Chapter 51

40.6K 2.6K 1.1K
                                    

"LAI, WHOSE DOLL IS THIS?"




Dumiin ang pagkakahawak ni Asher sa bagay na iyon, sa manika na pag-aari ni Bobbie, habang ang mga mata niya ay seryosong-seryoso na sa akin nakatuon.


Hindi naman ako nagbaba ng tingin, o maski umiwas sa mga tingin niya. Sinagot ko nang deretso ang tanong niya. "Sa anak ni Renren."


Napakurap siya. "Renren?"


"Yes, Renren. You probably don't know her—"


"Kilala ko iyon," agaw niya na sa boses ay may iritasyon. "Sa anak niya ba talaga ito?"


Kilala niya si Renren? O puwede na namumukhaan lang dahil nakita niya na noon—


"Saka, may anak na ba talaga iyon?" hindi makapaniwala niyang tanong.


"Why? Hindi ba posible? May matris naman iyon, sa pagkakaalam ko."


Tumango-tango siya. "Ah, okay. Galing siya rito kasama iyong anak niya? Tapos naiwan itong manika?"


"Oo." Hinablot ko na sa kanya ang laruan at agad na itinago sa aking likuran.


Napayuko naman si Asher, pero bago iyon, ay hindi nakaligtas sa akin ang pagguhit ng lungkot sa kanyang mga mata. Hindi ko naman pinagtuunan ng pansin, kasi hindi naman mahalaga.


Inilagay ko sa hamper sa may kusina ang manika. Pagbalik ko sa sala ay nakayuko pa rin si Asher. Nakabuka ang kanyang mga hita at magkasalikop ang mga palad niya habang nakayuko. Napakatahimik niya.


Ilang minuto rin. Maalinsangan ang paligid kaya nilakasan ko ang electric fan. Para din lumakas ng kaunti ang ingay ng luma kong elisi, dahil ang katahimikan sa paligid ay medyo nakakabingi.


Sandali lang ay narinig ko na ulit ang boses ni Asher. Mahina. "Lai, someone saw you before."


Tiningnan ko siya. Nakayuko pa rin siya.


"One of our neighbors in Buenavista. Lumuwas ng Maynila para mag-lansum sa SSS. Nakasabay mo raw doon. Ang sabi, nakita ka raw na parang malaki ang tiyan. Pagkauwi ay naikuwento sa nanay ko."


It was a month before I returned to Cavite and stopped by in Navarro to visit Carlyn, so the information did not come from her. Sa tingin ko rin sa babae ay hindi ito ang tipo na basta-basta magsasabi, kahit pa kaibigan niya ito.


Para siyang may gustong marinig nang mag-angat ng paningin. "Lai..."


"Baka busog lang ako."


Napanganga siya sa akin.


Itinutok ko naman sa kanya ang nakatodo na electric fan, kaya naitikom niya ang kanyang bibig.


Bumagsak ang balikat niya pagkuwan at tamad na nagsalita, "Yeah, I also thought it was impossible." Napabuga siya ng hangin. "We were cautious, and you were taking pills, so it was impossible even though I was so drunk and hadn't used protection the last time we..." Hindi niya na naituloy ang sinasabi.


Naupo ako sa katapat niyang sofa. Nanahimik na siya pero nahuhuli ko ang paminsan-minsan niyang pasimpleng pagmamasid sa paligid. Makailang ulit ko rin siyang nakita napapabuga ng hangin.


"Lai, ano pala ang gagawin since friends na tayo?"


"Hmn..." Napahimas ako ng baba. "Magkuwentuhan?"


"Ha? Ano?"


"Kuwentuhan," ulit ko na yamot na. "Kuwento. Kumusta ang kuya mo?" tanong ko bilang simula.


South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now