Kab 6

13 2 0
                                    

"Sad naman. Umuwi na daw si mister best look. Anyway, may isa pang pangalan na sumunod sa botohan. It's Raven Lim."

Pumalakpak ang mga audience pero hindi ganoon kalakas. Karamihan talaga kasi sa mga girls ang tipo si Clyde. Bigla nag-iba ang awra ni Dani. Sobrang hopeful kasi niya na si Clyde na talaga ang magiging ka-patner niya.  Pero hindi siya nagpahalata sa madla, pero ramdam ko yung pagka-dismaya niya.

"Let's not get sour. Sunod na natin ang formal dance. At pipili na tayo ng most romantic single couple for today."

Nagsimula na ng pagtugtog ng mga romantikong kanta. Isa-isa nang nagsitayuan ang mga single na babae't lalaki. Nakakatamad gumalaw.

"Ikaw naman." Pinatayo ako ni Dani at hinila tungo sa gitna ng mga sumayaw naming mga kaklase.

Nakatayo lang ako.

"Getting lonely, pretty girl." Hinila ako ni Enzo papalapit sa kaniya at hinawakan nito ang mga kamay ko at ginabayan ng isa sa mga kamay niya ang baba ko upang dalhin sa direksyon ng kaniyang mga mata.

"Panira ng mood. Tssk." Naiirita na ako.

Patuloy niya pa rin ginagabayan ang katawan ko sa pagsayaw para hindi ako magkamali. Gustihin ko man pumiglas sa hawak niya ay hindi ko magawa. Ang higpit ng kapit. Kapag pinilit kong aalisin nanakit mga palad ko. Matapakan nga ang paa. Sa pag-ikot namin ay sakto ko natapakan bigla ang Kang paa niya.

"Sinasadya mo 'no."

"Kung ayaw mo. Let go of my hands."

"Ayoko nga. Gusto ko makuha yung titulo para sa'tin." bulong nito sa aking tainga. Nangati bigla tainga ko, nahanginan kasi.

Hinaplos niya ang braso ko at inilagay ito sa balikat niya. Matapos ay ganoon din ang ginawa niya sa kabila kong kamay. Maraan niyang inilagay ang kaniyang mga kamay para pumulupot sa aking bewang. Inilapit ko ang mukha ko sa tainga niya para bumulong din.

"Hope you're having fun. Dahil mam*tay ka na. " Pagtre-threatened ko sa kaniya.

"Huyyy~~"

Mga malisyoso't malisyosa. Siguro para sa iba ang sweet namin. Kasi kung ilalagay ko yung paa ko sa posisyon ng mga nakaupo. Parang aakalain talagang sweet hindi nila alam nagbabatuhan na lang kami ng mga pananakot.

Nag-eenjoy talaga ang ep*l. Matapakan nga ulit.

"Oops...nice try."

Nakaiwas ang airhead.

Nakita ko na nagsusulat na ang mga natirang nakaupo upang bumoto para doon sa pinaka-romantic tingnan na single couple.  Bakit feeling ko nakatingin ang karamihan sa akin, sa amin ni Enzo. Don't tell me.

"People who looks like a couple... The majority voted for Enzo and Aia Estrella!"

Eh?e?

Habang sumasayaw pa kami ay inaward na ni Jess ang title sa amin. Heto lang naman gusto ng lokong 'to. Para matapos na rin ang lahat sa maayos na paraan. Sumunod lang ako sa direksyon niya. Sa tuwing mag-square dance siya ay sinusundan ko lang siya. Pero puno ng mga bulungan ang sayaw namin.

"Pretty girl, be mine." Ani Enzo.

Yucks...

"I'm not something you could possess." Madiin kong saad. Nang unit na ulo ko sa inis dito sa lalaking 'to. Pinapakisamahan ko lang at baka maka-eskandalo pa sa reunion.

Nang iniba na ng music production team ang tugtog. Upbeat songs na ay padabog akong kumalas sa hawak at lumayo sa tabi ni Enzo. Such a freak. Tumabi ulit ako kay Dani at niyaya pumunta sa may puno ng narra malayo sa mga tao. I want peace. Binasag kasi yung katahimikan ng mundo ko. Nananahimik ako sa tabi, kung anu-ano ang patutsada.

"Kalma. Init na naman ng ulo mo."

Pinagbuksan ako ni Dani ng mineral water sa plastic bottle.

"I hate people." Napa-pikit ako sa irita.

Tinitignan lang ako ng best friend ko.

"Dismayado ka sa pag-alis ni Clyde." Nag change topic ako.

"It's okay. Wala namang kami." Napa-buntong hininga siya sa kaniyang sinabi.

