Chapter 50

53.3K 3K 1.3K
                                    

WOULD YOU LIKE US TO BE FRIENDS?


Anong meron sa tanong kong iyon upang panlakihan si Asher ng mga mata? His red lips were still parted as he looked at me as if he had just heard something so absurd.


Umalon ang lalamunan niya. "Puwedeng maging magkaibigan ang mag-ex?"


Seryosong sinagot ko naman ang tanong niya. "Why? May batas ba na nagbabawal?"


Napalunok siya ulit. "Wala naman, pero—"


"Ayaw mo o gusto mo?"


Nakailang kurap yata siya bago nakasagot. "G-gusto."


Maliit na nginitian ko siya. "Then we are friends now."


Lumayo na ako sa kanya dahil parang hindi na siya makahinga. Hindi naman puwedeng mamatay siya rito. Alalahanin ko pa ang bangkay niya. Hassle pa.


Anyway, offering friendship to Asher may looked like a hasty decision, but I was certain of it. Sa lumipas na mga taon ay hindi pa ako nagkamali ulit sa kalkulasyon.


Pinagmasdan ko siya. Nakabawi na siya sa pagkabigla. In fact, parang may kung ano siyang iniisip sa mga oras na ito. Kinuha niya ang phone mula sa bulsa at inabot sa akin. "If we are friends now, we should have each other's phone numbers, right?"


Nangunot ang aking noo, pero naisip ko na may punto naman siya. I didn't accept his phone but I recited my number to him. Nagmamadali naman niya iyong na-type at na-save nang hindi ko na kinakailangan pang ulitin. Kinuha ko na rin ang number niya, para alam ko kung sakaling ko-contact man siya.


He was only here in the Philippines for a short vacation, and he would board the ship again soon. Saglit lang ito. Ginantihan ko ang ngiti niya, na dahilan para matigilan na naman siya. Pero nang makabawi ay ngumiti na siya ulit. Hindi ko lang sigurado kung tama ba na parang malungkot na ang mga mata niya sa pagkakataong ito.


Hindi na rin siya nagtagal nang mayamaya lang ay tinawagan na siya ng nanay niya. Nagkakagulo raw sa bahay nila dahil nakitaan ng nanay nila ng tahi sa katawan ang Kuya Aram niya. Dadalhin daw nila sa ospital ang pangalawa sa mga nakatatanda niyang kapatid.


Para namang ayaw pang umalis ni Asher. Kapit na kapit pa siya sa pinto. "Lai, you can't take it back," desidido na sabi niya sa akin. "We are friends now. I already have your number and you have mine. Expect me to contact you." Nasa pinto na siya ay lumilingon pa sa akin. "I'll be sure to text you!"


Nakatingin lang naman ako. Nang wala na siya ay saka lang nag-iba ang kislap sa mga mata ko. Pati ang maliit na ngiti sa aking mga labi ay naglaho. Blangko ang mukha na isinara ko na ang pinto.



NEXT DAY. Hindi naman ako napuyat kahit panay text iyong bago kong kaibigan. Ini-off ko na kais ang aking phone sa aking paghiga. Kapag oras na kasi ng tulog, ay oras na dapat ng tulog.


Maaga kaming gumayak ni Bobbie noong mag-umaga na. Nabitbit pa ni Bobbie pababa ang laruan na yakap lagi nito sa pagtulog. Isang laruang manika na isa sa padala ni Israel galing ibang bansa. Kinuha ko iyon sa bata at inilapag muna sa sofa.

South Boys #5: Crazy StrangerWhere stories live. Discover now