hanggang sa maniwala ka."  He blantantly said so.

Wala na. If he really said it, should I trust it? Kumakabog na ang puso ko. Hindi ko alam pero nakikiliti ako sa awkward ng mga pangyayari. Kinikilig? Ewan. Hindi ko na rin alam.

"Aasahan ko 'yan." Umurong ako nang kaunti at tumigil sa pagsandal sa kaniya para ngumiti sa kaniya. Reassurance kumbaga. He kissed my hair while patting my head slowly. Nag-eenjoy siya 'o.

Whatever. We're just friends hanging out. For now? Tumigil ka na utak sa pag-iisip nang kung anu-ano na mi-misunderstand ko tuloy ang mga pangyayari. That's all there to it. Magkakilala kami close enough to do these things. Tama, dapat ganito na lang isipin ko para matahimik din ako. Pero iba sinasabi ng puso, bumibilis ang pagtibok sa mga kilos niyang nakakabighani. Chos... Ano na? I need help.

Mga readers, may isu-suggest kayo sa akin? Ano ba dapat kong gawin?

"It's the end, Aia. Let's go."
"Aia"
"Aia"
"Aia!"

May kumakaway na kamay sa harap ng mukha ko.

"Nag zoned out ka. May problema ba?"

"No. Baka pagod lang. Anyway, I like McKenna's character...smart." Palusot yung una para may madahilan lang yung zoning out ko. But I do like Phoebe in Ghostbusters.

He grabbed my jacket. Siya na raw magdadala para makatulong sa akin. I texted Tita Joyi and Mama that the movie just ended now. Nasurpresa lang ako sa reply ni Mama.

Sabi niya sa text: "Nag enjoy ka ba, Aia?anak. Dapat noon ko pa sinabi 'to so that you don't have to put defenses on kapag nagkikita tayo buong pamilya. 'Wag mo na lang intindihin Tita Joyi mo at ang ibang tao. Panganay ka kasi sa lahat pero hindi mo kailangan magpa-pressure sa kaniya. I know Denver is a good guy. But you must marry for love. Hindi dahil sa napilitan ka. Mahal kita anak. Aia, you've done so much for me to be proud of you. Be happy."

Hala. This is too sudden. Bakit naluluha ako? I should be happy kasi nililinaw niya na I don't need to follow what others are saying. Na sinusuportahan niya ako at proud na siya sa akin. So, alam niya rin na dumidistansiya ako minsan kapag ang mga usapan ay tungkol dito. I'm weak for these type of messages. Bihira ko lang marinig ito kay Mama. Hindi naman ako nagpapaapekto kay Tita.

"Are you crying? Anong nangyari?" Tinapik ako ni Denver sa balikat.

"I don't know. I should be happy dahil sa sinabi ni Mama. Pero put— naiiyak ako. " Bumubuhos na ang lmga luha ko sa mukha at nabubulol na sa pagsasalita. Pinakita ko sa kaniya message ni Mama.

I ignore Tita's message. Huwag ngayon.

Binigay sa akin ni Denver ang panyo niya. Ipinunas ko iyon sa aking mga mata at pisngi. Kahit na patuloy pa rin ito sa pagbuhos ng mga luha.

"May problema po ba sir?"Ani ng isa sa mga staff sa cinema.

"No. Nothing."

Dahil baka palayasin na kami dito ay sumenyas na ako kay Denver na lalabas na kami. Kanina pa nakalabas yung mga kasama namin. Kami na lang ang nandito sa loob. Umupo ako sa may bench area sa labas ng sinehan at bumili siya ng tubig para ibigay sa akin. He open the bottle cap for me at saka iniabot sa akin.

Kung alam lang ni Mama, I've been waiting for my family to say that it's all okay. Na I don't have to follow on this generational tradition na naka-instill sa mga kapamilya namin. Not that I understand kasi panganay din si Tita. Ayoko sumunod sa mga ginawa niya first girl to get married dahil sabi lang ng pamilya. Hindi ko ine-expect na naiintindihan pala ako ng mama ko. Akala ko kasi she agrees to what Tita says.

"She's proud of me."Nakatitig ako kay Denver habang sinasambit ang bawat salita. Nakaluhod siya at kinukuskos ang kamay niya sa tuhod ko to calm me down. My panganay heart is healing.

"Of course she is. You're a remarkable woman. At higit sa lahat mapagmahal na ate at anak." Isa pa 'to. You're glossing over things.  Pero go lang, nakakataas ng tiwala sa sarili. Isa pa, you're making me feel that I'm enough. I'm enough sa mga bagay na gusto ko maabot hindi lang madiktahan na dapat ganito ako para masabi na asensado.

Umiyak ako sa balikat niya habang pinapatahan. He's patting my back softly to relax me.

Suminga ako ng sipon gamit yung panyo na hawak ko, "how are you feeling?" ani niya.

"Better. Alis na tayo." Nakaka-ilang kasi baka sabihin ng iba may skandalo na nagaganap dito.

Ipinatong niya yung jacket ko sa akin na bibit niya palabas ng sinehan kanina. Naka-alalay lang siya sa akin hanggang sa makarating kami sa kotse niya. It's almost quarter to nine nang makaalis kami kaya feeling ko matra-traffic kami.  Habang nakikinig ng radyo at nagmamaneho siya, I took this chance to say sorry. I ruined the mood.

"I'm sorry. I've ruined -"

"Shh...hindi mo kailangan mag-sorry." Pagtitigil niya nang sasabihin ko na parang alam niya kung ano ang mga susunod na salita.

"Still." Ramdam ko namumugto na mga mata ko ng slight.

"Don't be sorry for being vulnerable, for being who you are, for feeling joy after being miserable. Don't be. It's perfectly fine. Be happy that you have lifted some loads off
your shoulders. You're not alone. "

Kakatigil ko pa lang umiyak. Ano papaluhain mo naman ako pagkatapos ni Mama? Pakiramdam ko may namumuo ulit na mga luha sa mata ko pero hindi na tutulo. Huwag tutulo 'ha dahil gaya ng sabi nila I must be happy.

Ano na mararamdaman ko nito sayo(Denver) ngayon? You're always sweet na it's too hard to believe it's true. Isa ka sa mga nagpapagaan ng loob ko ngayon at the same time gumugulo sa isipan kung bakit mo sa akin ginagawa yung mga dapat sa magiging girlfriend mo. How could I say no na neto pag niyaya mo ko magpasakal...Este magpakasal?

Let's give it a time.

Nagbukas ako ng bintana ng sasakyan at inilabas ang aking palad para damdamin ang tumutulong mga patak ng ulan. Sobrang saya ko ngayon na hindi ko mawari kung bakit. I'll just cherish this moment. Baka mawala lang din yung saya sa isang iglap.

"Careful" paalala niya.

"Yup."

Ang saya ko.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now