Tama nga ako. Malungkot siya ngayon. Hindi niya man aminin. Alam ko na she's hurting. Ang tagal din kasi nang makita niya ulit si Clyde. May history ang dalawang 'to as friends pero ewan bigla na lang sumabog yung pagkakaibigan nila. Since that time, wala na dedma na sila sa isa't-isa.

Tinapos na namin ang pag-uusap. Nanatili na lang kami sa may puno para magpahangin. Pantanggal stress din. Napatingin ako sa function hall kung nasaan yung adviser namin nakaupo habang kinakausap yung iba sa mga kaklase namin. Ang laki ng itinanda ni Ma'am Regina. Siguro dahil din sa kunsemisyon na natatanggap niya sa mga makukulit na estudyante. Tinapik ko si Dani para yayain na puntahan namin si Ma'am Regina at maki-kamustahan. Tumango ito. Sabay na kaming mabagal na humakbang papunta sa hall. Take your time ang peg nang paglalakad.

Nagmano kami kay Ma'am Regina pagdating sa hall.

"Kumusta na, Aia?"

"Mabuti naman po, Ma'am. Heto nag-aapply sa Japan. Para pagkatapos po ng master's punta na."

"Ma'am! Miss you po." Napayakap din si Dani sa dati naming adviser.

"Dani! hija, Ang ganda-ganda mo." Bakas sa mukha niya ang pagkabigla sa ginawa ni Dani.

Matapos ang pagpapalitan ng pangangamusta ay in-entertain ni Ma'am ang iba pang mga estudyante na lumalapit sa kaniya. Tumingin-tingin ako sa paligid lalo na sa may food station. Nakita ko na nag-refill yung isa sa mga waiter ng jello shots. Ngayon color blue naman ang kulay ng jellies. Ano kayang lasa n'on? Blueberry? Gatorade?

I'm curious.

"Ante, shotpuno ba ang nasa utak mo? Tumigil ka. Wala na 'yung jowa mo para alalayan ka." Isinandal ni Dani ang palad niya sa balikat ko. Akala ko hindi niya nakita si Denver dahil wala siyang nabanggit patungkol dito. Nananahimik lang pala.

"Si Dani tahimik lang. Aksyon agad. " Pang-aasar ko sa kaniya. Nagkasampalan pa kami ng likod habang nag-uusap. Ang kulit. Bawi-bawian lang din 'yan.

Mabilis akong tumakbo papalayo sa kaniya. At pumuslit ako ng isang blue jello shot. Madali rin akong bumalik sa tinatambayan namin ng best friend ko.

"Naku talaga, Aia. Sinasabi ko sayo." Nangungunsume na siya sa ako.

Hinigop ko yung tirang juice sa baso ng maubos ko yung jelly. It tasted sour and sweet at the same time pero mainit sa lalamunan dahil sa alcohol content.

"Masarap siya Dani." Nakangiti kong sambit kahit ramdam ko na medyo hilo pa ako.

Napa- "tssk...tssk..." na lang siya sa tabi habang iniikot ang kaniyang ulo, side to side.

Bahagya niyang kinuha ang phone niya Mula sa kaniyang black sling bag. May tinawagan ito.

"Kuya. Alam ko andito ka kanina. At sure akong hindi ka pa nakakalayo. Hindi ako magbubuhat ng girlfriend mo." wow. Ang galang niya o. 'Wag mong sabihin si Denver ang kinakausap niya. Paano kaya sila nagkakilala?

"Sino 'yan? Si Denver?" tanong ko.

"Oo mhie. Pinasa sa akin ni Ana-ng makulit number niya." Ani niya. Sino kaya talaga kaibigan nito? Ako o kapatid ko? Parang sila ang mag-best friend. Updated pa ng sobra sa mga ganap sa buhay ko. Magkakampi pa sa pagkakaroon ko ng jowa o/at asawa.

"O' ang kilay. Friends tayo. Friends din kami ni Ana. Iniisip lang namin ang kapakanan mo. I want you to experience love." She rest her arm on my right shoulder. Akala mo nagkaroon na siya ng love life. Ah oo nga pala, may love siya wala nga lang partner.

Nang makita ko yung isang waiter na dumaan na may dalang jello shots. Kumuha ulit ako ng dalawa para 3 is to 3. Tatlong red at tatlong blue. Hay...ang saya.

"Eey...Aia! Lagot ako neto kina Tita." Naiinis na siya sa akin. Napagalitan na rin kasi siya noon nila mama at papa. Naglasing kami noon dalawa 3rd year college. Siya yung may problema tas ako yung almost wasted na umuwi. Ang ending tumbado kami parehas.

"Hey, Dani!"

"Buti dumating ka na. Ingatan mo 'yan. Ngayon lang kasi nakapag-liwaliw 'yan ulit." Pumalikod si Dani sa akin at tinulak ako papunta may Denver. Ano ako baggage? Para itulak sa... mabango.

Alive By Said Words [ON-GOING]Where stories live. Discover now